Si Maggie Cubes

16 0 0
                                    



"Margarita Xianyu?"


Ano kaya kung kasing tangkad ko na lang yung babae na 'yon? Oh kaya 'yan s'ya?


"Margarita Xianyu?"


Ay! Ang tangkad n'ya pala. Hindi ako makapag heels ng maayos n'yan.


"MAAAAARGAAAARITAAAA XIANYUUUUUUU?"



Anak ng Serbetes!



"PRESENT MA'AM!" Dali-dali kong itinaas ang kana kong kamay. Natawa tuloy mga kaklase ko sa'kin. 


Nako patay! Mukhang galit na ata si Mathilda.


"Presence of mind naman, hija. Nasa klase ka! Oh, ano? Markahan kitang absent ngayon."

"Huh?" Tumingin ako sa blackboard at wow, graffiti wall na pala s'ya ngayon. College Calculus na naman. Hindi sa nagmamayabang pero napag-aralan ko naman itong nakakabuysit na problem solving question ni Madam Mathilda.

"Ang sagot po 'ba?"

"Malamang!"


Nilapitan ko ang blackboard, closed my eyes and started jetting down all that I had studied. I opened my eyes at lumingon sa Bruha kong professor. Napangiti ako ng makitang wala syang comment sa solution ko.

Napahiya ata s'ya. Excuse me! Hindi ako nakikinig pero nag-aaral ako. Mag-isa nga lang. #walangforever


"Oh s'ya. Umupo ka na nga d'yan!" Lumingon ako ulit sa bintana ng classroom naming. Hay, dumaan na naman ang mga magagandang binibini mula sa higher classes namin. Buti pa sila. Nakakapagheels.


An'hin ko pa ang heels 'di ba? 5'10'' na man ako. Ang tangkad-tangkad ko na nga daw sabi nila. Oo. Alam ko na 'yon. Pero, hindi nga lang nila alam, ang pakiramdam na naiingit ka sa mga dalagang tamang tama lang ang height, nakakairita. May kapares sila parati sa prom, makakadate sila ng maayos without worries na titigan sila ng masama, nakakabili ng mga sapatos na walang problema (Size 11 ako sa babae, ang saya!) at marami pang iba.



Hayyy


Ako si Maggie... 

4th year college... 

5'10'' 

56 Kgs

Straight A Student

.....

at wala pang lovelife hanggang ngayon.

Chocolate Fudge! Ang pait!

.....



Hi!

Sorry if marami akong wrong grammar d'yan. :) Hindi ako magaling sa Tagalog writing eh. Nag-try lang ako haha...


-Amy Reign 

Struggles ng Mga Babaeng MatatangkadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon