CHAPTER FOUR
TUMINGIN si Lei sa relong pambisig. Nakahanda na ang mga gamit niya dahil gaya ng napag-usapan nila ng lolo Agustin niya ay sasabay siya kay Riki pabalik ng Maynila. Sinunod naman ng binata ang ipinangako nito sa lolo niya na ihahatid siya ng maaga at hindi ito uminom ng alak para daw matino ang isip nito habang nagda-drive pauwi at makaiwas sa aksidenteng puwedeng mangyari.
Halos hindi rin siya nakatulog ng matino dahil sa kakaisip sa mga nangyari sa victory party ni Ryder. Ipinagpapasamalat na lang niya na hindi naman inungkat ni Riki ang ginawang paghalik nito sa kanya dahil talagang hindi niya alam kung paano mag-rereact.
Minsan gusto niyang matawa sa sarili dahil sobrang advance niyang mag-isip. Kung anu-anong masasamang kahulugan ang iniisip niya sa bawat katagang sinsabi ni Riki. Kaya lang kung pagbabasehan niya ang mga kilos nito ay halatang ingat na ingat ito pagdating sa kanya. Parang bumababa lahat ng mga defenses niya kapag kasama niya ang binata. Kahit sandali pa lang silang nagkakasama ay talagang palagay ang loob niya rito. Marahil na rin siguro dahil sa sobrang bait nito, hindi nga lang halata kung pagbabasehan niya ang pilyong mukha nito.
Dali-dali siyang nagpaalam sa dalawang matanda nang dumating si Riki. Agad siyang sumakay sa dalang sasakyan nito. It was the latest model of Pajero. Mukhang sobrang hilig talaga ng lalaki sa off-roading dahil na rin sa klase ng sasakyang dala nito.
"Are you ready? This is going to be a long drive." Tanong ni Riki.
"Of course I am. Dumeretso na tayo sa hospital pagdating sa Maynila gusto kong makita ang kapatid ko. Is it okay with you?" sinabi niya ang kinaroroonan ng kapatid.
Tumango ang binata, "No problem."
Mahaba ang kanilang biyahe at madalas siyang tanungin ni Riki na sinasagot naman niya ng maayos. Mabuti na lang halos tungkol sa motocross ang napag-uusapan nila dahil kung personal at tungkol sa kanilang dalawa, tiyak na magtulog-tulugan siya! Naisip na niya ang ideyang ito para makaiwas siya. Kaya lihim na lang siyang nagpasalamat na wala naman itong tinanong ng personal.
Ilang sandali siyang nakatulog at namalayan na lang niyang ginigising siya nito. Nag-stop over sila saglit para kumain. Sumunod naman siya rito. Muli siyang natulog matapos kumain hanggang namalayan na lang niya nasa parking area na sila ng hospital na kinaroroonan ng ate Loraine niya.
"Thanks a lot," ngumiti si Lei. Humikab pa siya at inayos ang mga dalang gamit.
"Samahan na kita," tinulungan siya nitong dalhin ang mga gamit niya. Gusto niyang maawa rito dahil mababakas sa mukha nito ang pagod pero wala siyang narinig na kahit anong reklamo.
Inilapag ng binata ang kanyang maleta sa labas ng silid na kinaroroonan ni Loraine.
"Pasensya ka na Lei, pero hindi na muna siguro ako papasok." ani Riki.
"It's okay, I know you're dead tired. Maraming salamat sa paghatid." Totoo sa loob niyang sabi.
"You're welcome. Tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka," inilabas ng binata ang isang calling card at ibinigay sa kanya.
"Thank you ulit, Riki."
Ngumiti ang lalaki, "See you around,"
PARANG ngayon lang naramdaman ni Riki ang matinding pagod nang lumapat ang kanyang likod sa malambot na higaan. Plano talaga niyang mag-eroplano na lang pabalik ng Maynila nang sa ganoon ay less hassle. Kaya lang biglang nagbago ang isip niya nang sabihin ni Lolo Agustin na sasabay sa kanya si Lei. Gusto kasi niya itong makasama ng matagal kaya kahit alam niyang mapapagod siya sa mahabang biyahe ay hindi niya alintana. It was all worth it because he got a chance to know her better. Kahit hindi niya aminin sa sarili, si Lei ang tipo ng babaeng gusto niyang makasama. Natural lang kasi ang galaw at kilos nito at hindi nagpapa-impress para mapansin niya. Hindi rin ito nangingimi sa mga gustong sabihin kahit pa alam nitong maaring madisappoint siya. Halos kasi lahat ng babaeng nakilala niya ay masyadong ingat na ipakita ang totoong ugali. They all wanted to impress him.
BINABASA MO ANG
DRC 1: Riki Cheng (Love Crash)- published under PHR - PREVIEW ONLY
RomanceIt seemed like she was a magnet and he just couldn't take his eyes off her. For Riki Cheng, riding his dirt bike was his passion that was why he decided to form an exclusive motocross organization called Dirt Riders Club. Lahat ng miyembro ng samaha...