“I never knew you were still a virgin.” Sabi nito.
Some parts of her got insulted. Ano bang tingin nito sa kanya? Agad na umakyat ang dugo niya sa ulo.
“Ano bang tingin mo sakin? Kaladkaring babae? Na may asawa na, nakikipag-session pa sa iba? Wag mo kong igaya sayo. Wag mo kong igaya sa mga naka-session mo na. ibahin mo ko. kung ganon ang tingin mo sakin noon, ngayon alam mo na.” sabi niya saka ito tinalikuran. Sobrang sakit ng katawan niya. gusto niyang matulog. Pero hindi natigil sa pagdaloy ang luha niya.
“Cass…”
“Hindi ko alam na mangyayari to satin. Hindi ko kahit kailan inasahan na may mangyayari satin. Kaya nag-assume ako na tatanda akong virgin dahil alam kong wala naman talaga. Pero sa sinabi mo kanina, daig ko pa ang minura nang paulit-ulit at nilait sa harap ng maraming tao.” Sabi niya saka nagpumilit bumangon kahit na sobrang sakit ng katawan niya. hindi niya magawang makagalaw…pero pinilit niya.
Hindi niya kayang matulog katabi si Rogh. Pinahid niya ang luha. Sa wakas ay nakaupo na siya sa kama. Konti nalang makakatayo na siya.
“Cass, wag ka na munang magpumilit. Masakit yan. Mahihirapan ka lang. para mo na ring sinasaktan ang sarili mo. Cassandra.” Hindi niya pinansin ang sinabi ni Rogh. Nanginginig pa rin ang legs niya. she can barely walk. Tama nga ito.
Para na rin niyang sinasaktan ang sarili niya. kahit anong pilit niya, hindi niya kayang makatayo. Nang makatayo na siya, muntikan na siyang dumaplag sa sahig ngunit nasalo siya ng hubad na si Rogh.
“Sabi ko sayo eh.” Sabi nito. Binuhat siya nito pabalik sa kama. Dahan-dahan siya nitong ihiniga. Gusto na niyang ipikit ang pugtong mata. pagod na pagod na talaga siya.
Tumalikod siya ulit dito. “Cass…” naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya. She felt his breathe on her skin. She shivered. “…sorry. Hindi ko naman intensyong saktan ka sa tanong ko. it’s just that…sorry talaga. Alam ko namang hindi ka makikipag-sex sa iba eh. Ano lang, siguro kasi inisip ko na dahil alam kong hindi mo kailanman isusuko sakin yung sarili mo eh sa iba ka nalang naghanap. But I am still wrong for thinking that way. I forgot, akin ka nga lang pala.”
“I forgot, akin ka nga lang pala.”
Hindi siya sumagot. Anong ibig ba nitong sabihin?
“Sorry na, Cass. Uy. Umimik ka naman.”
Tinanggal niya ang pagkakayakap nito. “Matulog na tayo. Bukas nalang tayo mag-usap.” Sabi niya sa pagitan ng paghikbi.
“Wag ka munang matulog. Ayoko. Gusto ko magbati muna tayo bago ka matulog. Sige na. sorry na.” sabi pa nito.
Pakiramdam niya, nagbago ang Rogh na kilala niya. bakit parang sobrang sweet nito ngayon sa kanya? Malamang ganon din ito sa ibang mga babae nito. Ganon din ito kay Denise. Sweet ito kasi nakuha nito ang gusto nito.
Proxy nga lang pala ako ni Denise.
“Sorry naaaa.” Saka nito hinalikan ang leeg niya.
“Huy, ano ba!” sabi niya.
“Sorry na kasi, baby Cass.”
“Baby Cass ka diyan. Alis. Tutulog na ko.”
“Ira-round 2 kita, tamo.” Sabi nito.
“Bahala ka sa buhay mo. Tutulog na ko.”
“Gusto mo lang ata ng round 2 eh.” Pang-aasar nito. Bigla niya itong hinarap.
“Ang feeling nito! Ang sakit kaya.” Sabi niya. ngumiti ito.
“Joke lang naman. Next time nalang. Bati na tayo ha?” sabi nito.
Tumalikod siya ulit. Ngunit nakangiti na. muli siyang niyakap ni Rogh.
“Bati na tayo ha? Sorry na.”
“Oo na.”
He chuckled. “Good night, baby Cass. Pahinga ka na. alam kong pagod na pagod ka na. thank you for this night. This was the best night ever.” Sabi pa nito.
“baby Cass mo mukha mo. Nakakadiri ka.” Sabi niya.
“Ayaw mo? Sige, ano nalang. Cass ko.”
“panget.”
“Babes.”
“Panget.”
“Sweetie.”
“Corny.”
“asawa ko.”
“Baduy.”
“Sexy.”
Napatigil siya. “Manyakis.”
“Hindi ah. Hahahaha! Uhm…mahal ko?”
Mahal ko.
Mahal ko.
Mahal ko.
“Wag na. hindi makatotohanan.” Sabi niya. then silence followed.
Then he sighed. “eh…Mrs. Vasquez?”
“ang formal.”
“ang choosy naman eh.” Reklamo nito.
“Matulog ka na nga kasi. Pagod na pagod na ko.”
“Sige na nga. Good night, sugar. Have a good sleep.”
Sugar naman?
“Good night.” Pipikit na siya nang halikan siya nito sa labi. It was just a sweet, soft kiss. A smack. Saka siya nito kinumutan at niyakap. “thank you.”
This was the best night ever.
~~
COMMENT.VOTE.THANKS.
Lutang ako sa pag-u-Ud. sorry.
BINABASA MO ANG
A Disaster Romance
Teen FictionBeing arranged marriage with a playboy heartthrob isn't really that easy. (Cover by FrangibleDoll)