Chapter 1

10 0 0
                                    

Nako ano bayan, ano bang isusuot ko? Kailangan kong maging maganda ngayon. Gosh, kailangan kailangan kailangan... Hindi ako mapakali habang binubuksan-sara ko ang aparador ko. Kailangan kong makahanap ng magandang damit para maisuot sa valentines ball. At nahihirapan ako dun. Sinubukan ko ng magtanong sa mga kaibigan ko kung okay ba to? Okay ba yan? Eh ito? Ito kaya? Yan kaya? Sumasang ayon naman sila. Pero pakiramdam ko may kulang, pakiramdam ko hindi parin ako magiging maganda dun.

"Hay nako fatrish, paulit ulit nalang. Ilang daang beses mo naba nasukat yan?"

"Alam mo ate ang o.a mo. Wala pang 20 times."

"Bakit ba kase hindi ka mapakali dyan? Kanina ko pang sinabi sayo na mag jeans at t shirt ka nalang"

"Seriously?"

"Muka ba akong nagbibiro? "

"Ikaw kaya ang magsuot ng jeans at tshirt sa valentines ball!! " naiinis kong sabi.

"Bakit hindi? Kung san ako kumportable. Doon ako"

"Hindi Ang susuotin mo ang pinag uusapan natin"

"Gusto ko lang makatulong. Ayos naman suggestion ko diba? Mas makakagalaw ka ng ayos. "

"Pero hindi naka ayon ang jeans at tshirt sa isang party na puro sweetdance at magsasayaw ka kasama ang boyfriend, crush oh kung sino mang lalaki!"

"Oh. Okay, nag suggest lang naman ako para hindi kana mahirapan. Easy kalang fat. "

Lumapit sya sakin, mula sa pagkakaupo nya sa couch ko sa gilid ng kama ko. At mabilis akong hinila palayo sa aparador ko.

"Akina, ako na yung maghahanap. Umupo kalang dyan"

"Kung sa inaakala mo magsusuot ako ng jeans at tshirt nagkakamali ka"

"Ay. Grabe sya oh? Ihahanap kita ng dress. Dress po. Dress"

"Okay. Bilis. "

"Excited? Ang pagkakaalam ko next week pa yung ball nyo."

"Wala kang pake"

"Walang may sabing may pake ako"

"K."

Inilabas nya lahat ng damit ko sa closet ko, at pinagmasdan nyang mabuti lahat iyon. Mukang matatagalan pa sya ng pamimili kaya kinuha ko nalang yung phone ko at nag facebook.

"Hey fat, eto oh? Ayos to. Ito isuot mo. " 

Habang hawak nya ang above knee black dress ko.

"Black? Hindi ba parang pang patay?"

"Hindi. May belt na red naman sya, so okay na. Naka ayon na yan sa ball nyo. " natatawang sabi nya.

"Oh. Okay. Wala nakong magagawa, hay nako. Dyan lang din pala bagsak ko"

"Babagay naman sayo to. Okay na yan"

"Thankyou"

"Aalis nako, sana naman okay kana dyan at hindi mo na bubuksan-sara yang aparador mo"

"Yeah. Thankyou ulit. Bye."

Kahit na ganun sya mahal ko parin sya. Ang swerte kong may kapatid akong katulad nya. Bago ang lahat, ako nga pala si Julianna Fatrish Manuel, 16 years old. 4th year student at ang pinaka excited sa valentines ball nila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 20, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Break AwayWhere stories live. Discover now