Chapter 2

21 1 0
                                    

June 23, 2013 

10am

JAMES' POV

Nakaupo ako sa tabi ng kama ni Fruschia sa ospital. She's still unconcious. Maraming dugo kase ang nawala sa kaniya, and although we're trying to replace it, baka daw matagalan bago siya magising. One or two days, usually. Natakot rin kase 'yung doktor sa sugat niya, mukha raw kaseng sinadya 'yun ni Fruschia mismo, pero parang ayokong maniwala. Why would she do that? Hindi ba siya masaya sa'kin?

Hawak-hawak ko lang 'yung right hand niya mula nung lumabas siya sa OR. Kinailangan kasing tahiin 'yung sugat niya. Malaki kase 'yun at malalim.

"Hijo. Ba't hindi ka muna umuwi?" Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Fruschia.

"Dito po muna ako."

"Isang araw ka na dito. Babantayan ko naman si Fruschia habang wala ka." Sabi ng Papa ni Fruschia. Kagaya ko ay napasugod din siya sa ospital kahapon ng tanghali.

"Ayos lang po ako."

"Hijo, maligo ka na muna. Baka kanina pa dapat gising si Fruschia eh, nakakatulog uli dahil sa amoy mo." Sabi nito ng pabiro.

No'n lang ako lumingon sa Papa ni Fruschia. Alam kong nag-aalala rin siya para sa bunso niya.

But still.. hindi ko alam kung bakit ginawa ni Fruschia 'yun. Ayokong iwan siya hangga't hindi ko alam ang dahilan.

"Nagpahatid naman po ako ng damit sa driver. Ayoko pong iwan si Fruschia."

May banyo naman dito. Dito nalang ako maliligo, para kahit papano hindi ako gano'ng kalayo kay Fruschia. Gusto kong nandito ako 'pag nagising siya.

Natahimik na rin ang Papa ni Fruschia. Ayaw rin siguro ako nitong umalis. Sinabi ko kasi sa kaniya kung ano 'yung nakita ko sa kwarto, at may hinala siyang sinadya talaga 'yun ni Fruschia since wala namang ibang makakapasok sa condo dahil high security ang building na 'yun.

Isa pa, kung may nagtatangka man sa buhay ni Fruschia, mas okay na nandito ako. Sanay ako sa hand to hand combat, since kailangan ko rin 'yun as protection dahil involved din kami sa illegal transactions. I'm sur marunong din ang Papa ni Fruschia, pero may edad na rin ito kaya posibleng hindi na ito gano'ng kalakas.

May kumatok sa pinto at ang Papa ni Fruschia ang nagbukas no'n. mahigpit ang hawak nito sa baril na nakatago sa bulsa nito.

"Dennis, ikaw pala." Tinago na uli ni Tito 'yung baril sa bulsa niya. Pumasok si Dennis, may dalang bulaklak.

"James." Sabi nito. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Fruschia.

"Dennis."

Bestfriend ko siya DATI. Well, pinag-awayan namin ang panliligaw niya kay Fruschia at ang panliligaw ni Fruschia sa'kin. Basta. Mahabang mahabang kwento.

Tumikhim si Tito kaya napatingin kaming dalawa sa kaniya.

"Walang mag-aaway ha? Baka magising ang unica hija ko."

Tumango lang kaming pareho at tumitig kay Fruschia. Alam kong naiinis siya dahil wala siyang pupwestuhan sa tabi nito. I like it that way though.

Narinig kong pumasok sa CR ang Papa ni Fruschia. No'n nagsalita si Dennis.

"Bitawan mo na siya. Hindi siya masaya sa'yo."

"Kapal mo. Kung hindi siya masaya sa'kin, sa'yo pa kaya?" Umiinit ang ulo ko 'pag nagsasalita itong pangit na 'to.

"Hindi siya maglalaslas kung masaya siya." Napatigil ako. Sino'ng nagsabi sa kaniya? I looked his way.

"Yung nurse. Nagdadaldalan sa labas." Sabi nito na mistulang nahulaan ang sasabihin ko.

Losing HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon