TRY MO RIN
Di naman kasi lahat ng masaya,
Eh masayahin talaga,
Minsan lungkot rin ay dama,
Dahil sa rami ng problema.
Sa paaralan,
Ako'y masayahin,
Sapagkat minsa'y mahinhin,
Dahil ang daming iisipin.
Pagtungo naman ng bahay,
Away dyan, Away dito,
Lagi na lang may nagtatalo,
Kailan kaya magkakaroon ng Katahimikan?
Ako naman, eto,
Kinikimkim lahat ng sekreto,
Walang masabihan,
Dahil walang mapagkakatiwalaan.
Hanggang kailan kaya?
Kailan titigil ang pagpapanggap?
Kailan itatapon ang maskara?
Upang maipakita ang totoong sarili?
Mga tao kasi ngayon,
Hindi marunong makiramdam,
Ang dami ng nagdaan na taon,
Bakit ganun parin?
Try nyo,
Try mong nipisan ang balat mo,
Baka matanto mo,
at magsisi pa kayo.
END..