Dear Kenneth,
Isang linggo na ang nakakalipas nung huli tayong magkausap. Unti-unti kong binabalikan ang mga nangyari nung mga oras na iyon. Sa pangalwang pagkakataon ay nasabi mong muli ang mga katagang "Ayoko na. Umalis kana.". Noong nagkausap tayo hindi ko akalain na makakaiyak ako na para bang wala ng bukas. Ilang beses ko pinagpilitan sa iyo na gawan natin ito ng paraan ngunit ang sabi mo napalagpas ko na iyong pangalwang pagkakataon at ayaw mo na. Hindi ko matanggap yung sinabi mo. Para bang nakaplano na at matagal ka ng huminto noong mga panahon na may "tayo". Ang sakit isipin na ganun na lang yon? Pero ano pa bang magagawa ko kung nititigan nga sa mga mata ko ay hindi mo na magawa . Kung umiyak kana din habang sinasabi mo na "Ayoko na." Kaya bigla akong napatigil sa pag-iyak at pilit kong pinunasan ng mga palad ko ang mga luha mo habang nakapikit ka. Doon ko naisip na eto na talaga nagwakas na. Kilala na kita kaya nung umiyak ka sa harapan ko ay nanlumo ako sa sarili ko. Napagtanto ko na pinapahirapan ko lang ang mga sarili natin kung patuloy kitang hahawakan. Ayaw ko ng ipagpatuloy na saktan pa ang mga sarili natin kung alam ko naman na ako na lang ang tanging kumakapit. Alam ko sa sarili ko na pag-umalis ako sa inyo alam kong hindi na ako makakabalik.
Nang umalis ako sa inyo ay unti-unti kong tinanggap na wala ng "tayo". Lahat ng alaala natin dalawa mapait man o masaya ay kailangan kong baunin sa aking pag-alis. Hindi ko man alam kung kailan magiging maayos kapag umalis na ako sa inyo pero alam ko sa sarili ko na yoon ang una kong hakbang. Tinuldukan na natin kung anong meron sa atin.
Kinabukasan ay ginawa ko ang lahat para lang maging maayos ang lahat sa akin. Naging okupado ang pag-iisip ko sa mga bagay bagay kaya isang linggo ang nakalipas ay hindi na ako umiyak. Pero aminado ako na naiisip pa din kita. Kumusta ka na ba? Tanong sa aking isipan. Pumasok sa isip ko ngayon pagkatapos ng isang linggo na puntahan ka uli at kausapin ka pero para bang may pumigil sa akin at sinabi na lang sa sarili na "wag na lang.". Okay na din na ganito ang nangyari kahit papaano ay nakapag-usap tayo sa huling pagkakataon.

BINABASA MO ANG
Shattered Heart
No FicciónMga Huling Salita Ko Para Sa Iyo. Mga Huling Iyak na iiiyak ko. Mga Huling pagmamahal na ibubuhos ko sa iyo. Mga Huling alaala nitong pag-ibig ko. Sa Huling segundo ibibigay ko para sa iyo. Maraming salamat sa mga babasa. Hindi naman ito story. Ka...