June 25, 2013
8pm
JAMES' POV
Sa morgue na ng ospital namin dinatnan si Tito Fred. He was shot three times, one on the head, dalawa naman sa gawi ng puso. It was obvious, professional shooter ang may gawa no'n.
Si Fruschia, nakadukdok sa hospital bed at kulang sumalampak sa sahig. Umiiyak pa rin siya, hindi ko alam kung pa'no siya papatahanin.
"Sir, eto na po 'yung mga gamit na nakuha namin sa biktima no'ng binaril siya."
Nag-abot ito ng supot. Nasa loob no'n ang panyo at cellphone ni Tito. It was still blinking dahil sa bagong text message. Mukhang hindi iyon binuksan ng mga pulis.
I tried to open it pero may passcode ito.
"956517" Napalingon ako kay Fruschia. Nakatingin ito sa'kin ng diretso. "Open it." Utos niya sa'kin at ibinalik ang tingin kay Tito.
Inopen ko agad ang mga texts. Karamihan ay galing sa sekretarya nito. Maliban sa dalawa.
From: +639********
Don't let your daughter go out, same goes for his boyfriend and you.
Malamang na hindi lang iyon pinansin ng Papa ni Fruschia. Kaninang umaga lang iyon, bago pa ito mabaril. Sanay na sila sa death threats, kaya normal nalang para sa kanila 'yon.
Pero 'yung latest text mula sa number na 'yun ang umagaw ng pansin ko.
From: +639********
#28 Black Street, Leones Village, Quezon City. Please don't hurt him.
'Yun lang ang laman no'ng text. Sino kaya ang nagpadala nito? Bakit niya tinatraydor si Dennis? Pa'no niya nalaman?
Address 'yon ng pinagtataguan ni Dennis, sigurado ako. Alam na niyang hinahanap siya, since broadcasted na 'yon kanina pa.
Nagsimula na akong maglakad palabas ng morgue. Kailangan kong hanapin si Dennis. He needs to pay for what he did to Fruschia.
"James.." Nilingon ko si Fruschia. "Let them handle it."
Umiling ako. "I can't." Hindi ko hahayaang makaalis nalang ng gano'n si Dennis.
"I can't lose you." Tuluyan na itong napasalampak sa sahig. "I-I can't." Tumulo na uli ang mga luha nito.
Nilapitan ko siya at niyakap. Unti-unti ko siyang itinayo. "Shhhh. You won't."
Kumapit ito ng mahigpit sa damit ko. "P-Please don't go. I-I need you here. D-dito ka nalang. Bantayan mo nalang ako." Sumisinghot na sabi nito.
"Sha."
"Ayaw mo naman akong mapahamak 'di ba? Hayaan mo nalang sila ang humanap sa kaniya. Dito ka nalang please. Dito ka nalang.."
Alam kong hindi ako matatahimik hanggang hindi nahuhuli si Dennis, pero baka nga si Fruschia ang puntahan niya at magkasalisihan pa kami. I can leave her sa body guards pero baka sila pa mismo magpahamak sa kaniya.
I can't trust anyone to protect her for me. She's too precious.
"I'll..stay." Sumuko rin ako. Mabuti na 'yung may poprotekta sa kaniya 'pag sa kaniya pumunta si Dennis. "Sasabihin ko nalang 'yung findings sa mga pulis."
Yumakap ito ng mas mahigpit. "I love you."
"I love you too." Hinalikan ko ang ulo niya bago siya pakawalan.
10pm
Medyo gabi na kami nakabalik mula sa ospital dahil sumama ako sa pagpaplano ng mga pulis. Inadvice nila na sa condo nalang kami, dahil mas maliit 'yon. Mas madali raw macover 'yung perimeter. By tomorrow morning pa ang dating ng mga labi ng Papa ni Fruschia sa mansyon nila, and I hope nahuli na si Dennis by then.
BINABASA MO ANG
Losing Her
Teen FictionFor the story of true love never gets old, even when many hearts already cease to believe.. TAGLISH STORY