Chapter 2 ☃

38 1 0
                                    

Shae's POV

Anong ginagawa nito dito?!

"Kaden?" di-makapaniwala paninigurado ko.

Muntik na siyang natumba kaya inalalayan ko siya at umupo sa harap ng bahay ko. Anong ginagawa niya talaga dito?! Destiny na ba talaga 'to?!

Mukhang malungkot siya at hindi maipinta ang mukha niya. Bakit? Dahil ba sa girlfriend niya?

Nginuso niya yung kabilang bahay. Umarko ang kilay ko. Anong ibig niyang iparating?

"Bakit? May mumo ba diyan?" tanong ko at kinilabutan ako sa nasabi ko.

Tumawa siya at umiling-iling. So? Ano nga?

"Wag mong sabihing dyan ka nakatira?" natanong ko at ngumiti. Imposible naman dba?

Tumango-tango siya at tumingin sa taas habang nakasandal sa gate namin.

"Ano? Paano? E ngayon lang kita nakita?!" takang tanong ko.

Nagkibit-balikat lang siya. Lasing e! Paano mo makakausap ng matino yan?!

"This is my house," ngumit pa siya ng nakakaasar talaga. Tsk. Lasenggo. "Kapitbahay ba kita?"

My forehead creased. Baka dito sa ibang bahay ang kwarto niya?

Sumandal siya sa gate ko at pinindot hanggang malapit ng masira ang doorbell ko. May yaya ba sa bahay niya? Sino namang mangbubukas sa kanya? Baka wala.

"May susi ka ba ng bahay mo? May kasama ka ba?"

Umiling siya ng dalwang beses. "I fogot my keys at Kenzo,"

"As if kilala ko yang Kenzo'ng yan. Tawagan mo kaya," I suggested

"I forgot my phone,"

Napatampal na lang ako sa noo ko. Naku naman!

Pinameywangan ko siya. "Hindi ko na yan problema. Basta ako, papasok ako sa bahay KO kelan ko gusto," at inemphasize ko yung 'Ko'

Inopen ko na yung gate at ibinalibag yun---

"Aaaaah!"

Agad akong lumingow sa gate at nakita kong naipit ang kamay niya. Tsk. Perwiso sa buhay ang isang 'to. Kahit na nagagwapuhan ako kanina sa Uste nang makita ko siya.

Tiningnan ko siya at mukha siyang asong naiiyak. Nakanang! Wag namang ganyan men.

"May sugat ba?" Naparoll eyes ako sa sinabi ko.

Nakikita ko na ngang dumudugo, tinatanong ko pa. Common sense naman Shae!

Nagsorry ako sa kanya ng 12345 times. Wala akong nagawa kundi ang hilain siyq papasok ng bahay ko. Papalabasin ko naman siya mamaya.

"Umupo ka," sabi ko at agad na tinakbo ang first aid kit ko sa malapit sa sink.

Bumaba na ako sa sala at nakita kong nagmamasid siya sa apartment ko. Finally realized na hindi ito ang kanya? Nakakunot pa kasi ang noo e.

Sumandal siya sa sofa at pumikit. Grabe!

Nakalapit na ako sa kanya at parang nabigyan ako ng pagkakataon na titigan ang buong pagkatao niya. Hmmm?

Mula sa makakapal niyang kilay, matqtangos niyang ilong, mapupulang labi niya na animo'y nang-aakit---taena. Iba na 'tong sinasabi ko a!

Stop the thoughts Shae! He's a stranger and Venice's close friend.

Nagulat na lang ako when he's lips formed into a smile. "Love the view?" Tanong nito at minulat ang pago na pagod niyang mata.

I just rolled my eyes at inilabas ang mga cotton balls. "Spell Asa?" Hinila ko ang kamay niya and why do I feel the volts I used to feel?

He Suck Like A VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon