Chapter 2

426 18 2
                                    

CHAPTER 2

"Why so grumpy, Alibear?" Narinig kong tanong ni Kuya habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe kaya naman nilingon ko siya. "Look at your face!" Pang-aasar niya pa sabay tawa kaya lalong kumunot ang aking noo. Hindi na nga maganda ang nangyari kanina sa school dahil doon sa lalaking may Australian accent tapos aasarin pa 'ko nitong mahal kong kapatid.

"Kuya naman. Could you please stop annoying me?" Naiinis na sabi ko sa kanya.

"Woah, relax!" He chuckles. Hindi na lang ako kumibo na effective naman para tumahimik din si Kuya at nagfocus na lang sa pagmamaneho.

Dahil sa katahimikang pumapagitna sa aming magkapatid ay naisipan kong buksan ang player ng kotse niya para magpatugtog ng kanta— ano pa ba kung hindi One Direction.

Sinimulan kong patugtugin ang Stockholm Syndrome dahil ito ang pinaka paborito kong kanta sa ngayon. Excited na rin ako dahil magrerelease na ulit sila ng bagong album sa mga susunod na buwan. Ayun nga lang 'di na sila kumpleto dahil wala na si Zayn, pero okay lang, nandiyan pa naman si Harry my love. Pero iba pa rin talaga kapag kumpleto sila, nakakamiss din 'yung dating One Direction.

Buti na lang talaga nagkaroon ako ng pagkakataon na mapanood sila ng live noong kumpleto pa sila. Salamat talaga sa magulang ko at sa kapatid ko, kung hindi dahil sa kanila ay malamang hindi ko na napanood ang mga boyfriends ko.

Ilang kanta na rin ang natapos. Hindi ko na namalayan na tumigil na pala ang sasakyan.

"Why are we here, Kuya?" Tanong ko nang makababa kami pareho sa parking area ng isang restaurant.

"We'll have dinner obviously." He answers nonchalantly that makes my eyes roll. Malamang kakain 'di ba? Kaya nga nasa restaurant. Ang gusto ko malaman ay bakit dito kami kakain? Pero dahil magulo kausapin ang Kuya ko ay hindi na lang ako nagtanong pa ulit at sumunod na lang sa kanya sa loob.

Natanaw ko agad sila Mum at Dad sa loob na naghihintay sa amin. Masaya ako dahil medyo matagal na rin mula noong huli kaming kumain sa isang restaurant na buong pamilya. Palagi kasing wala si Daddy at pati na rin si Kuya. Akala ko nga titigil na si Dad sa pagtatrabaho pagkatapos niyang ibigay kay Kuya ang posisyon niya sa kumpanya ng pamilya namin dati, pero hindi pala. Hindi niya daw kasi kayang iwanan ang kumpanya. Parte pa rin siya ng Board of Directors-'yun ang pagkakaalam ko.

Mabilis akong lumapit sa table kung saan naghihintay ang aming mga magulang para halikan sila sa pisngi. Umupo na rin ako sa tapat ni Mum habang sa tabi ko naman ay si Kuya.

"I'm glad we're able to do this again. Palagi na lang kasi kayong busy na dalawa." Sabi ni Mummy sa kanyang mag-ama.

"You know we're doing this for our family." Malambing na saad ni Dad kay Mum. "Anyway, Alison, how's the first day of school?" Tanong ni Daddy sa akin.

Naalala ko tuloy ang nangyari kanina. Okay na sana eh. Maganda na sana kasi hindi ko lang kaklase ang crush kong si Landon kung hindi katabi ko pa! Kaso umiinit ang ulo ko kapag naaalala ko ang nangyari lalo na doon sa Australian na mayabang. Akala ko pa naman mabait siya kasi iniligtas niya ako, pero sobrang bastos ng ugali! Ako pa ang sabihan na 'stupid'?

Pinilit kong ngumiti. "Okay lang, Dad. Just the usual."

"I still can't believe that our baby is already in tenth grade! In two years, you should be preparing for University." Sabi ni Mum na may malawak na ngiti.

"Anything you have in mind, Ali? What do you plan to take? Where do you want to study?" Tanong naman ng aking ama.

"Hmm..." I take a deep breath. Medyo kinakabahan ako dahil baka 'di nila magustuhan ang pipiliin kong path. "I'm still thinking about it." Sabi ko na lang. Pareho naman silang ngumiti sa akin.

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon