A/N: hello readers!Hindi na ako gumawa ng
prolugue chapter one agad para may trill! You guys are free to vote and comment! Hope you'll like It!_______________________________________________________________________________________
Author P.O.V
"Kuya naman ey ,kailangan ko pa bang sumama sa lintik na Office party nyo ?" Nagmamaktol nya sa kanyang kuya "At alam mo naman kuya na wala akong hilig sa mga Party party na yan. Isa pa kailangan kung mag pahinga "-Laurie
"Minsan lang naman ito sa isang taon. kailangan kasing magsama ng partner ."- Rey
"Eh kung ganon dapat kuya yung Girlfriend mo isama mo ."-Laurie
"Alam mo naman hindi ko pweding gawin yun dahil iisang lang yung babaeng mahal kundi yung Anak ng may ari ng Kumpanya na nag bigay ng Party "-Rey
"Ewan ko sayo kuya ,Ah oo nga pala.hangang ngayon ay pinagpapantasyahan mo parin si Bea .Ang mapiling at socialite na anak ng Milyonaryong si Sir Alex Aquino "- Laurie
"Ano naman ngayon .Binata ako at Dalaga sya "-Rey
"Alangan ka dito .Mga milyonaryo ang parents nya at ikaw ay isa lamang Timekeeper ng isa sa mga Kumpanya nila.Sa palagay mo kaya ay matatanggap ka ng mga ito? Parang hindi mo kilala amg ugali ng mga mayayaman .mga Matapobre .at magiging doble ang diskriminasyon ng mga ito sa katulad natin na bukod sa mahirap ay mula pa sa lahi ng mga katutubo "-Laurie
"Puro ka satsat ,at isa pa hindi ko ikakahiya ang pinagmulan natin Laurie "-Rey
"Alam ko , Pero ikakahiya nila tayo ang pamilya ni Bea ay isang Mayaman .Masasaktan ka lamang kuya "-Laurie
"Mahal ko si Bea ,at may palagay ako na mahal din nya ako .Ni minsan ay hindi nito nilait ang aking pagkatao "-Rey
"Nako naman ,Dahil bago ka sa mga paningin nito .Maaaring nagkakagusto sya saiyo dahil isa ka sa mga bagay na hindi nya maaaring makamtan .naging isang hamon ka at isang dahilan para makapag rebelde sya sa magulang nya "-Laurie
"Grabe ka naman ka pag salita ,Daig mo na ako at Napakalagim naman ng Outlook mo tungkol sa amin ni Bea .Parang wala kang Bilib sa mga himalang nagagawa ng isang Tapat na Pagibig ."-Rey
"At kailan ba naging tapat ang socialite na kunahuhumalingan mo ? Balitang balita na napakadalas mag palit ng Boy friend yang Bea na yan ,Na mga mayayaman pa at matataas ang mga pinag aralan "-Laurie
"Pwede ba,samahan mo na lamang ako sa party dahil mahirap makipag talo sayo .Total Day off mo naman sa Araw ng party .Diba?"-Rey
"Oo nga kaya nga gusto ko sanang magpahinga sa araw na yun eh."-Laurie
"Matulog ka mag hapon sa gabi naman ang party "-Rey
"Marami akong gagawin sa araw ng Day off ko kuya .Maglalaba ako ng mga Damit ko at mag aaral dahil malapit na ang Exams namin ."-Laurie
"Bakit ba hindi ka nauubosan ng Dahilan ,Sasamaham mo ba ako o Hindi "-Rey
"May choice pa ba ako ? Alam ko namang kukulitin mo ako kaya sige na ,sasamahan na kita " -Laurie
"HAHAHAH sabi ko na nga ba ey ,Oh Ibinili kita ng bagong bestida para maisuot mo sa party .Andoon sa ibabaw ng ng mesa sa kusina "-Rey
*Napalunok si Laurie ,Mabait sa kanya ang kanyang kuya Rey .Kahit na maliit lamang ang suweldo nito, nabibigyan siya ng kaunting pantulong sa kanyang pag aaral .Nakakapag padala pa ang binata na kaunting Halaga sa mga parents nila sa Sagada .
Mula sa angkan ng kalinga ang mga magulang nila Laurie at Rey .may kapirasong lupa ang mga ito sa Sagada kung saan sila may tanim na tiger grass na ginagawang walis tambo .kilala sa tibay ang walis na ito na ibinibenta nila sa mga pamilihan sa Baguio City at sa ibang bayan sa Mountain Province .
Nang makaalis na ang kanyang kuya Rey para pumasok sa Trabaho ,Tinignan ni Laurie ang damit na binili ng kuya nya .
Napangiti siya,gusto niya ang damit .isang simpleng kulay bughaw na sutla na simple lamang ang tabas pero maganda .at nang isukat niya ito, nakita niyang bumagay sa kanya .
Pinagmasdan ni Laurie ang kanyang anyo sa salamin .Slim siya at hindi gaanong maputi .Morena ang kutis niya pero matangkad siya ,Hanggang Bewang ang haba ng makapal at maitim niyang buhok .Maamo kanyang mukha na nagtataglay ng katamtamang tangos ng ilong at mapang akit na mga labi.
