Kabanata 3
Simula na ng unang araw ng klase ngayon. Dahil nakikitira lang ako dito sa apartment nina Clyde at Danger, napagpasyahan ko na gumising ng maaga at magluto ng agahan. Nakakahiya naman kasi na libre na nga akong nakikitira dito, wala pa akong maiambag.
"Morning," nagulat ako ng makita ko si Danger na nasa kusina at nagtitimpla ng kape.
Naglakad ako papunta sa kusina. Mabuti pala at naisipan kong magsuot ng jacket ngayon. Nakakahiya naman kung makita ako ni Danger na nakasuot ng sando at shorts.
"Good morning din," sabi ko at saka binuksan ko ang ref at kumuha ng bacon at itlog. Ganito kasi ang paboritong kainin ni Clyde. "Maaga ka talagang gumising?" tanong ko sa kanya. Kung ganitong maaga siyang gumising, hindi na ako gigising ng maaga. Hindi pa din kasi ako komportable na kausap si Danger.
Humigop siya ng kape niya at umiling. "Hindi. Maaga kasi ang class ko tuwing Tuesday at Thursday kaya maaga akong gumising. How about you? Maaga ka bang gumising, Annika?"
Ako lang ba talaga o talagang may kakaiba sa pagsasalita ni Danger? Para bang nang aakit siya sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ko. Ayoko nun. Hindi ko gusto.
Tumango na lang ako. "Nasanay na kasi ako sa probinsya," paliwanag ko saka sinimulan kong lutuin ang fried rice na paborito din ni Clyde.
"Tiga Bicol ka din ba?"
Sumagot ako ng oo.
"Nagpunta kami dati dun, a. Bakit hindi ka namin nakita?" Tanong ni Danger.
Hindi na lang ako sumagot at nagkibit balikat. Yun yung mga panahon na nag away kami ni Clyde dahil nahuli kong may mga nagtetext sa kanyang babae ng mga malalaswang bagay. Sabi naman niya, mga fans niya lang daw yun. Para hindi na ako magalit, napilitan siyang magpalit ng number. Minsan talaga naiinis ako sa mga fans niya. Hindi ba nila alam na may girlfriend na si Clyde? Nakalagay naman sa facebook niya yun, pati sinasabi niya naman. Pero yung ibang babae? Makapal talaga ang mukha.
"Baka may ginawa ako sa school?"
Patuloy lang sa pag inom ng kape si Danger habang nagluluto ako. Sa loob loob ko, hinihiling ko na sana magising na si Clyde. Naiilang ako kausap si Danger.
"Annika..."
At ayan na naman siya sa mapang akit niyang boses. Siguro kung siya ang naging bokalista ng banda nila, lahat ng babaeng nakikinig sa kanila, bigla na lang hihimatayin.
"Sabay na tayo pumasok?"
"Sabay kami ni Clyde."
Ayoko. Ayokong sumakay na naman sa sasakyan niya.
"Mamaya pang ala una yung klase ni Clyde. Ikaw din, mahirap mag commute papuntang university."
Dahil wala naman akong choice, pumayag na ako. Umakyat na ako sa taas matapos kong maluto ang bacon at itlog. Pumasok ako sa kwarto ng boyfriend ko at nung nakita kong himbing na himbing siyang natutulog, pinabayaan ko na lang siya. Nag iwan na lang ako ng note sa lamesa niya na mauuna na ako. Sayang. Pangarap ko pa naman na sabay kaming papasok ni Babe. Second year high school pa lang kasi ako nung grumaduate siya. Buti na lang talaga, napansin niya ako kahit na lower year ako.
Naligo na ako at nagpalit ng palda na hanggang tuhod at blouse. Okay na siguro 'to. Mag aaral naman ako at hindi maglalakwatsa.
"Hot."
Napairap na lang ako sa narinig ko kay Danger.
"Derek, nasa taas lang si Clyde."
Lumapit naman siya sa akin. "Alam ko. Mas masaya nga, di ba?"
BINABASA MO ANG
Hindi Ko Inakala (COMPLETED)
RomancePagmamahal? Kailan mo matatawag na pagmamahal ang nararamdaman mo? Kapag ba masaya ka tuwing kasama siya? Pero paano kapag yung kasiyahan na nadarama mo, unti unting napapalitan ng pagdududa? At paano kapag ang taong nagtulak sa'yo upang magduda ang...