"LET'S get back to the track," wika ni Lei na nanatiling mababa ang tingin. Bakit ba siya natataranta sa harap ng lalaking ito? Gusto tuloy niyang sabunutan ang sarili.
"Are you out of your mind? Ni hindi mo nga alam kung ano ang nadamage sa bike mo tapos babalik ka pa sa track?" saad ni Riki na nakakunot ang noo. Muli nitong sinipat nito ang kanyang kabuuan waring tinatantya kung nasaktan siya o hindi.
"Nawalan lang ako ng control kanina," akma sana siyang lalapit sa natumbang motorsiklo upang muling sakyan iyon ngunit mabilis na hinablot ni Riki ang kamay niya.
"You want to ride? Wear you helmet." utos nito. Mabilis naman siyang tumalima. Ngunit hindi niya napaghandaan ang sunod nitong gagawin. Bigla siya nitong binuhat dahilan para mapasigaw siya.
"Hey! What are you doing?" nagpumiglas siya ngunit wala din namang epekto. Malaking tao si Riki kaya wala naman siyang laban rito. Isinakay siya nito sa bike nito. Nakita rin niya ang paglapit ng dalawang crew sa kanyang bike at nagtaas ito ng black flag, it indicates a problem with a motorcycle or a disqualification. Sumimangot na lang ang dalaga.
"Now, let's ride. Throttle it out, baby." Nakangiting wika ni Riki bago nito isinuot ang helmet at sumakay sa likod niya. Nanlaki ang mata ni Lei, seryoso ba ang lalaki na mag-back ride sa kanya? Iniisip pa lang niya parang gusto niyang ma-conscious. Kahit minsan ay hindi pa niya nagagawang mag-back ride sa kanyang dirt bike at lalaki pa!
Ilang sandaling nagtalo ang kanyang kalooban kung ano ang gagawin. Kung magpipilit naman siyang bumaba ay tiyak na mahihirapan siya dahil nasa likod niya ang lalaki. Mas pinili na lang niyang buhayin ang makina at magkunwaring hindi siya apektado sa presensya ng lalaking naupo sa may likuran niya. Eksakto namang dumating ang mga staff at crew upang kunin ang kanyang bike at dinala sa kinaroroonan ng kanyang lolo at ng kanyang mekaniko.
"I think I can't let you drive. Let's change position, mukhang hindi pa maayos ang pakiramdam mo." maya-maya pa ay suhestiyon nito. Mariin siyang umiling at nag-thumbs up upang malaman nitong kaya niya ang sarili. Tumango na lang si Riki.
"Alright, Let's go."
Bumalik na lang sila sa paddock at hihintayin na lang nila kung sino ang mananalo. Habang kapwa sila nasa motorsiklo ay hindi niya maiwasan ang malakas na presensya ni Riki. Kahit pa nakasuot siya ng full motocross gear ay pakiramdam niya nag-iinit ang kanyang katawan dahil magkadikit sila.
Stop it Lei, naaksidente ka na nga kung anu-ano pang kalandian ang iniisip mo. Hindi talaga niya mapigilang humanga sa lalaki. Oo nga at medyo maangas ang dating nito sa kanya dahil na rin siguro sa paraan ng pagngiti nito at pagtingin sa kanya. She hardly shook her head. Bakit ba ganito ang takbo ng isip niya? Binilisan niya ang takbo at laking gulat niya ng biglang napayakap ito sa kanya nang bigla siyang nagpreno dahilan para sumubsob ang katawan nito sa likod niya. Hinubad ng binata ang helmet at nakakaloko itong ngumiti. Hindi na lang niya pinansin ang kislap ng kapilyuhan sa mata nito nang alalayan siya nitong makababa sa motorsiklo.
"Lei, are you alright?" bumakas ang labis na pag-aalala sa mukha ng kanyang lolo nang makarating sila sa kinaroonan nito.
"Don't worry, 'lo. I'm okay, huwag na lang siguro nating sabihin kay lola." Nakangiting wika ni Lei. Tila naman nakahinga ng maluwag ang matandang lalaki.
"Salamat sa'yo, hijo. Hindi mo tuloy natapos ang race." Baling ng matanda sa tahimik na binata.
"Siya nga pala, 'lo. He is Riki, the founder of Dirt Riders Club." Pagpapakilala ni Lei sa binata. Bumakas naman ang amusement sa mukha ng binata. Lihim na nakagat niya ang pang-ibabang labi. Nakahalata kaya itong kahit kaliliit-liitang detalye tungkol rito ay tandang-tanda niya base sa pagkakakuwento ng mga kaibigan nito?
BINABASA MO ANG
DRC 1: Riki Cheng (Love Crash)- published under PHR - PREVIEW ONLY
RomanceIt seemed like she was a magnet and he just couldn't take his eyes off her. For Riki Cheng, riding his dirt bike was his passion that was why he decided to form an exclusive motocross organization called Dirt Riders Club. Lahat ng miyembro ng samaha...