Kaya naman sa mga kadalagahan sa kanila ,napili siya ni Jayson na mahalin .
Bumilis ang pintig ng puso ng dalaga nang maalaala ang kasintahang naiwan sa kanila sa Sagada .Nag aaral din ito pero sa Baguio city na lamang pumasok .Vocational lamang kasi ang kayang kunin nito .Electronics balak nitong mag tayo ng electronics shop sa kanila kapag natapos na siya at mag karoon ng maipupuhunan.
Tulad din niya na isang katutubo si Jayson .mula pa sa pag kabata ay naging close na sila at nang nasa high na sila ,nauwi sa pag iibigan ang kanilang relasyon.
Marami silang binuong mga plano kapag dumating na ang panahong lalagay sila sa tahimik at bubuo ng kanilang sariling pamilya.
Mabait, mapagmahal at matatag si jayson .matibay na sandigan ng kanyang kahinaan .alam ni laurie na magiging mabuting asawa ito at ama ng mga magiging mabuting asawa ito at ama ng mga magiging anak nila.
Kung hindi lamang sa kagustohan nilang umangat nang kaunti sa buhay, ayaw na sanang lumuwas noon sa maynila si Laurie .pero gusto din niyang makapagtapos sa college .Education ang kursong kinukuha niya.mahigpit ang pangangailangan ng guro sa kanilang lugar .
Hapon ang classes ni laurie at isa siyang lady security guard sa gabi .nagawa yang hilingin sa may ari ng kanilang security agency na mapirmi muna siyang naka assign sa night shift habang nag aaral siya at pumayag naman ito .
Naging mataas ang rating ni laurie sa entrance exam para sa mga security guards na ibinigay ng Agustine Security Agency .at asintado ang dalaga sa pamamaril .naturuan siyang mabuting mamaril ng baboy damo ng kanyang ama
Sa edad niyang dalawangpung taon, naging responsible na si laurie at may disiplina ito sa sarili .maingat siya sa lahat at matapat mag mahal .
Sa kasalukuyan ,naka assigned siya sa mga security guards Jade Towers sa Makati City .isang eight storey building na condominium .residential and commercial ang mga units na nasa gusaling ito .
Malaki ang parking lot ng gusali pawang mamahaling mga sasakyan ang nakaparada dito .pag mamay ari ito ng mga mayayamang tenants at negosyanteng nangungupahan sa units dito.
Sa night shift kung saan siya duty ,nag raround sa iba ibang palapag ang tatlong security guards na naroon at si laurie ay sa parking area nap papatrolya .may guardhouse na bukana ng parking lot kung saan may security guard na nakatalaga doon.
Tatlong mga lalaki ang kasamahan ni laurie sa lugar ng kanyang trabaho.dalawa silang mula si Agustine Security Agency at ang dalawa naman ay galing sa Valiant Security Agency Services.Mula 1pm hanggang 6pm ang classes ni laurie .7pm ang simula ng kanyang trabaho at mula sa school, dumidiretso na siya sa Jade Towers. 4am ng umaga ang tapos ng kanyang trabaho kaya nasa bahay na siya ng 5am ng umaga.sa araw araw ,limang oras lamang ang tulog niya .
Mahirap ang buhay ni laurie at palagi siyang pagod pero gusto niyang makatapos sa pag aaral.ayaw niyang iasa pa ang gastos sa mga parents niya.maliit na lamang ang kinikita ng mga parents nya .
Hati sila ng kanyang kuya Rey sa Upa ng maliit na bahay na inuupahan.iisa lang ang kwarto nito kaya sa living room natutulog ang kanya kuya .may folding bed ito doon.
Nababahala si laurie sa Pag ibig ng kanyang kuya sa anak ng Mayaman na pinapasukan ng kanyang Kuya .alam niyang maling bunga at malaking Problema lang ang ginagawa ng kuya nya .Alam nyang ang iisipin ng pamilya ni Bea ay Yaman lang ang Habol ng kanyang kuya sa Pamilya nila .at pararatangan ng mga ito na isang Fortune hunter ang kuya niya .
May nililigawan naman si Rey na kababayan nila.isang guro sa elementary school ng Sagada.si Mellissa ,Mula naman ito sa tribong ikalahan .anak ng mag asawang mag sasaka .
Hindi alam ni Laurie kung Sinagot ni Mellissa ang Panliligaw ni rey .higit niyang gusto na ito ang mapangasawa ng Kuya niya Dahil kauri nila ito .*Hi dont forget to vote enjoy .
This is my First time to share my Imaginations . Mas mabilis po akong mag isip pag tagalog kaya tinagalog ko na po .pero may english version po ito .Sabihin ko na lang po pag tapos na :D
BINABASA MO ANG
BTS " Love Story " #1 Kim Teahyung Tagalog Version
AcakHi gusto ko po sana basahin nyo tong Story ko ayos lang salin kahit hindi nyo Ivote nasa sainyo po iyan .I hope that Magugustohan nyo to .Thank you