Pangatlong Bugso ng Damdamin

3 0 0
                                    

Dear Kenneth,

Akala ko tapos na ako sa in denial stage ng paghihiwalay naten. Naisip ko okay na ako dahil masaya na ako. Masaya ako dahil hindi na kita parating naiisip at hindi na ako umiiyak. Mag dadalawang linggo pa lang pagtapos ng paghihiwalay natin. Naging masaya ako dahil na din sa tulong ng mga kaibigan ko na andyan simula noong magkalabuan na tayo hanggang ngayon. Kaso pag napapag-isa ako unti-unti kang pumapasok sa isipan ko at nalulungkot na naman ako. Hindi ko maiwasang manghinayang sa ating dalawa. Kasi alam ko sa sarili ko na hindi ako nagkulang ng pang-unawa at pagmamahal para sa iyo. Kaso wala na kasing "tayo" kaya hanggang panghihinayang na lang ang magagawa ko. Pinipilit ko na hindi tignan ang profile mo sa Facebook pero kahapon nag simula akong i-view ang profile mo pati ngayon. Nakakalungkot man isipin hindi mo pa din tinatanggal yung mga pictures ko,naten. Inaantay ko na i-block mo ako kasi ang sabi ko sa iyo pagna-delete mo na mga pictures naten block mo na agad ako pero hanggang ngayon "Friends" pa din tayo sa FB. Buti pa sa FB magkaibigan tayo pero in real life strangers na tayo sa isa't-isa. Hanggang ngayon in denial pa din pala ako. Nagpapanggap na okay na at tanggap ko na pero hindi pa din pala. Kaya eto ako ngayon umiiyak na naman. Lumuluha dahil ang sakit pa din pala. Nagpahinga lang pala ako sa pag-iyak ko noong nakaraan. Para akong tanga kasi saloob loob ko umaasa pa din akong magkakabalikan tayo. 

Naniniwala na ako sa katagang "Tulak ng bibig, kabig ng dibdib." Kahit sabihin ko sa mga kaibigan ko  at sa sarili ko na "Ayos na ako. Wala na akong pakialam dun.". Sarili ko lang pala talaga ang niloloko ko. Makailang beses ko ngayong araw na i-message ka uli kaso pinipigilan ko sarili ko tapos bigla na lang akong mapapapikit at humihinga ng malalim. Bakit ganun ang bilis mo naman maka-recover? Bakit parang ayos kana? Samantalang ako nangangapa na naman sa umpisa kung paano ko pupulutin isa-isa yung puso kong pira-piraso pa. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shattered HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon