Shae's POV
Kakalabas ko ng kotse ni Venice, isa sa mga kaibigan ko. Magja-jogging daw kami ni Venice dito sa grounds ng UST. Ang next school ko.
Nakakuha kasi ako ng scholarship dito. Galing akong ibang probinsya kaya I grab the opportunity kahit alam kong iiwan ko ang pamilya ko dun.
Hindi ako kagaya ng mayayamang tao. Mahirap lang ako ngunit kahit papaano ay nakakakain parin naman ako kahit minsan hindi 3 times a day.
"Mauna ka na muna. May imi-meet pa kasi ako," untag sa akin ni Venice.
Childhood Bestfriend ko siya at nagre-reunite kami sa ngayon. Galing kasi siyang France. May mga bestfriends na rin siya galing France. Mayaman siya, maganda, sopistikada at sobrang bait. Minsan nga lang pag inaway mo, nakakatakot kaya binansagan siya ng kanyang mga kaibigan ng "Queen Karma"
Tumango nalang ako at inilabas ang cellphone kong niregalo pa ni Venice sa akin. May kamahalan ito pero sabi niya okay lang basta para sa akin.
Nalibot ko na ang UST kaya nagpahinga muna ako saglit at ininom ang binili kong bottled water.
May narinig ako sa bangdang kanan ko at dahil sa curiosity, nilapitan ko ito.
Isang nakatalikod na lalaki ang at babaeng galit ang nakikita ko. Sinesermunan niya yung lalaking likod pa lang ay sobrang nakakaakit na. Nakacap ang lalaki at naka shorts at simpleng puting tshirt lang pero malakas ang datingan.
Maganda yung babae. Maputi at mukhang may ibang lahi. Siguro chinese. Naka-eyeglass din yung babae. Sa tingin ko'y nag-aaral din sila dito dahil pareho silang nakaID ng UST.
"You don't understand Jell. I've waited for you and I even rented the restaurant just for the two of us then hindi ka pala makakapunta just for that damn quiz bee review," sabi nung lalaki at sobrang nakakaakit din ang boses niya.
"The quiz bee is important to me. Malapit na ang contest!" Sabi nung babae at inirapan siya.
"You don't have a time for me. Kahit man lang tinext mo ako o tinawagan na hindi ka makakarating, Jell. You make me wait for nothing,"
"You want space then I'll give you what you want," sabi nung babae at tinalikuran yung lalake.
Tinanggal nito yung bull cap niya at inis na ginulo ang buhok habang nagmumura. Bumalik na ako sa kinaroroonan ko at umalis na.
"Shae!" Napalingon ako sa sumigaw.
It's Venice. Kasama na niya yung lalaking nakita ko kanina. Medyo malayo na sila sa akin pero kitang-kita ko ang lalaki na sobrang gwapo.
"Come here!" Sabi ni Venice at sinenyasan pa kong lumapit.
Habang papalapit ako ay di ko alam ang naramdaman ko ng parang siya lang ang nakikita ko. Damn those thick strong eyebrows, those expressive eyes and impressive lips. Damn those strict nose!
Yung jawline niya my gosh! Ang strikto.Nakangiti siya ng konti para magbigay respeto. I felt a whirling sensation in my stomach. Had a perfect row of pearly teeth.
Now. Take a look at perfection. Buti na lang at naka-eyeglasses ako.
"This is Kaden, my close friend. Kaden, this is my childhood bestfriend... Shaeline," pagpapakilala ni Venice sa amin.
We shook our hands and the volts give me creeps. "Hi. Nice meeting you," sabi niya. Ghad! His voice, so husky and intimidating.
I just replied a smile.
"So paano bumbay? Uwi na kami. Call me about Tito Dani and Tita Kareem's Anniversary ," ngumiti lang at tumango si Kaden.
Damn name. I'll get used to it.
Nakipagbeso si Ven kay Kaden. "Take care buddy," sabi ni Kaden sa kanya at ayun!
We parted ways.
"Bumbay? Bakit bumbay ang tawag mo?" Tanong ko kay Venice habang nagja-jogging kami.
"Hindi mo ba nakita yung mga mata niya? May lahi siyang bumbay. His dad? Sobrang gwapo ng dad niya. Kung tutuusin pag bumata pa si Tito Dani, mas gwapo pa kay Kaden yun," sabi niya at ngumiti,
"Tsaka maraming pera yun kaya bumbay. Pag nagsama-sama kami, palagi kaming nililibre. Barkada ko siya 'no!" Dagdag naman niya.
Napatango na lang ako.
"Interesado ka dun?" Tanong niya na pinipinigilan ang pagngiti.
Tinaas ko ang kilay ko.
"May girlfriend na yun!" Sabi niya at umiling. Medyo masakit din ang realidad Venice.
"Alam ko. Nakita ko ngang nag-away sila e nang mapadaan ako," sabi ko na lang kahit ang totoo ay nagtago ako sa damuhan para lang marinig ang pinaguusapan nila.
"Hayy. Ano bang bago dun?" Sabi niya at ipinagkibit balikat ko na lang.
"Ayoko dun sa Jellique na yun e. Masyadong mabait tsaka boring. Alam mo yung sobrang KJ pag may adventures kasama barkada? Buti na lang one time lang siya sumama. Hindi na namin siya sinasama. Makakasira lang ng bond e!" Sabi nito at sumimangot.
"Love wins," sabi ko na lang.
Umiling na lang siya at bumalik na kami sa kotse.
•
Nasa apartment na ako at nag-aayos ng uniporme ko para bukas. Excited na nga akong pumasok sa uste.Nakaplantsa na ako't lahat-lahat kaya kinuha ko yung phone ko.
Umorder ako ng 4-sliced pizza na hawaiian at garlic breads. Gutom na ako. Lumabas ako ng apartment at napagpasyahang bumili muna ng street foods.
"Ate, pabili nga ng 4 na isaw, isang betamax, 4 sa skin tsaka isang hotdog. May kikiam po ba tsaka squid balls?" Tanong ko.
Ngumiti lang ito sa akin, "Oo meron. May kasama ka ba sa bahay mo at ang dami mong inorder?" Usisa nito.
"Naku ate! Kakainin ko lahat yan!" Sabi ko at ngumiti.
"Ikaw talagang bata ka! Kala ko di ka kumakain ng ganito. Mukha kang mayaman e tsaka sabi ng mga kapitbahay, maldita ka daw," sabi nito.
"Naku. Hindi po, napagkakamalan lang," sabi ko at ngumiti. "Balikan ko po. Bili muna ako ng ice cream," sabi ko at nagpara ng tricycle.
Actually, malapit lang savemore sa amin at pwedeng lakarin kaya lang, tinatamad ako at baka makarating na yung nagdeliver.
Bumili ako ng isang tub ng cookies and cream at pepero din na cookies and cream.
Habang hawak-hawak ko yung mga pinamili ko at yung mga finger foods ay may namataan akong nakaitim sa labas ng bahay ko. Buti nakalock yun.
Baka yun na yung order ko!
Lumapit ako sa lalaki at nagulat ako.
Omg. Anong ginagawa nito dito?!