Pag uwi ko sa bahay. Tumulong lang akong maglinis nang mga bagay na hindi pa tapos, ginawa ko na rin ang mga assignments isinantabi ko muna ang cellphone ko, sigurado naman akong hindi yun magtattxt. Miss ko na siya, SOBRA.
Around 7:30 nagdinner na kami, pagkatapos ako ang naghugas ng mga pinggan ako kasi ang nakatoka ngayon.
Tinungo ko na ang kwarto ko pagkatapos ko magligpit ng mga gamit sa kusina, nagayos na ako para makapahinga na.
Ang gaan ng araw ko ngayon pero may kulang ehh ganito lang naman palagi nangungulila ako sakanya, sinanay niya kasi ako na oras oras magttxt siya, magpapaalala pero ngayon bihira nalang. Nahiga na ako at nagisip isip, mga ilang minuto rin yun.
bzzt bzzt.
Ramdam ko ang vibration ng cellphone ko sa lakas ba naman pati yata manhid mararamdaman. Inabot ko ito sa ilalim ng unan ko.
Pangit calling
Napangiti nalang ako bigla at sinagot ang tawag niya.
"Hello pangit" sabi ko ng masigla
"Hello, musta araw ng pango ko?"
"Okay naman, masaya at may bago akong nakilala. Ikaw ba?"
"Hindi ayos, di kasi kita nakita. Miss na kita pango." pansin kong may halong lungkot sa boses niya
"Asus nangbola ka na naman. Miss na nga rin kita ehh."
"Alam kong mahilig ako sa basketball pero hindi ako nangbobola." sabi niya. as if hindi ko alam, using his sweet words again. Nakakapawi ng galit at pagkamiss ko sakaniya
"edi hindi haha kumain kana? kumusta naman mga blockmates mo?"
"wala pa, maya na ako kakain. Ayos naman sila may kaclose na ako si bogart yung crush mo nung third year."
"palipas naman ahh. hmm sino? si jomar certiza?"
"oo, acheew ang pango."
Nag usap lang kami nang kung ano ano, nagkulitan lang kami. Napagpasyahan kong itigil na muna ang tawag para makakain siya ng dinner past 9 na kasi, sobrang lagpas na sa tamang oras ng pagkain.
Ang saya lang, ngayon ko na masasabi na kumpleto na ang araw ko na ang gaan na ng loob ko, napawi ang lahat ng marinig ko lang boses niya. Nararamdaman ko na ang bigat ng mata ko, unti unti nang pumipikit at nakatulog na ako.
Nagising ako sa sinag ng araw na pumasok sa kwarto ko. Bago ako bumangon nakasanayan ko nang kapain ang cellphone ko at tingnan kung nakareceive ba ako ng good morning text galing sakanya.
Di na ako nagtaka na meron nga akong nareceive lalo na't maaga na naman itong nagising.
from him:
Good morning sa pango ko :) Have a nice day, take care. Iloveyou :*
receive at 5:40 amfrom him:
Gising na sleepyhead. Tinulugan mo na ako kagabi tas nauna pa akong magising sayo.
receive at 5:45 amNapangiti nalang ako, ganda namang pangbungad para sa umaga ko, kumpleto na siya. Nagreply nalang ako kahit alam kong di na yun magrereply.
to him:
Good morning pangit ko :) ingat karin. Iloveyou too :*
send at 6:15 amBumangon na ako at nag ayos ng gamit ko para sa pagpasok, may 7:30 pala akong class ngayon. uggh the perks pangalawa palang ng klase late na agad ako, naman ehh! himala at ngayon lang ako nakaisip na late ako haha well, papaimpress sana ako kaso di yata mangyayari.
Nagmadali nalang ako sa pag aayos at may 20 mins pa ako, I guess malalate ako ng 10 mns, 15 mins na byahe at 10 mins na lakad. Okay, I'll go with the flow nalang, ayokong masira ang araw ko ngayon.
Ngiti ngiti akong naglalakad ngayon sa hallway hindi alintana kung late na ako o hindi. Pagkadating ko sa room namin nakita ko na ang tatlong bruhang nakaupo sa gitna ng room namin at sa tabi may bakanteng upuan para talaga saakin, naks naman ang sweet nila haha umupo na ako sa tabi ni liezel.
"Kanina pa nagsimula?" tanong ko
"Hindi pa naman." sagot niya. okay, nakinig nalang ako sa prof namin na magsasalita sa unahan namin ngayon.
"okay for your report will be groupings. Let us divide this class into 9 groups, in each group will be having 3 members. Okay start." sabi ng prof naming babae. tss eto yung ayaw ko ehh yung magrereport kayo.
"5" si liezel.
"6" sabi ko. Ang saya, sakto sa monthsary date namin ni pangit.
"6" sabi ni agustin. Ohmy kagroup ko siya, ang saya! Masaya talaga? Iba na yata to
"Give me the list of your members in the 1/8 sheet of paper, later after I distribute to you your topics." prof namin na nageexplain. Nanghingi na ako ng 1/8 kasi ako nalang daw ang magsulat. Sinabi na saamin ang topics namin, sinulat ko na rin ang members namim inuna ko ang babae kong kaklase tapos ako tapos kay agustin, teka ano nga ba apelyido nun?
"Apelyido ni agustin?" tanong ko kay liezel
"Melitante ata. Di ko sure." sagot naman niya, salamat sa pagsagot di ka pala sure taragis.
"Agustin, apelyido mo raw?." tanong ni liezel kay Agustin.
Bigla namang naglakad si Agustin papunta saamin at sinabi ang apelyido niya, hindi ako mapakali sa di ko malamang dahilan kaya di ko alam kung 'e' ba o 'i' ang tama.
"Ikaw nalang kaya ang magsulat." sabi ko sabay bigay ng ballpen sakanya. Ahh ganun pala yun. MELITANTE
"Ayun pwede naman pala." sabi ko. Ngiti nalang ang binigay niya saakin. Nakapili narin ako ng topic ng para saakin at hinayaan ko nalang maghati yung dalawa ko pang kagrupo.
Matapos ang subject namin, vacant namin bago sumunod ang isa pa naming subject. As usual, grandstand muna kami tatambay.
Nagusap usap lang kami ng iba't ibang topic kung ano ang mapagusapan, si ganito si ganyan. Mga ugali ng bago naming kaklase.
Tumayo ako at may nakita ang mga mata ko. Bakit parang ang lungkot niya? Hindi mapakali kung saan ba siya pupunta.

BINABASA MO ANG
Battle of Love
Novela JuvenilThis story is based on true story, it is not just a fiction