Ang Paglalakbay ng Dalawang May Pitik Patungong Langit

105 3 2
                                    

(sa loob ng isang dipang bahay kubo sa tuktok ng puno ng niyog na pahapayhapay, abala si Juan sa paghiyaw habang nanunuod ng Nba finals sa animal planet. Makaka three points si Lebron Wade ng Blue Eagles kasabay nang malakas na pagtawag ni Hudas gamit ang megaphone mula sa baba ng puno ng niyog.

H: (histerikal) Juan! Lumabas ka dyan! Sumuko ka na! Wala ka nang magagawa! Panalo ang Lakers ko! Magbayad ka ng utang mo!

(susungaw sa bintana si Juan sabay dura. sapol sa nakangangang si Hudas. mapapamura naman ang huli at aktong dudura rin pero maiisip na hindi aabot yun kay Juan kaya nilunok na lang)

J: (ngiting-aso) Talo ang Lakers mo dahil hindi naman sila kasali sa laro. Alaska at Ginebra ang magkalaban. Ikaw ang magbayad ng utang!

(magkakamot ng kilikili si Hudas sabay amoy)

H: Bat ako magkakautang hindi naman ako pumusta!

J: Dahil isang kilo't kalahating tanga ka! Bat di mo sinabi di sana pinautang kita! 

H: Sige pupusta ako pero pag ako ang nanalo wala nakong utang sayo.

J: Call ! Pero pag ako ang nanalo ibebenta ko sa sindikato ang organ mo! (Tatawa ala kontrabida)

H: Pero wala kong organ! Keyboard lang!

J: Pareho lang yon tuga! May black and white na pindutan!

H: Eh baka gusto mong ibaba na ang hagdan at papanaog ako. Kelangan ng San Antonio Spouse ng taga cheer para matalo sila! Dalian mo!

(ibababa ni Juan ang mahabang hagdang kawayan na nakatago sa kanyang isang dipang bahay kubo. aakyat naman agad si Hudas. pero dahil sa sobrang taas ng puno ng niyog, inabot ng 60 minutes and 8 seconds ang pag akyat nito. sakto namang nasa pinto na ito nang biglang magbrownout. mapapasandal tuloy ito sa tagpi-tagping dingding at slow motion na dadausdos paupo habang tulala)

J: the power supply was cut! Bullshitzu!

H: (histerikal) Bat kase hindi ka nagbayad ng kuryente?! At kelan ka pa natutong mag-inggles eh kinder graduate ka lang!

J: (garalgal) I, (sabay turo ng hintuturo sa dibdib) may not be a well-educated person, but atleast I have the heart that never hardens, a temper that never tires, a touch that never hurts, quoted, Charles Dickens.

(Babatukan ni Hudas si Juan. Takang titingin naman ang huli sa una.)

H: Umayos ka. Wag mo problemahin ang tungkol sa edukasyon mo dahil kahit mag-aral ka pa, bobo ka pa rin. Tamo, nakikigamit ka lang ng quote ng iba. wala kang originality. Saka ang issue dito kung pano natin malalaman kung sino saten ang panalo sa pustahan. At kung bakit walang notice na magpuputol pala ngayon ang meralco na yan kung kelan makakalaban ni 9 si 6. maderfaker.

(babatukan din ni Juan si Hudas)

J: ikaw ang bobo! Malamang hindi ako nagbabayad ng kuryente. Jumper ako eh! Yung issue sa laro, itanong mo sa manghuhula kung sino ang nanalo! Wala na ko paki sa premyo! basta ako, manalo-matalo, Parker pa rin ako.

(nanggagalaiting susugurin ni Hudas si Juan at sasabunutan. Sa kilikili. Makikiliti naman si Juan at hahagalpak na parang bakla)

H: wag mong idamay dito si Peter Parker! Kahit gagamba lang sya tao pa rin sya. Dahil sya si Spiderman!

J: oo na. Tama na. Nauutot ako sa ginagawa mo Hudas ka.

(mapapatingin si Hudas sa mga kamay na ngayon ay may buo-buong  tawas)

Ang Paglalakbay ng Dalawang May Pitik Patungong LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon