Chapter 4

89 3 2
                                    

Dedicated ang chap na toh kay Chester kasi nirequest niya. De joke kasi mabait naman siya eh. Pag tulog! Haha. Peace dude... ^___^v

Mike's POV

Dahil weekend, andito kami ngayon kina Jake. As ussual wala ang pretty devil kasi andun na naman sa bahay ng friend niyang ewan.

"Mga dude labas kaya tayo?" sabi ko.

"Saan naman tayo pupunta? Di naman tayo pwedeng mag bar." si Third

"Bakit hindi pwede?" ako.

"MINORS!" sabay na sagot ng kambal.

"Dito nalang tayo uminom." si Max. Sabay-sabay kaming napalingon sa kanya.

"What?" mukhang asar na sabi ni Mark.

"Dude, andami mong first!" sagot ko sa kanya sabay ngisi.

"Yeah dude, first time mong nag suggest." natatawang sabi ni Jake.

Maxwell's POV

"Dito nalang tayo uminom." nagulat ako ng biglang napatingin silang lahat sakin.

"What?" sabi ko with my deadly poker face.

"Dude, andami mong first." si Mike na tatawa tawa pa.

"Yeah dude, first time mong nag suggest." segunda naman ni Jake.

"Fine, next time di na ako magsasalita." sabi ko sabay talikod. Naglaro nalang ako ng psp.

(Speaking of Psp, asan na kaya yung psp ko?)

"Yey! Inuman na." dinig kong sabi ni Cloud. Paglingon ko nakita kong may hawak-hawak na silang tig dadalawang bote ng Chivas.

"Oy, papalitan niyo yan ha! Lagot kayo kay daddy pag nalaman niyang may nabawas sa pantry." si Jake yun. Mahilig kasi sa alak ang dad niya.

Cloud's POV

"Yey! Inuman na." sabi ko sabay taas namin ni kambal ng dala-dala naming alak.

"Oy, papalitan niyo yan ha! Lagot kayo kay daddy pag nalaman niyang may nabawas sa pantry." sabi ni Jake habang nilalapag namin sa center table ang alak, mga baso at bucket ng ice.

"Sure, kuya!" si Claude sabay thumbs up.

Ngiti lang isinagot ko. Nagsimula na kaming mag inuman. Sumali na din si Max pagkatapos ilapag ang psp sa side table.

Claude's POV

Napaparami na rin kami ng inom. Past 7 pm na pala.

"Kuya, pano yan. Wala tayong driver. Di na din ata kayang mag drive ni Cloud." sabi ko kay Third.

"Dito na kayo magsitulog. Linggo naman bukas." suhestiyon ni Jake.

"Uy, maganda nga iyan." si Mike, mukhang may tama na rin eh.

"Magdamagan na pala toh. Sige, para masaya. Laro nalang tayo." ako

"DARE OR DARE!" sigaw ni Cloud.

"DEAL!" kaming lima.

:Fast Forward:

Jade's POV

Nakatambay na naman kami ni Arlene sa canteen.

"Ano ba talaga yung surprise na sinasabi mo Jade?" tanong ni Arlene habang pareho kaming kumakain. "Saka bakit may nakaset up na wide screen dito?"

"Kumain ka nalang. Saka pag sinabi ko. Di na yun surprise." I smiled devilishly.

Maya-maya pumasok na ang grupo nina kuya. Pinindot ko ang send button sa cp ko at automatic nag send yung nakatype ko nang message sa kakuntsaba ko sa media department.

Biglang nag on ang L.E.D Wide screen. And yung palabas...

"WOOOH! Gimme gimme Mike!" sigaw ng isang estudiyante.

Lahat ng naroon napatingin sa wide screen tapos hagalpakan ng tawa. Pano ba naman kasi. Humahataw ng gimme gimme si Mike, tapos nagba-butt shake pa ala Vice Ganda.

Tumingin sakin si Mike pero nginisihan ko lang siya. Gumanti naman siya ng nakamamatay na death glare.

Flashback

Kakauwi ko lang galing kina Arlene. Papasok palang ako sa gate eh dinig na ang ingay nila sa loob.

"Oh Mike, sayo nakaturo." boses ni Kuya yun.

Dali-dali akong pumasok tapos dinukot ko yung digi cam ko at pumwesto sa bintana.

"Mag gimme gimme ka dude." si Third tapos ini on ang sounds.

Agad kong nirecord yung sayaw ni Mike. Nung matapos na, dun nalang ako sa kusina dumaan.

End of Flashback

Maaga akong pumasok kanina para ibigay ang video sa media department tapos inaya ko si Arlene sa canteen and the next is history. Bwahaha!

Tumayo si Mike at lumapit samin.

"Hoy demonyita, alam kong kagagawan mo na naman toh." umuusok ata ilong ni Mike. Mukha siyang takure.

"Wala kang ebidensiya na ako gumawa niyan." pacool kong sabi sabay flip ng hair.

"Hi Mike." sabi nung girl sa kabilang table.

"TALK TO THE HAND." si Mike sabay inistretch sa tapat ng mukha ng babae yung palad niya. Terminator lang ang peg.

"Hmp, suplado. Di naman magaling sumayaw ng gimme gimme." sabi nung girl. Natawa tuloy ako.

"Tsss..." si Mike sabay walk out. Pasalampak na umupo dun sa table nina kuya.

"Yes! Panalo na naman ako." sabi ko sabay hand sign ng Aja!

"Ang bad mo talaga girl." si Arlene na iiling iling.

"HEHE!" kumain nalang ako. Bad naman talaga ako eh. To the extent pa nga eh. Kaso di naman ako pinapansin ng crush ko. *deep sigh*

In-love With A Bad Girl (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon