Lumabas na siya at iniwan ako. Lumabas narin ako pagkatapos kong kalmahin ang sarili ko. Paniguradong naiinip na ang tatlong yun pero mali pala ako nadatnan ko lang naman ang tatlong nagtatawanan at may pinaguusapan, kung ano iyon? hindi ko alam.
"Ang tagal best! Yung totoo? kanina pa kami nalanta dito." reklamo ni trishia. Akala mo naman ilang dekada naghintay kung makareklamo
"Sorry naman, may kinausap lang ako ka blockmate natin." sagot ko. Sabay na napakunot noo ang tatlo saakin, hindi yata nila napansin ang pagpasok ni Agustin kanina sa classroom sukat busy kakadaldalan kaya ganito nalang kung makakunot noo ang mga bruhang ito. Ipinaliwanag ko naman sakanila ang nangyari kaya madali natapos ang diskusyon
"Tara pacanteen tayo, nagutom na ako!" pagyaya ko sa tatlo. Tinanguan lang nila ako at sabay na kaming naglakad pacanteen. Konti lang ang nadatnan namin sa canteen marahil yung iba may pasok pa o kaya ang iba walang balak bumili. Bumili lang kami nang biscuits at softdrinks, 15 mins nalang kasi bago magsimula ang pangatlo naming subject tapos maglalakad pa kami papunta sa kabilang building.
Pagdating namin sa kabilang building agad namin hinanap ang classroom namin. Nakita naman namin ito agad, pumasok na kami at nadatnan namin na halos lahat na ng kaklase namin ay nandoon na. Umupo kaming apat sa dulo sa yun nalang ang bakante. Dinistribute lang ng prof namin ang reports for this semester, binigay namin ang classcards namin tapos nagpakilala lang kami para daw matandaan niya kami. Maaga ulit kaming nadismiss since unang araw palang naman.
"Yun ba yung Agustin na kinwento mo saamin kanina?" tanong saakin ni bianca sabay turo kay agustin na nakikipag usap ngayon sa mga babae rin naming mga kaklase. Super friendly huh?
"Ayy hindi, iba ata yun. Mali ka lang na akala tss malamang nagpakilala nga kanina diba?!" sagot ko kay bianca sa pamilosopong paraan. Nabatukan tuloy ako
"Aray! makabatok naman ito! Huwag kasing magtanong nang patanga para di masagot nang patanga din." natatawa kong sabi kay bianca, nakatanggap tuloy ako ng pangalawa ulit na batok
"Gwapo nga talaga ayyt talandi ka naman siguro kanina no?!" ~ bianca. Grabeng maka talandi, inggit lang siya at ako ang unang nakilala ni Agustin na kaklase niya.
"Gwapo naman, mapayat lang." biglang singit ni trishia sa usapan namin.
"Hindi na kaso yun, gwapo naman talaga." sabi ni bianca, pagtaliwas sa sinabi ni trishia
"Ewan ko sainyo. Gwapo man o hindi, tao parin yan. Lunch na tayo?" pagiba ko ng usapan.
"Masyado pang maaga." sabi ni liezel, tapos na siguro siyang makipag usap, may kinausap kasi siya sa cp niya. Ohryt then, maaga pa nga pero nafefeel ko na ang gutom.
"Saan na tayo nito?" tanong ni bianca
Di ko na narinig pa usapan nila. Napaisip lang ako bigla, may nakilala na rin kaya siyang mga bagong kaibigan? Babae kaya o lalaki? Baka babae, knowing him mas gusto niyang makaclose ang mga babae. Hindi siya bakla o bisexual basta makarisma lang siya pagdating sa mga babae, ewan ko nga dun may gayuma atang gamit. Sana gamitin niya muna ngayon kasupladuhan niya para wala siyang makilala. Selfish ko? Hindi naman, mahal ko lang kaya ayaw kong mawala.
"Earth to Ally." pag snap out ni bianca nang kamay niya sa mukha ko. Natulala na naman ako.
Okay Ally, santabi mo muna siya kaya ka natutulala ehh
"So saan na tayo?" tanong ko bigla.
"Secret, walang clue, hulaan mo". pilosopong sagot ni bianca. Si liezel naka kunot noong nakatitig saakin, alam nito kung ano i mean sino ang iniisip ko. Si trishia tumawa nalang sa joke ni bianca.
