INIS na ini-off ni Riki ang kanyang cellphone dahil paulit-ulit na tumatawag si Victoria. Ang babaeng nakilala niya sa isang party nang nakaraang gabi. They eventually ended up going all the way that night, at ngayon hindi na siya nito tinigilan sa kakukulit. Kung saan nito nalaman ang kanyang cellphone number ay wala siyang ideya.
Ipinarada niya ang sasakyan nang makarating sa isang kilalang restaurant sa Makati. Tiningnan niya ang wristwatch, medyo napaaga siya kaya hindi na siya nagtaka na siya ang unang dumating. Batid niyang ilang minuto na lang ang hihintayin niya ay darating na din ang dalawa niyang matalik na kaibigan na si Aven at Flan.
Bata pa lang ay magkakasama na silang tatlo dahil nasa iisang subdivision nakatira ang kanilang mga pamilya. Mula elementary hanggang highschool ay magkakaklase sila sa isang unibersidad at habang nagbibinata ay parepareho ang sports na kanilang kinahiligan---ang motocross. Kaya nang magkahiwa-hiwalay sila ng magkolehiyo ay sinikap nilang panatilihing matatag ang kanilang samahan kaya madalas silang lumabas kapag weekend. They were on their dirt bikes doing the impossible. Aminado silang tatlo na hindi pabor ang kanilang mga magulang sa kanilang kinahihiligan kaya lang wala naman silang magawa dahil iyon talaga ang gusto nila. Nag-iingat naman sila kaya hanggang ngayon wala pang naaaksidente.
Sa California nakabase ang kanyang buong pamilya kasama ang isa niyang nakababatang kapatid. Mas pinili niyang dito sa Pilipinas manirahan dahil narito ang kanyang mga negosyo pati na ang malalapit niyang kaibigan. His heritage was a combination of Filipino and Chinese descent. Halata naman daw sa singkit niyang mata at maputing kulay ng balat.
Naupo si Riki sa mesa malapit sa may pintuan. Lumapit naman sa kanya ang waiter at ibinigay ang menu.
"Thank you," tipid siyang ngumiti at kinuha ang menu. Maya-maya pa ay dumating na si Flan, abot hanggang tenga ang ngiti nito nang makita siya. Lumapit ito sa gawi niya at naupo sa bakanteng upuan sa harapan niya, "Mukhang ang aga mo ngayon pare," they exchanged a fist bump.
Flan stayed almost seven years in United States. Hindi na nito tinapos dito ang pagkokolehiyo dahil nagmigrate na ang pamilya nito sa America. Halos anim na buwan pa lang ang inilalagi nito sa Pilipinas mula ng bumalik ito. Isa itong kilalang Crime Investigator sa New York kaya lang medyo marami na itong malalaking taong nasasagasaan doon kaya mas pinili nitong bumalik sa Pilipinas para na rin makapag-bakasyon. Nagtayo na lang ito ng sariling detective agency at isang gun shop dahil bukod sa motocross ay sadyang mahilig ito sa mga baril.
"Actually, kadarating ko lang. Where is Aven?" wika ni Riki.
"Sabi niya papunta na rito eh, baka nag-sermon pa." biro ni Flan.
Pumasok kasi si Aven sa sa seminaryo dahil na rin sa kagustuhan ng magulang nito. Ngayon ay nagkaroon ito ng regency, ang panahong kailangan na nitong magdesisyon whether he was going to live a celibate life or he was going to get married. Habang hindi pa ito nakapagdedesisyon, mas pinili nitong pamahalaan ang construction firm na pag-aari ng pamilya nito. Tutal naman nagtapos ito ng Civil Engineering bago ito pumasok sa seminaryo.
"Hey guys! Andito na ako, medyo na-traffic kasi eh." Napakamot na lang ito sa ulo bago naupo.
"Akala namin ni Flan nag-misa ka pa!" pang-aasar ni Riki.
"Eh kung kayong dalawa kaya ang misahan ko, gusto niyo?" banat naman ni Aven.
Natawa naman si Flan, "Easy lang father, madadagdagan na naman ang kasalanan mo."
"Seriously speaking guys, ano tuloy ba tayo sa linggo?" seryosong tanong ni Riki.
"Yeah sure, I'm free on Sunday." Tumango si Flan.
BINABASA MO ANG
DRC 1: Riki Cheng (Love Crash)- published under PHR - PREVIEW ONLY
RomanceIt seemed like she was a magnet and he just couldn't take his eyes off her. For Riki Cheng, riding his dirt bike was his passion that was why he decided to form an exclusive motocross organization called Dirt Riders Club. Lahat ng miyembro ng samaha...