Chapter 1- Pain

11 1 0
                                    

"Joy ayoko na, maghiwalay na tayo"

"Joy ayoko na, maghiwalay na tayo"

"Joy ayoko na, maghiwalay na tayo"

Paulit-ulit na umalingawngaw sa tenga ko ang sinabi niya.Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko ngayon. Nagbabadiya nang pumatak ang luha sa mga mata ko. Sumisikip ang dibdib ko na parang hindi ako makahinga. Parang nadudurog ang puso ko sa sobrang sakit. Walang gustong lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam ang sasabihin at gagawin. Ang alam ko lang nasasaktan ako.

"i'm sorry ..."

Nakatitig lang ako habang papalayo siya. Ayaw gumalaw ng mga paa ko para habulin siya. Wala akong magawa kundi ang tumayo sa park na yon at umiyak.Nanlalambot ang mga tuhod ko hanggang sa bumigay ito at napaupo ako sa damuhan. Naramdaman ko ang patak ng ulan na palakas ng palakas. Doon ko mas naramdaman na wala na talaga siya.. Iniwan niya na ako.

"Bakit? Mike...."

____________________________________________________________________________________

"Joy ayoko na, maghiwalay na tayo"

"i'm sorry ..."

Nakatitig lang ako habang papalayo siya. Ayaw gumalaw ng mga paa ko para habulin siya. Wala akong magawa kundi ang tumayo sa park na yon at umiyak.Nanlalambot ang mga tuhod ko hanggang sa bumigay ito at napaupo ako sa damuhan. Naramdaman ko ang patak ng ulan na palakas ng palakas. Doon ko mas naramdaman na wala na talaga siya.. Iniwan niya na ako.

"Bakit? Mike...."

Mike...

Mike...

"Joy, Joy... Gumising ka!"

Sophia?

"Joy, Joy... !"

Napabangon ako.. Panaginip na naman.. Nakita ko ang nag-aalalang si Sophia! Ramdam ko ang namuong pawis sa noo ko at ang mga luhang dumadaloy sa mga mata ko, pinunasan ni Sophia ang mga ito at niyakap ako. Hanggang ngayon napapaniginipan ko pa rin siya.. Hanggang ngayon masakit pa rin, nasasaktan pa rin ako.

Sophia: napaniginipan mo na naman ang gagong Mike na yon? Joy, kalimutan mo na siya. He's not worth it! Mag move on kana.

Joy: Sinusubukan ko naman.. Pero minsan kasi di ko pa rin maiwasang isipin kung bakit niya ako iniwan? masaya naman kami pag magkasama kami at nakikita ko na masaya siya. Pero bigla nalang siyang bumitaw ng di ko alam ang dahilan. Siguro naman deserve ko malaman ang reason kung bakit di ba? Siguro kung sinabi nya sakin, siguro naayos pa namin ang relasyon namin.

Sophia: Bakit? kaibigan kita kaya sasabihin ko sayo ito. Simple lang Joy at hindi na kailangan i-explain ng mahaba ang reason niya.. HINDI KANA NIYA MAHAL! yon lang yon..

Biglang kimirot ang puso ko sa sinabi ni Sophia.. Masakit, SOBRANG SAKIT!!! Na magising ka isang araw na hindi kana mahal ng taong minahal mo ng sobra.. Biglang tumulo ang luha ko dahil sa masakit na sampal ng katotohanan. Tama si Sophia baka nga hindi na ako mahal ni Mike or baka hindi niya talaga ako minahal.

Sophia: Joy sorry pero alam mo namang mahal kita at ayoko lang na lagi kang nakikitang umiiyak dahil sa gagong yon. At hindi healthy ang umiyak ng sobra at magmukmok sa sulok dahil sa walang kwentang taong katulad ni Mike. Kaya bukas mamamasyal tayo at magshoshopping okay?

Joy: pero...

Sophia: Anong pero? walang pero pero... sumunod ka nalang.. okay? para din naman sayo to.. jusko Lord its been 1 year simula ng naghiwalay kayo and i'm sure habang nagmukmok ka diyan masaya na yon sa buhay niya at kasama ng bago niyang girlfriend!

Joy: Alam ko...

Kumunot ang noo ni Sophia at halatang gulat na gulat sa sinabi ko. Hindi ko naman siya masisisi.. Dahil sa pagka-desperada ko ng mga panahong naghiwalay kami, chineck ko lahat ng website accounts ni Mike. Nagbabakasakali ako na matanong ko siya kung bakit kailangan naming maghiwalay. Pero di ko inasahan yong nakita ko, at nalaman ko.. After 2 days "in relationship" na agad siya sa girl na pamilyar ang mukha sakin. At naalala ko siya, siya yong nakita ko sa cp ni Mike nong isang beses na hiniram ko yong cp niya. Tinanong ko pa siya kung sino ang babae sa cp niya at sabi niya classmate niya lang daw, kaya hindi ko na siya masyadong inusisa. Pero ang totoo kinutoban na ako ng panahong yon at natakot. Pero hindi ko nalang inintindi yong naramdaman ko. Kaya pala, kasi yong babaeng yon pala ang magiging dahilan para mawala si Mike sakin. Simula non tinitingnan ko na lagi ang fb account ni Mike.. Hmmm.. Let me rephrase that, simula non naging stalker na ako ni Mike... Updated ako sa lahat ng nangyayari sa kanya.. Creepy right? Ganun ko siya kamahal.. Eh..

Sophia: what did you say? Oh my god Joy! You're freakin me out!!! Masokista ka ba ha? Sobrang kamartiran na yang ginagawa mo... Ay hindi pala.. SOBRANG
KABOBOHAN NA!!!

Joy: Ang sakit mo namang magsalita..

Sophia: Sorry.. Pero hindi na tama kasi yang pinag gagawa mo.

Alam kong tama si Sophia.. Pero madalas lang talaga pagdating kay Mike, nagiging padalos dalos ako ng desisyon..

Sophia: Joy tigilan mo na yan.. please lang! kung gusto mo talagang maka move on sa hinayupak na Mike na yan, tutulongan kita. Pero kailangan mong makipag-cooperate sakin. Kaya simula ngayon e-unfriend mo siya sa lahat ng website accounts mo.

Joy: But...

Sophia: No buts.. gawin mo nalang okay?

Joy: o-okay..

Alam kong gusto lang makatulong ni Sophia sakin, pero parang ang bigat sa loob ko ang gagawin ko. Hindi ko na masusubaybayan si Mike. Hindi ko na makikita ang mukha niya kahit sa picture manlang. Hindi ko na rin malalaman yong mga nangyayari sa kanya araw-araw. Kahit nasasaktan ako pag may nakikita akong picture nila ng girlfriend niya atleast nasusulyapan ko pa rin ang gwapo niyang mukha. Siguro nga tama na ang 1 year and 6 months para umpisahan ko ulit ang buhay ko ng wala siya. Siguro kailangan ko na talagang kalimutan ang lalaking una kong minahal at ang lalaking sinaktan ako ng sobra...





Simpleng Tulad MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon