CHAPTER 1

17 0 0
                                    

BZZZT. BZZZT. BZZZT.

Hello? Sino to?” kinuha ko ang cellphone sa ibabaw ng nightsand na katabi ng higaan ko at sinagot habang nakatalukbong pa ako sa kumot. Pero, bago pa ako sumagot ng hello sa kabilang linya, ito na agad ang bungad sa akin, “Goooooood Morning TJ! Wake Up na! Woooh!” nilayo ko ang cellphone sa tenga ko at napangiti naman ako.

“Hello! Huyy, Alam ko ang layo ng cellphone mo sa tenga mo! Gising na! Huyyy, at, papasok na tayo. Bilis! *creak*, Aaaaaah!” nung narinig ko sumigaw siya mula sa kabilang linya, napatayo agad ako “Hello! Hello! Farren? Hello?? Okay ka lang ba??” worried ko na sumisigaw sa cellphone ko, “Ar-aray ko.”

Narining ko sa kabilang linya, "Farren? Asan ka ba? Hello?” Nagmamadali akong nagbihis ng shorts ko.

“TJ,dito ako, dito ako sa labas ng kwarto mo” sagot niya mula sa kabilang linya “Ha?” sumilip ako sa bintana, nakita kong putol nga ang sanga atsaka ko hinanap ng tingin si Farren, nakita ko siyang nakahiga pa sa damuhan.

“Hey! Saglit lang!” sigaw ko sa kaniya mula dito sa btaas, napatingin na lang siya sa akin, kumaripas na agad ako ng takbo papalabas ng bahay. “San ka?” Hindi ko na pinapatapos ang Tanong ni Mama sa akin “Nahulog si Farren sa puno Ma” sumagot ata si Mama, pero hindi ko siya narinig.

Nakita ko na lang siyang nag-aayos ng upo, “Farren?” lumuhod ako sa tabi niya, “Okay ka lang ba? San masakit? Dito? Dito?” Yung hawak ko sa kaniya, palipat-lipat lang ng lugar kung san siya pwedeng masaktan o mapilayan, sa legs, sa paa, sa bewang pero, “HAHAHAHAHA!” yan lang ang naririnig ko sa kaniya, tumatawa parang baliw lang “Hoy! Buang ka na ba? San nga masakit?” Tanong ko sa kaniya ng may buong pag-alala, pero patuloy pa din siya tumatawa, nag-pout ako, “Diyan ka na nga” aalis na sana ako ng pinigilan niya ako habang hawak hawak ang kamay ko.

Saglit lang, binibiro ka lang e. Nakakakiliti kasi, hinahawakan mo yung legs ko e. Alam mo namang malakas ang kiliti ko diyan.” pilit niyang tumatayo, pero nagkamali ako ng apak dahil sa --- “Aaaaaah!” sigaw naming ng dalawa, nadulas ako at natumba kaming dalawa.

Dumilat ako ng mata at nakita kong nakapatong na si Farren sa akin, sa ibabaw ko. Naalala kong wala pala akong suot na t-shirt or sando man lang. “A-aray ko, Ikaw kasi TJ e, hindi ka-“ naputol ang sinasabi ni Farren ng pagka-angat niya ng ulo niya, nagkatitigan kaming dalawa.

5 secs.

10 secs.

15 secs.

1 minute

“Ehem” napatingin pa kaming dalawa sa kaniya, “baka may balak na kayong tumayo diyan?” “Ay, ate!” napatayo bigla si Farren pero pagka apak niya ng kanang paa niya biglang angil niya ng “aray ko po!”, “okay ka lang ba?” sabay pa naming tanong ni Ate Michelle habang patayo na ako. “Ha?! Ay, oo naman” sagot ni Farren, ‘tumigil ka nga, halikan na, bubuhatin kta” sabi ko kay Farren habang pinapagpag ko ang shorts ko.

“Ha?! Wa-wag na no! Okay lang naman ako e” sagot ni Farren sa kaniya, “Bakit naman?” pout na sagot ni Tristan sa kaniya, “ginagawa naman natin to dati bubuhatin kita, may pilay ka man o wala”

Nakatitig lang ako sa kaniya, eh paano ba ako papayag sa lalaking to, mala-Adonis na ang gwapo, well-toned na ang muscles nito sa kaniyang mga braso, may abs pa, jusko po at idagdag mo pa ang dimples niya. Lamunin mo na ako lupa, bago ko pa malamon tong bestfriend ko.

“Farren? Farren? Hoy!” inaalog na pala ako ni Tristan ng mapansin kong pinapantasya ko na pala siya, “Ha? Ha? Bakit??” sagot ko sa kaniya habang nakatitig lang ako, naramdaman ko pang naka-ngiti pala ako at ang init ng mga pisnge ko, nagblu-blush ba ako? Wag sana niyang mapansin.

⚠UNTOLD FEELINGS (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon