Chapter 3~
Inaantok na uminat si Cassandra. Nasa loob siya ngayon ng kotse ni Ruth. Tapos na kasi silang magpasa ng manuscripts nila sa pocketbook na ini-release nila. Mayroon na naman silang pera. Kahit papaano ay natapos pa rin niya ang storya niyang iyon kahit na sobrang napuyat siya.
"Let's go." nakangiting sabi sa kanya ni Ruth.
"Saan?" she asked.
"saan pa ba? edi mag-i-strolling. we got money already. time to spend it." sabi nito saka binuksan ang makina.
"oh. Pero I am not gonna spend all of my money." sabi niya.
"Why?"
"Kailangan ko pang bumili ng pang-one week stock ng pagkain namin sa bahay. Nauubos na rin kasi eh. Tapos susubukan ko na ring bumili ng iba pa naming gagamitin." sabi niya. Napailing lamang ito.
"Tsk tsk. Hirap talagang maging asawa. Minsan, nakakalimutan na ang sarili." sabi nito. Ngumiti na lang siya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Tapos na silang mamili ng groceries at hinabilin muna nila ito sa baggage counter. Gusto daw kasing mamili ni Ruth ng bagong mga damit.
"Cass, do you think this fits me?" tanong nito sabay ikot.
"You look pretty, Ruth." sabi niya habang nakangiti. Nag-pout lamang ito.
"Yan at yan lang ang sinasabi mo kanina pa. Nakakawalang gana ka naman eh." sabi niya tapos umupo sa tabi niya.
"Sorry. Baka pagod na lang talaga ako." sabi niya. Tumango lang ito. Pagkatapos nilang mamili ay dumeretso na sila pauwi.
"Cass, tara muna sa bahay niyo. Patambay." anito. Tumango lang siya.
Panay lang ang kwentuhan nilang dalawa. Habang papalapit na sila ni Ruth ay biglang may eksenang pumasok sa utak niya. Iyon ay ang nangyari nang nagdaang gabi. Nang dumating si Rogh...kasama si Denise. Bigla siyang napamulagat.
"RUTH!! Hindi tayo pwede sa bahay." biglang sabi niya na ikinagulat nito.
Hindi ito maaaring pumunta roon. Makikita nito si Denise. Malalaman nito na may other woman ang asawa niya. Malalaman nito na hinayaan lamang niya si Rogh. Uulanin na naman siya ng sermon mula rito kapag nangyari iyon.
"Ha? Why? Pinagbabawalan ka na ba ng asawa mo ngayon na tumanggap ng bisita?" taas-kilay na tanong sa kanya ni Ruth.
"Ah. H-Hindi. Ano lang....madumi kasi eh. Madumi ang bahay." pagpapalusot niya.
"Hmm. Eh ano? Edi maglilinis. Susko naman, Cassandra. Tara na nga." saka ito lumabas ng kotse. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang nasa tapat na pala sila ng bahay nila.
Dali-dali siyang bumaba ng kotse at hinigit si Ruth.
"Ah...R-Ruth. Na-Nagugutom pala ako. Tara muna sa restaurant diyan. Kain muna tayo." sabi niya habang pilit na hinihigit ito. Tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad.
"Magluluto tayo. Nag-grocery tayo diba? Yun ang lutuin natin." sabi nito habang nakangiti. Kahit anong palusot ata niya rito ay hinding-hindi niya ito mapipigilan.
"Aiisssh!! Wag na nga tayo sa bahay." sabi niya. Nasa tapat na sila ng pinto.
"Hindi naman ako manggugulo, te! Chill." sabi nito. Mahigpit ang kapit niya sa braso nito.
She bit her lower lip nang buksan na nito ang pinto. Akala niya ay ito lang ang magugulat pero pati rin siya. Bumungad sa kanila ang naghahalikang sina Rogh at Denise. Nanlaki ang mga mata niya. Ganon rin si Ruth.
BINABASA MO ANG
A Disaster Romance
Dla nastolatkówBeing arranged marriage with a playboy heartthrob isn't really that easy. (Cover by FrangibleDoll)