Chapter 4

25 2 0
                                    

CHAPTER 4


Lumayo kami nitong si Yoda ng kaunti mula sa pwesto ng football team dahil medyo maingay sila at hindi kami magkaintindihan. What do you expect from guys? Kapag magkakasama sila maingay din sila.

"So what do you wanna ask me?" tanong niya habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad sa football field. Binuklat ko agad ang notebook kung saan ko isinulat ang mga gusto kong itanong sa kanya. Pero kung mamalasin ka nga naman, hindi ko nalagay ang bookmark ko kaya hindi ko alam kung saang parte ba nitong notebook ko naisulat iyon. Hindi ko alam kung ako lang ba ang ganito sa mundo, 'yung tipong hindi organize sa notebook, kung anong page na lang yung mabuklat doon ko na lang isusulat.

Natigilan ako nang makita ang isang nakasingit na papel kung saan nakalagay sa itaas nito ang mga salitang 'Questions to ask Braeden!'

Ito 'yung mga isinulat ni Carys kanina! Ililipat ko pa lang sana ang page ng notebook pero nakarinig na ako ng mahinang tawa mula dito kay Yoda na nasa gilid ko lang. Napatigil ako sa paglalakad, ganun din 'tong si Braeden na nasa tabi ko.

"Looks like you have a hidden crush on me, eh?" paglingon ko ay nakita kong nakadungaw siya sa notebook ko kaya agad ko itong isinara. Binigyan ko siya ng matalim na titig pero mas lalo lang lumaki ang ngisi niya sa labi.

"My bestfriend wrote that, not me" I say, defending myself. Baka mamaya isipin niya pang ako ang may gusto sa kanya. Kasi naman 'tong si Carys, pahamak din!

"O-kay" sagot niya pero hindi pa rin inaalis ang ngisi sa kanyang mukha. Ang feeler din ng isang 'to eh, loyal kaya ako kay Landon at Harry ko. Saka hindi ako mahilig sa mga kamukha ni Yoda.

"Hey bro!" pareho kaming napalingon ni Yoda doon sa sumigaw sa may likuran namin. Halos manlaki ang mata ko ng makita ko ang pinakagwapo—well at least sa paningin ko- dito sa Brixton. Walang iba kundi si Landon!

"Hey mate!" masayang bati naman ni Yoda kay Landon my love! Nilapitan niya agad si Yoda tapos ay nakipagfist bump dito. "It's been a while, mate!" kung kanina ay nakangisi sa akin 'tong si Yoda, ngayon naman ay abot langit ang ngiti habang kausap si Landon. Sa tingin ko rin ay matagal na silang magkakilala.

"Yeah. I'm glad you chose to study here!" sagot naman ni Landon gamit ang kanyang napaka poging American accent.

Agad napakunot ang noo ko. Si Landon ay American, tapos si Braeden ay Australian, so paano sila nagkakilala? Sabagay Grade 7 nung lumipat dito si Landon, maybe they used to be friends in other school?

Tahimik lang ako na nanunood sa pag-uusap nila. Wow, ang lakas maka-out of place ng dalawang 'to.

"Anyway, mate, we have to go. We're gonna discuss something" lumingon sa akin si Yoda kaya naman napatingin din sa akin si Landon. My gosh! Paano ba pigilin ang kilig? His blue eyes, pointed nose, chiseled jawline, perfect red lips, everything about him is just perfect!

Landon smiles at me. Kulang na lang magtatalon ako dito sa tuwa. I just smile back at him.

"See you later then?" binalik ni Landon ang tingin kay Yoda bago tuluyang umalis at iwan kami. Bakit ba hindi na lang 'tong si Yoda ang umalis para masolo ko si Landon? 

Nakatitig lang ako sa binata habang naglalakad ito palayo sa'min at palapit naman sa mga teammates niya.

"You like him?" napatingin ako kay Yoda nang magsalita siya. Hindi ako nakasagot at tinitigan lang siya. "You're flushing red swhen he smiled at you. Until now actually." he says nonchalantly. Halos manlaki ang mata ko sa sinabi niya. Like for real?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon