Chapter 1: My School

30 2 2
                                    

Monday nanaman anu bang maganda pag monday? gumising ng maaga, maligo ng maaga at kumain.. bakit ba kasi kailangan pang pumasok sa school? Shemay anung oras na ba? 7:30? tsk maaga pa naman ei. maaga pa para sa pagiging mabuting estudyante ko.

"Nanay nakahanda na po ba yung pagkain?" Sabi ko agad kaya nanay Nita na nasa loob ng kwarto ko para kumuha ng mga labahan. Habang tinitigan ko syang kumuha ng mga marurumi Kong damit, mababakas na talaga ang kantandaan sa kanya, malalaman mong marami na syang pinagdaan at matagal na syang naninilbihan sa amin.

Lumapit sya saakin at sinabing "Oo, anak kanina pa nakahanda, kaya tara na at kumain kana bago ka pa malate sa klase mo. Tama na rin yang pagmumuni muni mo kanina ka pa nakatulala dyan."- ani Nanay Nita na mangiti ngiti pa. Napailing nalang ako.

Dali dali akong bumaba at pumunta sa harap ng hapag kainan.. sinaluhan naman ako ni nanay nita.. ayaw ko kasing kumakain ng magisa.

"Anak kamusta ang mga grades mo ngayon?" Makahulugang tanong ni nanay Nita at alam mong concern talaga sya sayo.

"Okay naman po nanay.. pasado naman po ako sa lahat ng subjects ko" agad ko namang sagot sa kanya. Totoo namang mataas ang grades ko at hindi naman mabababa.

"Tama yan anak, matanong ko lang bakit ba wala ka pang boyfriend na ipinakikila sa akin kaylan ba ako makakakita ng lalaking dadalhin mo dito" tanong ulit Nanay Nita, anu ba naman tong si nanay Nita natanong pa iyon.

"Nay!( sabay lapit sa kanya) Wala po akong balak masaktan at lumuha, nay aalis na po ako kanina pa naman po ako natapos(sabay halik sa pisngi)" kahit kailan talaga napakasweet ni nanay Nita kahit na hindi ko sya tunay na nanay napakaswerte ko pa din kasi inaalagaan nya ako.

"Sige magiingat ka anak" sabi Nanay Nita hinatid nya ako hanggang sa gate ng bahay namin.

Bago ako pumasok sa school bumili muna ako ng maiinom sa 7 eleven, kaso iisa nalang yung bote ng gatas na gusto ko ng may kumuha pa.

"Ay! Peste! bakit ba nang aagaw ka ng gatas ha!?" Sigaw ko sa kanya, agawan ba naman ako.

"Peste! ka din umalis ka nga dyan!" Sabi nya at ngayon ko lang napansin na lalaki pala sya. Napakabastos na lalaki hindi ba marunong gumalang toh.

"Aba! ako nauna dyan sa gatas na yan, INAGAW! mo lang" pinagdiinan ko talaga yung inagaw para dama nya. Totoo naman kasi ako yung nauna dun sa gatas na yun eii.

"Okay! Miss paki encode na po ito" hindi nya lang ako pinansin at pina encode na nya agad, nakakabuwisit talaga.

"Sir, 38 pesos po" sabi nung cashier sa kanya.

"Ito po 40pesos keep the change" sabi nung bastos na yun. Makaalis na nga.

Ang kapal ng mukha ng loko mapapatay ko sya ng sobra kung pwede lang talaga naku! pag nakita ko pa sya ulit sasapakin ko sya. hindi na ako bumili ng gatas dahil 20minutes nalang malelate na ako... San bang room kami ngayon? Room 501 sa left side ng school yun..

Habang naglalakad ako papunta sa room ko may napansin akong sumusunod sa akin pero paglingon ko wala naman pala, may mumu pa yata sa school namin.

How Do You Fix A Broken Heart?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon