Chapter 1

5 0 0
                                    

" Ipaglalaban ko siya hanggang saaking makakaya. Hindi ako susuko saaming dalawa."

Salitang aking pinanghahawakan, buwan na ang nakakalipas simula ng maging cold siya. Paano kung magbago siya? Kaya ko kayang tanggapin? parang hindi.

Kring kring

Ilang minuto na pala akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko at nag iisip. ughh thug life! Kinuha ko ang cellphone ko na nakapagpabalik sa huwisyo ko.

"hmm hello?" tanong ko.

"ano best, wala kang balak pumasok? anong oras na oh?" singhal ng boses sa kabilang linya, bestfriend ko.

"Oo nga pala, may balak naman pero papalate ako kasi siguradong orientation palang ngayon yan." sagot ko. Totoo naman kasi ehh

"k fine, text ka nalang kung nasa school ka na." sabi niya sabay patay ng tawag

Oo nga pala, first year college na ako ngayon, dito lang ako sa isang kolehiyo sa bayan namin pumapasok sa kadahilanang ayaw ng mga magulang kong lumayo ako. Desisyon rin nila yung tinatake kong course, wala naman akong magawa dahil sa yun ang gusto nila at abot kaya lang ng badyet namin. I'm taking up Bachelor in Secondary Education major in Mathematics, di naman ako magaling sa math tama lang, bobo ko sa english ehh haha gusto ko sana mag Culinary kaso nga lang yun nga walang badyet kaya go with the flow nalang ako, balang araw magugustuhan ko rin ang course ko. SANA

Nakapag ayos na ako't ready nang umalis, 30 minutes lang naman akong late, hindi na yata yun bago filipino time ika nga. As what she had said earlier, itext ko raw siya kung nasa school na ako, konting minuto nalang at malapit na ako sa school kaya tinext ko na si trishia .

to best:

         best malapit na ako, saan kayo? √

Pagkasemd ko nilagay ko na ulit sa bag ko at kumuha nang pambayad. Pagkababa ko sa sasakyan inayos ko na ang uniform ko at huminga nang malalim "Please be good to me Monday".

Eto na, pumasok na ako sa gate at tanaw ko na ang tatlong bruhilda na lumalakad papunta sa akin na nakangiti.

"Hi there!" masayang bati ko.

"Langya buti pa sayo bagay ang uniform" sabay pout ni Bianca. Di ko alam kung bakit pero bagay naman sa kanya ayos lang naman tingnan sakanila

"Well, bagay naman sayo ah. Arte mo! alam mo depende nalang yan sa nagdadala kaya don't worry maganda ka" sabi ko.

"Tara na at pumunta na tayo sa classroom natin, tama na ang bolahan." pagyaya ni Liezel saamin

Kasama ko ngayon ang tatlo kong kaibigan, kaklase ko rin sila noong highschool, si bianca at liezel ay kaibigan ko ng apat na taon na tapos si trishia naman ay isang taon palang, transferee kasi siya noong 4th year saamin kaya doon ko siya nakilala at nakaclose nasanay narin ako na tawagin siyang bestfriend kaya best yung tawag ko.

Panay lang ang kwentuhan namin habang naglalakad kami papunta sa room namin malayo siya sa gate ehh BTTE building pa yun kaya tawanan at kwentuhan kami habang naglalakad, 2nd subject na namin ito to be exact.

Nang makarating na kami, naghanap kami nang bakanteng upuan marami pa namang bakante pero napili naming umupo sa unahan. Wala pa yata yung iba kaya halos kaunti lang kami.

Kamusta na kaya siya? Kamusta kaya unang araw niya sa kolehiyo? Masaya kaya siya? Ang alam ko hindi siya lumuwas nang bayan para dun pumasok sa kolehiyo, napili niyang dito parin sa bayan magkolehiyo sabi pa nga niya nun saakin  nang tinanong ko siya kung saan siya magkokolehiyo "kung nasaan ka dun din ako" yan ang sagot niya pero dahil sa hindi niya naayos ang mga requirements nagkahiwalay kami nang papasukan pero sa bayan parin namin sa kadahilanan niyang para magkita kami tuwing weekends kung may oras. Complicated yan ang masasabi ko sa relasyon namin ngayon. Hindi ko na alam, nakakalito na.

"Wala pa ba yung iba?" napabalik ako sa huwisyo ko nang nagsalita ang professor namin. Pansin ko lately lagi akong tulala hayyst.

Nang ituon ko ang pansin ko sa unahan di ako makapaniwala na professor namin siya holy shet ang bata pa nasa 20 years old na ata ito, baka fresh graduate palang. Ba't ang ganda niya? para siyang koreana. Kung ganito ba naman kaganda professor niyo sigurado present lahat ng boys haha. Well makakabighani talaga

"Hindi po namin alam" sagot nila

"Baka nalito lang sila, mali kasi yung nakalagay sa schedule ninyo, binago ehh tapos di na pinalitan." sabi naman ng prof namin.

Pano nangyari? tapos kami alam nga namin na pinalitan. Baka di nainform? problema na nila yun hayyst

Nagdiscuss lang siya ng rules and regulations niya kapag nasa loob ng classroom kami, the boundary between us and her. Pagkatapos nagpakilala lang kami at nagbigay ng classcards sa kanya tapos dinismiss niya kaagad ang klase. So, it means may 30 mins pa kaming vacant bago sumunod ang pangatlong subject namin.

"Hintayin ka namin sa labas dun sa bench." sabi ni best sabay turo sa labas kung saan nila ako hihintayin

"Sige ayusin ko lang ito." sabi ko at tinanguan lang nila ako at lumabas na.

Inayos ko na yung mga gamit ko at naglagay na kaunting powder sa mukha ko para hindi magmukhang haggard. Saktong pagharap ko, pumasok ang isang lalaking hinihingal, tinakbo siguro nito ang oval nang 3 laps haha just kidding.

Maputi siya, Nakataas yung buhok na siguradong naka wax, mahaba ang mga pilikmata niya, tama lang ang mata niya, matangos ang ilong, ang pula ng labi niya tapos matangkad siya, mapayat nga lang pero hindi yun nakabawas sa kagwapuhan niya.

"Napaaga yata ako!"  sabi niya. Hindi ko alam kung sarkastiko ba yun o ewan.

"May klase po ba kayo dito?" tanong ko nang hindi parin inaalis ang pagkatitig sakanya. Am I that rude staring at him right now?

"Hindi, sa katunayan 30 mins na akong late. Hindi ko alam kung tapos na o nauna lang ako." sabi niya nang nalilito. Nagets ko na! He's also one of my blockmates. Ohmy!

"BSED- Math student ka rin? Late ka na nga talaga kuya. Kani kanina lang nagdismiss prof natin" sabi ko naman para mawala ang mga tanong sa isip niya.

"Blockmates tayo? Agustin nga pala! nice to meet you." sabi niya sabay lahad ng kamay niya saakin at nginitian ako. Shet ang gwapo niyang ngumiti

"Yupp, I'm Ally. Nice meeting you din!" sabay kuha ng kamay niya at ngumiti rin ako pabalik.

holy shet. panay yata mura ko ngayon ayyt nakalimutan ko. Patay ako sakanya, ba't ko nga ba siya nakalimutan? Pinagtataksilan ko na ba siya sa lagay na to? Ohh no. Ayyt OA ko masyado hayaan niyo na ako mahal ko ehh.

Battle of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon