Pakiramdam ni Cassandra ay daig pa niya ang mag-a-out of town sa laki ng bags niya…sa mata. Ever since natulog siya sa kwarto ni Rogh,which is 2 weeks ago, hindi na siya makatulog. Madalas niya kasi itong nahuhuling nakatitig sa kanya.
Hindi naman sa ayaw niyang tinititigan siya ni Rogh, pero hindi siya sanay. At pakiramdam niya sa tuwing tititig ito sa kanya, meron itong gustong ipahiwatig. At yun ang iniiwasan niya.
Sadyang binagalan niya ang paghuhugas ng pinggan nila para umakyat na si Rogh agad sa kwarto nito at makatulog na. Talagang naka-ilang dasal siya nung pangalawang gabi niya roon. Natakot siya sinabi ni Rogh na “We can do it tomorrow. THAT’S FOR SURE.”. Nakatulog ito nang maaga non kaya hindi natuloy. At ang extension ng V-card niya ay umabot hanggang 2 weeks.
Kaya naman balak niyang gawin muli ang gaya ng ginawa niya non. Nagdasal na siya kanina na kung anuman ang mangyari, sana buhay pa rin siya paggising niya.
EKSAHERADA, CASSANDRA?
Matapos niyang maghugas at huminga siya nang malalim. Wala na si Rogh sa sala. Malamang nasa kwarto na ito. Tulog na ito siguro. Pinainom niya ito ng sangkaterbang gatas kaya malamang ay inantok ito agad.
Nag-sign of the cross siya bago pumasok sa kwarto nila. Ngunit pagbukas niya ng ilaw…
Gising pa rin ang walanghiya niyang asawa. Hindi ba tumalab dito ang apat na baso ng gatas na pinainom niya kanina? At nanonood pa ito sa flat screen nila. Tutok na tutok ito. Bigla itong napatingin sa kanya. Alangan siyang ngumiti.
“G-Gising ka pa pala.” Sabi niya.
Hindi ito sumagot. Muli itong tumutok sa TV.
Snob? Fine. So…saved ulit ako ngayon?, pumunta na siya sa kama.
Tatanungin niya sana ito kung anong pinapanood nito ngunit pagharap pa lang niya sa TV ay agad na nanlaki ang mata niya. Agad ding nag-init ang mukha niya.
“A-Ano y-yan? B-Bakit m-mo pinapanood y-yan?” kabado niyang tanong.
Ngumisi lang ito. “May ganito ka pala, di mo man lang sinasabi. Nanonood ka pala nito, di ko alam.” Sabi nito.
Bigla siyang natakot lumapit kay Rogh. Hindi siya makatingin rito. Anong tingin nito sa kanya? Nanonood ng mga ala-porn na movies?
LINTEK KA TALAGA, RUTH! MAPAPATAY KITA BUKAS. MAKIKITA MO.
Kasalukuyang pinapanood ni Rogh ang DVD na pinahiram sa kanya ni Ruth. Hindi niya maatim tingnan ang nangyayari sa TV. Kahit kailan hindi pa siya nakakapanood nang ganon. Hindi pa siya nakakakita ng nagse-sex.
“H-Hindi yan akin.” Nanlalamig ang mga kamay na sagot niya.
“Oh? Nakita ko nga sa closet mo.” Sabi nito saka dumakot ng chips mula sa bowl na nasa table katabi nito.
“PINAKIELAMAN MO ANG CLOSET KO?!” hindi niya napigilang sigaw. Ayaw niya sa lahat ay yung pinapakielaman ang closet niya. Lalo na dun sa mga undies. Doon niya tinago ang mga DVD. Pakiramdam niya kasi kapag may nangingielam ng underwear closet niya, para na ring may naninilip sa kanya.
“Makasigaw ka naman. Ano naman? Asawa naman kita ah.” Katwiran nito.
“Kahit na! private yun eh.”
Tumawa ito.
“Tss. Private.” Sabi nito saka nanood muli. Hindi niya kayang matulog sa tabi nito gayong alam niyang nanonood ito ng ganon. 101% possibility na mas maging mapusok ito.
Tumalikod na siya at muling bumalik sa pinto. “Sa kwarto ko nalang ako matutulog. Magpahinga ka na after.” Aniya. Pero bago pa siya tuluyang makalabas bigla nalang may humigit sa kanya at isinandal siya sa pader.
Ramdam niya ang lamig ng pader. Sinalubong ng mga titig niya ang nag-aapoy na mata ni Rogh.
Sinasabi ko na nga ba eh. Shet.
“Saka mo kong aalisan ngayon? Kung kailan nagwarm-up na ko?” sabi nito.
“R-Rogh…”
“Please, Cass. Hindi ko na kaya.” Pagsusumamo nito. Bigla siyang nagdalawang-isip. Ayaw niyang mawala ang V-card niya, pero she can’t resist Rogh’s pitiful voice.
“Rogh…hindi ko rin kaya eh.” Sabi niya.
“Tutulungan kita.”
What the hell?! PARA LANG MATULOY, TUTULUNGAN MO TALAGA KO? ANO BANG MERON SAYO? Buwaya?
“P-Pero—“
Bago pa man siya tumanggi ay binuhat na siya nito sa kama. Biglang namatay ang ilaw.
Kung kailan naman! Saka pa talaga napundi ang leche.
Binuhay ni Rogh ang lampshade nila. Saka nito inabot ang remote at pinatay ang TV. Kanina lang ay pinapanood lang nito, ngayon ay gagawin na nito. Kailan lang ay ini-imagine lang niya ito, ngayon mangyayari na.
Pumatong na sa kanya si Rogh. Wala na siyang kawala.
Goodluck, Cassandra.
~~~~
VOTE.COMMENT.SPREAD.
Private na yung next chapter. :) x
BINABASA MO ANG
A Disaster Romance
Teen FictionBeing arranged marriage with a playboy heartthrob isn't really that easy. (Cover by FrangibleDoll)