Chapter 1

900 28 8
                                    

CHAPTER 1

"Ali!" I startle when someone shouts my name. Kasalukuyan kong inaayos ang gamit ko sa locker. It's the first day of class for this school year. I'm already in Grade 10 here in Brixton International School. Yes, sa isang I.S ako pumapasok. Ito ang klase ng school na alam niyo na- puro nakakaangat sa buhay lang ang may kaya ng tuition. Kalimitan sa mga estudyante sa paaralang ito ay mga galing sa mayayamang pamilya, foreigners, o kaya naman anak ng mga diplomats at mga pulitiko. In my case, I am from a well-known affluent family. Aside from that I am also half-British, but I was born and raised here in the Philippines, unlike my brother dear na hanggang ngayon ay once in a blue moon lang magsalita ng tagalog.

"Yes, Carys? Why are you shouting my name?" Humarap ako sa babaeng sumisigaw ng pangalan ko kanina. She's my best friend and just like me she's from a wealthy family.

Matangkad siya na katulad ko, maputi, mahaba ang natural na kulay brown na buhok, matangos ang kanyang ilong at maganda ang kulay brown niyang mga mata. She's half-Filipino and half-American kaya hindi na nakapagtataka na tisay siya.

"Have you heard the news?" Tanong niya sa akin habang nakangiti ng pagkalaki-laki.

I raise my brow. "News?"

She nods. "Yup. I've heard there's a transferee from Australia!" Kinikilig na sabi niya sa akin. "He's the newest recruit for the Football Team!" Halos patili niyang saad. I just shake my head. "Sa wakas makakamove on na rin ako sa Kuya mo." Dahil sa huling sinabi niya ay nabatukan ko siya.

"Move on from my brother? Naging kayo? Just so you know, Carys, hindi pedophile ang Kuya ko." I roll my eyes.

Carys has a crush on my older brother. Bata pa lang ay magkaibigan na kaming dalawa. Palagi siyang pumupunta sa bahay namin kaya lagi niyang nakikita si Kuya, at simula bata pa lang ay crush niya na 'to. Gosh, twelve years ang tanda sa amin ni Kuya. "And how can you even say na makakamove on ka na? Have you seen that 'Australian' guy already?"

Ngumiti na naman ang bruha ng pagkatamis-tamis tapos ay naghalungkat sa kanyang bag para kuhanin ang cellphone. Mayamaya pa ay may ipinakita na siya sa akin na picture ng isang napakaguwapong lalaki!

"Oh ano? Pogi 'di ba? And I've heard that he'll be your first subject this school year!" Kumunot ang noo ko sa narinig. First subject?

"You mean for school papers? Siya unang iinterview-hin ko?" I write for Brixton Journal. At sa sports ako naka focus kaya malamang nga ay magiging subject ko siya, but I didn't expect na siya ang magiging una.

Carys nods. "Yes. You know the drill, bestie. I'll go with you para naman mapansin niya ako." Kilig na kilig na sabi niya pa.

"Bahala ka nga." I tell her. Pagkakuha ko ng gamit ay naglakad na ako papunta sa classroom namin. Ramdam ko naman sa aking likod ang pagsunod ni Carys. "Anyway, is he our batchmate?" I ask, referring to that 'Aussie' guy na sinasabi niya kanina.

"Nope. One year higher. He's in Junior." Aniya.

Pagdating sa harapan ng classroom ay agad kong binuksan ang pinto. Laking gulat ko na lang nang makita ang nag-iisang lalaki na nasa loob nito.

OMG! Don't tell me we're classmates this year?

Kung nagtataka kayo kung bakit nag-iisa pa lang siya sa classroom, 'yun ay dahil maaga pa naman. It's only 7:30 in the morning-- 8:00 pa ang start ng klase. Lagi kasi akong maaga sa school. Hindi daw kasi magandang tignan ang palaging late sabi sa akin ni Kuya at Daddy.

Agad kong isinara ang pinto. Hindi muna ako pumasok. I face Carys and ask her, "Hey, do I look fine? Gosh, is he our classmate this year?" Nakaramdam ako ng kaunting kaba. My heart is jumping inside my ribcage.

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon