Chapter 1 - A Narrrative Glimpse from Mhia's Past

14 0 0
                                    

Si Mhia ay isang Engineer sa isa sa pinakamalaking Pharmaceutical Industry sa bansa. Ang boyfriend naman niya sa loob ng 7 years na si Teddy, ay Engineer din na nakabase sa U.S.

Naging sila since College pa lang. Tulad ng normal na magkarelasyon, madami na din silang pagsubok na nalagpasan.

Unang nag abroad si Mhia. Pagkatapos nyang makapasa sa board, na offeran agad sya ng magandang trabaho. Na base siya sa Europe mahigit tatlong taon para mag Master's kasabay ng training niya. Nung umalis si Mhia, kakatapos lang ni Teddy makapasa sa board exam. Agad naman siyang nagtrabaho bilang Professor sa Unibersidad kung sa'n sila nagtapos. Pareho silang nahirapang mag adjust, dahil aside sa different timezones, unang beses din nilang nagkalayo. Kasi kahit naman una ng isang taon si Mhia kay Teddy, kahit nag-aaral pa at si Mhia ay naghahanda na sa board exam, nagkikita pa rin sila halos araw-araw.

Kaya nung halos mag-iisang taon na si Mhia sa Europe, at medjo nagsisimula na siya sa intensive training, medjo nagkaproblema sila. Hindi na nasusunod ang usapan nilang chat sessions kasi nahihirapan si Mhia sa pag aadjust. Muntik na nga silang maghiwalay kasi tingin ni Mhia, baka nagiging unfair na sya kay Teddy. Pero di pumayag si Teddy, sa halip, mas inintindi nalang nya. At nag suggest kung ano pa pwede nilang gawin para di mauwi sa hiwalayan dahil mag aapat na taon na din sila nun. Kaya nag usap sila na kung hindi man masunod ang chat sessions nila, at kung may problema, kahit hindi online ang isa, dapat mag email kung anu't ano man ang problema o nararamdaman ng isa sa kanila para kung kelan magka oras at mabasa yun i makapag explain din at maiayos agad. At naging okay naman ang set-up nilang 'yon. Tingin nila mas naging matatag pa nga sila.

Nung makauwi na galing Europe si Mhia, patapos na din si Teddy sa kanyang Master's degree. Nag-uusap na din silang magpakasal pero hindi pa nila masyadong iniintindi yun dahil nga puro sila subsob sa trabaho at gusto pa nilang mag travel at mag-ipon.

Kahit pareho silang busy sa kani-kaniyang trabaho, tuwing off nila, ay magkasama talaga sila. Kung di man sila mag-out-of-town, nag mo mall sila o di kaya nakatambay sa bahay ni Teddy or sa apartment ni Mhia at nagmomovie marathon. Tuwing linggo, inuuna talaga nilang magsimba kahit pa nasa out of town.

Nang makagraduate na nga si Teddy sa Master's niya, eh nakapasa naman siya ng scholarship for Ph.D. sa U.S. Hindi na niya dapat itutuloy 'yon kasi ayaw na niya na mahiwalay kay Mhia. At isa pa, plano nila nuon na sabay mag Ph.D. kaso, mas focus na si Mhia sa trabaho kasi tumataas na din ang rank niya. Tsaka di pa niya kailangan naman yun kasi advance din ang training nito sa trabaho. Kaya lang, nung sinabi nya kay Mhia, eto pa ang nag encourage sa kanya kasi para na din daw sa future nila. Kaya kahit mahirap, tinuloy niya. May chance naman kasi siyang umuwi once a year ng libre.

Wala naman silang naging problema nung nag nagsisimula na si Teddy sa Ph. D nya. Ngunit, nung patapos na eto at si Mhia ay subsob sa training para sa pinakahihintay na peak ng career nya, dun na nagsimula. Naging madalang ang kanilang chat sessions at di pa makakauwi c Teddy sa bansa dahil kelangan nyang tapusin at ma publish ang research nya para makagraduate. Tila nakalimutan nila ang dating tactic nung minsang nagkaproblema sila sa LDR status nila.

Si Mhia kahit gaano ka pagod galing trabaho, she makes sure na magchat kay Teddy kahit hindi ito online. Pinapaalam kung kumusta ang naging araw niya at kinukumusta din ito. Ramdam na nyang parang may iba sa sitwasyon nila pero iniisip nalang neto na baka nagfofocus ito para matapos sa Ph.D. niya. Hindi na kasi ito masyadong nagrereply sa chat at madalang na kung tumawag. Kinukutuban man siya, but she still chose to give him the benefit of the doubt and let go of her paranoia kasi ayaw din niyang mas magkaproblema pa. Kaya naman nung di makakauwi si Teddy nung huling taon nya sa pag-aaral, ginamit nya ang leave nya para puntahan ito.

Sobrang saya naman ni Teddy na binisita sya ni Mhia. Mas naging inspirasyon ito na maipublish na ang research nya. Kaya naman , tinulungan din siya ni Mhia. Siya ang nag proofread sa gawa nito. At nung sabihin ni Mhia na okay na naman ang mga naisulat nito, hindi na ito nagdalawang isip na ipa evaluate sa head master nila. At wala pang dalawang araw, na approved agad ito for presentation na agad naman na approved for publication with very minimal revision. Kaya naman, nakagraduate din ito at nabigyan pa ng trabaho sa University bilang isang Researcher.

Kaya bago ang simula ni Teddy sa trabaho, nagbakasyon muna silang dalawa sa Florida. Dahil gustung gusto ni Mhia sa Disneyland kaya dun sila nagpunta. Walang kaalam-alam si Mhia na may plano pala si Teddy.

Nung magfafireworks na, bigla nalang lumuhod si Teddy sa harap nya at nilabas ang isang red velvet heart box na may lamang singsing na may real diamond, napaawang ang labi ni Mhia at naconcious ng mapansing pinagtitinginan na sila. At agad sya'ng tinanong ni Teddy na naluluha pa ng "Engineer Mhia Young Dy, will you marry me?" Si Mhia naman, magkahalo na ang nararamdaman habang di na napigilang maiyak nang sumagot siya ng "yes, I will marry you." At agad sinuot ni Teddy ang singsing kay Mhia, saktong nagsimula ang pa fireworks.

Masayang masaya silang dalawa. Nung pabalik na sila ng Chicago, nagkasundo sila sa long engagement since pareho pa silang nag eestablish ng kani-kaniyang career.

Bumalik na din si Mhia sa Pilipinas. Alam nila pareho na mas magiging mahirap ito sa kanila dahil kakasimula pa lang ni Teddy uli sa bagong trabaho at si Mhia ay naghihintay na sa formalization ng kanyang promotion na may kasamang napakalaking proyekto.

Pero sinubukan pa rin nilang makapag communicate as much as possible as their support for one another.

But then, temptation is just around the corner and it's quite strong.

Ang dating rason nung nagkahiwalay sila ay malapit pa rin kay Teddy. Nag aantay lang ng kanyang pagkakataon.

A Tale of SerendipityWhere stories live. Discover now