Chapter 1

107 28 4
                                    


Nagising akong masakit ang ulo.
Nakakalat sa sahig ang mga bote ng beer. Ganito na lang parati ang nakikita ko sa tuwing magigising ako kinabukasan .
Napangiti na lng ako ng mapait sa tuwing naaalala ko lahat na ng yari sa buhay ko kung bakit ako humantong sa ganito.

sanay na ako dahil simula't sapol pa lng  magisa na ako. Hindi pa ako nakakatayo sa hinihigaan ko ng may nakarinig akong katok.

Walang buhay kong binuksan ang pinto ni hindi man lng tumingin sa salamin. Napangisi ako ng makita kong ang may ari pala ng nirerentahan kong bahay ang kumatok. Alam kong sisingilin nanaman niya ako ng renta sa bahay. Swerte niya at naabutan niya ako 3 buwan na kasi akong hindi nagpapakita sa kaniya.

Aba ineng parang napapansin ko tinataguan mo ako. Tanga naman nito 3 buwan ko na nga yon ginagawa ngayun lng napansin. Kung hindi ka mag babayad sa akin ngayon ay umalis kana ginagawa mo ng beer house yang bahay ko ah .
Nilampasan ko lng siya habang bitbit ang isang malaking backpack. Kagabi pa ako nakaempake ng mga damit. Hindi naman pwedeng parati ko na lng siyang pagtataguan.

Aba bastos na bata hoy nhe bumalik ka dito yung kalat mo .

Linisin niyo na lng ho ng mabuti yang bahay niyo tutal pinapalayas niyo naman ako.

Nang makalabas ako ng apartment isang bagay lng ang bumabagabag sa isipan ko kung saan ako ngayon titira.
Wala rin naman kasi akong kaibigan. Merong nagtangka pero hindi ko pinapansin .  Ang dati ko namang trabaho ay waitress sa isang sikat na bar kaya lng napaalis ako . Dahil sa walangya kong manager. Nilagyan ko lng naman ng ipis ang pagkain niya.
Ang bastos kasi.
isang beses nga non ay dumaan siya sa likuran ko at biglang pinisil ang pwet ko kaya sinapak ko . Hindi lang yun sabi ng isa kong katrabaho dun ay pinapatawag daw ako ng may ari  ng bar kaya pumunta ako pero t*ngina hindi pa ako nakakapasok ay sinunggaban agad ako ng halik ng walanghiya kaya tinuhod ko sa kanyang pagkalalaki . Buti nga .

Pare pareho lng naman ang mga lalaki mga manloloko . Hindi nakukuntento sa isa . Ang masaklap pa ay pagnakuha na nila ang gusto nila ay iiwan kana lng sa ere.

Lakad lng ako ng lakad baka sakaling makakuha ako ng trabaho kahit konti lng ang sahod basta stay in .

Ng may nakita ako sa isang condo na nakapaskil na .

Wanted : House keeping
Age: 20 - 29 y/o
Things to bring : 2 by 2 picture, NSO , etc..
She/he must graduated in any coure in college.

Pwede na siguro to basta may ma tulugan ako ngayong gabi . Graduate naman akong Business Add. Yun nga lng hindi natatanggap sa mga high class na trabaho ang grades ko ng tingnan nila . Purkit lahat ng subject ko ay pasang awa hindi na nila ako tatanggapin hindi ba pwedeng bigyan akong pagkakataon na subukan nila ang kakayahan ko . 5'9 naman ang height ko .

Tinitigan ko muna ng matagal yung papel bago ako nakapagdesisyon .

Mag aaply ako.




The ManhaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon