[Anjie’s POV]
Good morning world! Good morning Philippines! :D
Ang ganda ng gising ko today. Siguro kasi napanaginipan ko yung bago kong crush!! Ahihihi ♥
Plano kong magpakilala sa kanya mamaya. :”> Isasama ko rin sila Suzy para makilala din nila ang crush nila! ^_^
Tumayo na ako at pumunta sa cr. Naghilamos lang ako saglit then bumaba na. Agad kong nakita si Manang Cecil na naghahanda ng almusal.
“Good morning Manang!!” full of energy kong bati sa kanya ^_____^
“Oh gising ka na pala,” humarap siya sakin, “halika at tulungan mo akong ihanda ‘tong breakfast natin.” :)
“Sure po.” agad akong tumulong kay Manang. Nilapag na namin yung mga pagkain sa table, “Manang, nasaan nga po pala sila Kuya? Gising na po ba sila?”
“Si kuya Axl mo hindi nakauwi kagabi. Busy daw kasi siya. Si kuya Angelo mo naman tulog pa at si Austine nasa labas kausap kaibigan niya.”
“Ganun po ba? Gisingin ko lang po si kuya Angelo ah.”
“Sige para sabay-sabay na tayong mag almusal.”
Umakyat ako at pinuntahan ang kwarto ni kuya Angelo. Kinatok ko ito.
*knock knock*
“Kuya gising na! Mag aalmusal na tayo!” pero walang sumasagot, “kuya!! Kuya!! Kuya?” binuksan ko yung pinto di naman kasi naka-lock. Nakita ko si kuya na nagtetext. =___= Kanina pa ako sumisigaw dun di manlang ako pinansin!
“Hoy kuya baba ka na, kakain na!” >:(
“Ge.” ang tipid naman ng sagot niya! >.<
“Kuya bilis na. Lalamig yung pagkain.”
“Oo na. Mauna ka na. Susunod ako,” sabi niya habang nakatingin pa rin sa phone niya. Lumapit ako sa kanya at saka umupo sa kabilang side ng kama, “sino ba kasi yang katext mo kuya?” tanong ko pero di siya agad sumagot. Humarap siya sakin saka sinabing, “si Hannah.” O________O?