Unang Bugso ng Damdamin

2 0 0
                                    

Dear Kenneth, 

Kung hindi man kita mahintay ngayon sa labas ng bahay niyo sana ay makita mo itong kapirasong papel na nakasingit sa pintuan at sana'y mabasa mo man lang. 

Hindi ko na alam ang gagawin ko? Kahit ipilit ko ang sarili ko sa iyo para bang pinagtutulakan mo ako papalayo. Nasa punto ako ngayon nang pag-iisip kung dapat pa bang ipagpatuloy ko ang meron sa atin at ipaglaban ko kung anong meron tayo o kumawala na lang ako gaya ng pagbitaw mo sa kamay ko, sa atin. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Hindi ko na maintindihan ang mga nangyari sa loob ng anim na araw nung binitawan mo ang mga salitang "Ayoko na. Umalis kana." Kahit gusto kitang ipaglaban at  humingi ng tawad sa mga nasabi ko dahil alam kong nasaktan din kita ay hindi ko na magagawa. Paano kita ipaglalaban kung sa una palang sumuko kana? Ano bang dapat kong gawin tanong sa aking isipan. Ang tigas tigas mo Kenneth. Para bang ang laki laki ng pader na inilagay mo sa sarili mo na kahit anong gawin kong tibag ay hindi  ko masisira.

Nag-intay ako. Nag-intay ako ng anim na araw dahil sinunod ko ang payo ng Mama mo na mag-usap tayo kapag umalis na siya. Sa anim na araw na iyon ay tiniis ko ang sakit kahit labag sa puso ko na hindi ka kausapin. Pagkagising ko pa lang ay ikaw na ang nasa isip ko. Bago matulog ay ikaw pa din. Ni sa panaginip ay hindi mo ako pinatakas.  Ang segundo ay mistulang isang oras sa buong araw. Napakatagal ng anim na araw na iyon para sa akin kaya napagpasyahan ko ngayong Biyernes  ay pupuntahan na kita sa inyo. Maraming "Paano kung" naliligaw sa isipan ko habang naghihintay sa iyo ngayon. May isang  ideya akong pilit kong binubura sa isipan ko pero patuloy pa din itong bumabalik. Kaya sa maraming pagkakataon ay umiiyak na naman ako. Nagtatanong sa aking sarili bakit nagkaganito tayong dalawa? Kaya patuloy kong sinisisi ang sarili ko kung kasalanan ko ba talaga at nasakal kita sa relasyon na ito? Hanggang dito na lang ba talaga?

Mag-aantay ako sa iyo kahit gaano katagal. Baka hindi ko na matapos ang sulat... 

Shattered HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon