PANGALAN
Kapag nakita,
Ngumingiti na,
Ay! Kinikilig pa!
Mala-heaven na ba?
Pero bakit ganon?
Di mo pa rin pansin,
ang aking pagtingin,
o baka sadyang malabo na ang iyong paningin?
Isang araw,
Isang pangalan ang iyong sinigaw,
At sumakto sa aking pangalan,
o nabingi lang ako dahil ang ingay sa kanan?
Di naman pala pangalan ko,
Hindi talaga maiiwasan mag-assume,
Eh sa yun ang narinig ko,
Baka bingi na yata ako?
Ang sakit,
Bakit?
Dapat malinaw ang pagkakasabi,
Ayan, si Ako ay nag-assume.
Kinabukasan,
Lahat nagsitayuan,
at si Crush ay pumunta sa harapan,
Ano kaya ang aking tutunghayan?
"Mga kaklase!
Mali ang aking nasabi,
Mali lahat ang inyong pagkakarinig,
Dahil siya ang aking iniirog"
Tinuro niya ako,
Lahat nagsitinginan sa direksyon ko,
Ha? Ako?
Mali nanaman yata ito?
"Ha? Ako ba?"
"Oo, ikaw nga"
"Paano 'to nangyare?"
"Dahil dati, ako ay nagpakatorpe"
"Dati?"
"Oo, dati,
Dati pa akong may gusto sayo,
Pero ngayon, naamin ko na rin sayo"
Yung feeling na,
Kilig na kilig ka!
Hindi mo na alam ang nangyayari,
Basta, ang saya ng pangyayari.
END..
lol haha, medyo magulo 'toh. :/ :( pero oks na ren! :~D