"Gago, walang ganun! Saan nga?!" sabi ko naman.
"Library muna daw tayo, hanap tayo nang mga libro." sagot ni trishia saakin, inunahan na niya si bianca kasi siguradong walang kwentang sagot naman ang makukuha ko.
"Malamang libro ang hahanapin sa library, hindi ka naman dun magboboy hunting o kaya mag tetreasure hunting dun. Ayy naku naman." sabi ni bianca. see? wala talagang matinong masabi itong babaeng ito. Ayun binigyan namin ng tig iisang batok habang patawa tawa kami.
Naglakad na nga kami patungong library. As usual ang iingay na naman namin haha hindi na bago kasi noong highschool palang problema na yan saamin.
Nagpalipas lang kami ng oras sa library kahahanap ng mga libro na pwede naming gamitin. Nanghiram ako ng libro sa kadahilanang mag uulat na ako sa huwebes, mas mabuting master mo na ang report mo kesa ngumanga ka sa unahan. Nakaramdam na siguro nang gutom ang tatlo at nagyaya nang kumain.
Pumunta na kami sa canteen, di katulad kanina madami nang tao sa canteen ngayon. Nahagip ng mga mata ko si Agustin na solong kumakain, ohh nagsosolo rin pala ang isang to? Nagpaalam muna ako sa tatlo, nagpa order nalang ako kung ano yung sakanila yun nalang din ang saakin sabi ko ako na ang hahanap ng table namin. Lumapit ako kay Agustin na kumakain ngayon.
"Hinay hinay lang, mabulunan ka." biro ko
" oh ikaw pala ally. Kumain kana? dito kana umupo." pagyaya niya. gentleman huh
"ahh huwag na, kasama ko ang tatlong bruha. naghahanap nga ako ng table." sabi ko naman. Ang amo ng mukha niya pero parang out of this world siya?
"ahh ganun ba? sige mauna na ako ha. kain ng marami." sabi niya sabay alis. tapos naman na siyang kumain. Ba't nagmamadali yun? problema nun?
Nakahanap na ako ng pwesto namin, sa may bandang sulok ang napili ko para di masyadong matao. Kumain na kami ng tahimik, himala at walang ingay saamin ngayon. Gutom ehh
"Grandstand tambay natin ngayon. 1 hr tayo dun." sabi ni trishia saamin. sabagay wala naman kaming mahanap na tambayan.
"ohryt then." sagot ko.
Tumayo na kami at lumakad na papuntang grandstand. Ang init sa pinas hayy naku! Walang masyadong tao, mabuti na ito at tahimik. Kinikilala pa namin ang campus na ito sa lawak ba naman nito finafamiliarize namin ang bawat building para hindi kami malito.
May pinag uusapan ang tatlo, hindi muna ako nakisali. Kinuha ko ang cellphone sa bag ko, nagbabakasakaling nagtxt siya. 20 msgs received. 4 private msg. Napangiti ako nang may nagtxt na private msg well, sino pa ba? edi siya, siya lang naman ang laman ng private box ko. Una kong binuksan ang mga txt niya.
From him:
Good morning. just take care pango. Enjoy your first day in college :)received at 9:00 am
kanina pa ito? vacant niya siguro kaya nagtxt.
From him:
Psst pango.
received at 9:15From him:
Don't forget to eat your lunch. Huwag papalipas pango
received at 11:20 amSweet niya ngayon ahh? hmm okay na yata kami. Binuksan ko last msg niya
From him:
Pango, huwag magpapainit ahh. Sigurado akong wala kang dalang payong. Ingat, iloveyou :)
received at 11:30 amNapangiti nalang ako sa mga nabasa ko, sweet naman siya ngayon. Nawala lahat ng galit, tampo at pagiisip ko tungkol saamin. Ganun talaga nohh siya at siya lang ang makapawi sa mga agam agam mo sa sarili't sa relasyon ninyo.
Naging maganda ang Lunes ko ngayon, simula sa mga kaibigan ko dahil sa nakita ko na ulit sila, sa mga bago kong kaklase na nakilala ko, kay Agustin na nakilala ko unang lalaking kaibigan at dahil sakanya sa mga sinabi niya, sa pag aalala niya. Sigurado ako Mahal na mahal ko siya at mahal niya rin ako!
BINABASA MO ANG
Battle of Love
Teen FictionThis story is based on true story, it is not just a fiction