Struggle #1: Malayo Pa Lang, Kitang-kita Ka Na

11 0 0
                                    

DING!

DONG!

DING!

Hay salamat! Dismissal na!

"Oh s'ya. Gawin ninyong homework itong unfinished problem natin. In a yellow pad paper, please write and explain briefly your said solution for the problem. Okay. Class dismissed."

Dali-dali kong pinasok sa aking bag ang mga gamit kong nakakalat sa lalim ng desktop ko. Bahala na kung saang-saang sulok sila maisingit, gusto ko na talagang makaalis mula sa maliit na classroom na ito.

Sumingit ako sa gitna ng dalawang classmate kong nag-chichismissan. Narinig kong may nabanggit silang newbie enrollee. Minding my own business, lumakad ako ng matulin palabas ng classroom. Sinalubong ako ng best friend kong si Marcy sa labas ng classroom.

"Oh! Ba't andito ka na? Kaka-out lang naming ah."

"Sa Malayo pa lang, Besh. Kitang-kita ka na."

Sumimangot ako sa comment n'ya. Tama nga naman s'ya. Sa angkin kong height na 'to, kitang kita na ako mula sa kabilang building before pa ako makakapaggawa ng grand entrance.

"Tama na 'yang frown-frown na 'yan. Tara, bilis! Baka wala na tayong mauupuan sa canteen kung magdadaldalan lang tayo dito." Hinawakan ni Marcy ang kamay ko at kinaladkad ako papuntang canteen.

Tiningnan ko ang cute na cute kong bestfriend. Maliit lang si Marcy. Pwede ko ngang gawing elbow rest ang ulo n'ya kapag kasama kami at pagod na pagod ako. Haha. Di, biro lang. Mga dalawang dangkal lang naman ang angat ko sa height nya. Medyo chubby din ang kaibigan ko at walang problema 'yan sa kanya. Cute, chubby, chinita, ayan ang best combination ng description kay Marcela Loyola.

Pero dyos mio, ang haba ng hakbang n'ya. Sa sobrang haba eh, hindi ko na namalayan nasa canteen na kami. Nahingal pa ako. Teka.... *hingal mode*

"Oi Maggie. Napano ka 'te?" sabi ni Marcy.

"Kala ko pupunta lang tayo sa canteen, magmamarathon pala tayo. Hindi ako nainform." Saracstic talaga tono ko basta't si Marcy kausap ko. Natural lang sa amin ang ganyang language.

Natawa si Marcy, "eh kasi kaibigan, lampayatot ka kasi. Dapat prehas ka sa 'kin, chexy at chealthy. Chubby na sexy at chubby na healthy."

"Heh! Tara na nga!" Tinulak ko si Marcy papasok ng canteen. Wow ha? Lakas ng effort ko 'te. Dios ko, ang bigat n'ya. Haggardo versoso much !

~~~~~~

Nahaggard ako ng lalo pagkakita ko sa aswang nasa harap namin.

"Giraffe!" Sigaw ng babaeng makapal ang makeup, kasing kapal ng pagmumukha n'ya.

Nagtwitch ang kanang kilay ko. Hayop!

"Hi Jonah! What a pleasure to see you today! Ganito na pala ka-organic ang paaralan natin upang magkaroon ng walking fertilizer na tulad mo."

Tumawa ang bruha. Namangha ako sa rasong pupwede pa palang tumawa sa make-up ng babaeng ito. Mukha kasing epoxy ang foundation n'ya.

"Oh? Kala ko nga may farm dito. Amoy piggery at goat farm kasi eh." Humaliklik ang mga kampon ng kadiliman ng bruha.

Lumingon ako sandali kay Marcy. Umaapoy sa inis ang best friend ko. Ayaw na ayaw n'ya kasing inaaway ako ng mga tao. Bahala na s'ya ang tawanan. Huwag na huwag lang daw ako. Ang sweet di 'ba?

"Get a life, girl... or better yet, get a diploma!" Ouch! Naalala ko palang magtatatlong ulit na si Jonah sa 4th year college level. Mapupulang labi sa mapupulang grado. BURN!

Struggles ng Mga Babaeng MatatangkadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon