A/N:
Uunahan ko na kayo. Hindi ga'nong kaganda ang ending nito. Pinaglihi kase ito sa sama ng loob ko. (LOL)
No worries. Tapos na 'tong story na 'to. Uunti-untiin ko lang ang upload kase sadista ako. XD Within one week siguro nakapost na 'to ng buo.
And please forgive me if 'di ko nabigyan ng justice 'yung plot. Bago lang ako sa medyo action/ thrill/ mystery na kwento. I repeat, medyo. Halu-halo kase 'yan. HAHA. Anyways, I hope you enjoy if you'll even continue reading.
_______________________________
June 21, 2013
2am.
JAMES' POV
"JAMES!!"
*BANG!
Napasandal ang noo ni Fruschia dibdib ko. Umawang ng kaunti ang bibig niya at may lumabas na dugo mula rito. Agad 'yung tumulo sa damit ko.
"FRUCSHIA." Hinawakan ko ang braso niya para pigilan ang tuluyan niyang pagbagsak sa lupa.
Biglang napadilat ang mga mata ko.
Tinignan ko ang espasyo sa tabi ng kama ko.
"Fruschia." Napahinga ako nang maluwag nang makita kong nandoon siya.
Mistulang naalimpungatan ito at tumagilid paharap sa'kin. Niyakap niya ang mga braso niya sa baywang ko at inihilig ang ulo niya sa dibdib ko.
Inilagay ko ang isa kong kamay paikot sa balikat niya. Bumaba ako nang kaunti para magkatapat ang mga mukha namin.
Idinikit ko ang noo ko sa noo niya.
"Akala ko totoo."
Napangiti ako at hinawi ang ilang hibla ng buhok na nalaglag sa mukha niya.
Buti nalang ayos lang siya. Ano nalang kaya nangyari sa buhay ko kung hindi siya dumating?
Ewan ko. Ngayon kase, 'pag naalala ko kung ga'no ko kasungit dati, natatawa nalang talaga ako. Masungit pa rin naman ako ngayon, pero hindi na sa kaniya. Sa iba nalang.
Ang gulo ko 'no? Kaya nga hindi ko alam kung bakit nagkagusto sa'kin 'yan. She's one heck of a nuisance, pero kahit gano'n, I would always welcome her into my life. Kung ako ay 'yung taong laging nakaayos ang buhay, kailangan ko ng tagagulo. Siya 'yun.
Unang pagkikita pa nga lang namin, utod ng laking gulo na. Sino ba naman kaseng matinong tao ang matutuwa 'pag natapunan ka ng kumukulong kape habang suot mo ang favorite shirt mo 'di ba? Nasigawan ko na nga siya, eto naman, tinitigan lang ako. Kung 'di ko pa siya binulyawan ng sobra habang lumilitaw na ang litid ko, hindi pa siya magsasalita ng "I-I'm s-sorry I.. ruined y-your shirt."
Mula no'n, ewan ko na kung ano nangyari. Sangkatutak na gulo at sangkaterbang kaguluhan ang nangyayari sa'kin 'pag nagkikita kami. Nalelate ako sa mga meetings, napipilay ako, napupunit ang T-shirt ko (VERY LONG STORY), at nagkakagulo sistema ko.
Gano'n yata talaga epekto niya sa'kin e?
"Hmmmhmm." Napangisi ako. Naiinitan na siguro 'to kaya ganiyan ng ganiyan. Hanggang ngayon kase hindi ko pa rin siya mabitawan. Kinabahan kase talaga ako sa panaginip ko na hanggang ngayon tandang-tanda pa ng isip ko.
Tumayo ako at nilakasan ang aircon. Bumalik rin ako agad sa tabi niya. 'Pag kase nagtatagal ako ng wala sa tabi niya, mga 15 minutes, nagigising agad 'yan.
We've been together for 3 years. Isang taon na rin mula nang mag-move in siya dito sa unit ko. Walang green ha? She's a prudent virgin, kahit na sobrang paghihirap ang pinagdadaanan ko paminsan-minsan dahil sa pagpipigil. Kung kinakailangan kong itaga sa bato na virgin ko siyang ihaharap sa altar, gagawin ko. Kaya ko lang naman siya inaya na dito magstay in the first place ay para maprotektahan siya.
BINABASA MO ANG
Losing Her
Teen FictionFor the story of true love never gets old, even when many hearts already cease to believe.. TAGLISH STORY