Chapter 2 - a fresh start

3 1 0
                                    

"Joy"

"Joy"

Naka-upo ako sa damuhan ng parkeng iyon, umiiyak.. Basang basa na ako pero di ko alintana ang lakas ng ulan, dahil sa iniinda kong sakit. Sa gitna ng aking pag-iyak, may narinig akong boses na tumatawag sa pangalan ko. Lumingon ako sa paligid, pero wala akong makitang tao. Hanggang sa makarinig ako ng mga yapak ng paa na palapit ng palapit. Nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng asul na t-shirt at medyo kupas na maong, naglalakad siya palapit sakin. Nakangiti siya...

"Joy"

"Joy"

Napabangon ako.. Panaginip na naman.. Ilang beses ko ng napapaniginipan ang lalaking yon pero hanggang ngayon hindi ko pa rin maaninag ang mukha niya. Hindi ko alam kung bakit lagi ko siyang napapaniginipan. Ang alam ko lang tuwing ngumingiti siya, gumagaan ang pakiramdam ko at nawawala lahat ng sakit na nararamdaman ko. Minsan iniisip ko baka, guardian angel ko siya pero impossible.. Ang alam ko naka-puti ang mga anghel at may pakpak, pero siya naka-asul at kupas na maong?

Sophia: Joy.. Hellooooooo... Nakikinig ka ba sakin?

Joy: Huh?

Sophia: Tulala ka na naman. Kanina pa ako daldal ng daldal dito, di ka pala nakikinig!

Natawa ako sa itsura ni Sophia kala mo batang hindi nabilhan ng gustong laruan.. Maswerte pa rin ako dahil may best friend akong katulad niya. Hindi man ako naka-move on ng 100% kay Mike, at least i'm getting there na. Tinulangan niya akong paunti unting makabangon at ngumiti ulit dahil sabi nga niya maganda ang buhay.. Ang corny man niyang mag-isip ng tag line atleast siya hindi niya ako sinukuan..

Sophia: Oh my god! Joy baliw kana?

Joy: huh? bakit?

Sophia: Tumatawa ka ng walang dahilan.. My god..

Joy: hahaha.. Ano ka ba? natatawa kasi ako sa mukha mo.

Sophia: What? Mukha ba akong kengkoy? ang pretty pretty ko kaya.. hmpff..

Joy: OK!

Nagkatinginan kami ni Sophia at natawa nalang kaming dalawa. Madalas kaming ganyan, parang walang problema. Siguro kasi we want to enjoy life in a better way. Kung tutuusin pwede niya akong iwan at bumalik sa pamilya niya pero di niya ginagawa. Sabi niya mas masaya daw siyang kasama ako. Pero alam kung naaawa lang siya sakin.

Sophia: Joy magpapasukan na.. Tingin mo anong magandang kuning course? Nababagot na kasi ako sa course ko.. Mag HRM kaya ako?

Joy: Mag-shishift kana naman? pano ka makakatapos niyan kung papalit-palit ka ng kurso mo..

Sophia: Kasi naman, puro reports lang pinagawa samin hanggang natapos yong semister.. And besides ang boring kaya magturo ni Mr. Ramirez..

Joy: Grabeh ka naman, hindi naman siya boring.. hmm.. hindi lang inspired..

Sophia: haha.. Ang sabihin mo walang gustong e-inspired siya kasi malapit na siyang mag expired!

Joy: hahaha.. ang sama mo talaga..

Biglang tumigil ng kakatawa si Sophia at tinitigan ako ng seryoso. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o magseseryoso din. Pero bigla siyang ngumiti sakin.

Sophia: I'm happy for you Joy.. Ngumingiti kana, tumatawa na para bang walang nangyari.

Napangiti ako sa sinabi ni Sophia, pero alam kong may kadugtong pa ang mga linya niyang yan..

Sophia: Pero naiisip mo pa ba si Mike?

Joy: hmm.. oo minsan.. Inaamin kong hindi pa 100% ako naka-move on sa kanya pero sabi nga ni Piolo "I'm getting there"..

Simpleng Tulad MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon