Kabanata 15

328K 5.8K 734
                                    

Kabanata 15

"Good morning, Babe," bati sa akin ni Clyde. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti at saka diretsong naglakad papunta sa kusina.

Mag iisang linggo na pala simula ng bumalik si Clyde. Akala ko pag bumalik siya, magbabago na ang lahat. Akala ko kaya kong kalimutan ang panlolokong ginawa niya sa akin pero tuwing nakikita ko ang mukha niya, ang bawat ngiti niya, laging bumabalik sa isipan ko ang katagang binitiwan niya noong kaarawan ng ama ni Derek.

Girlfriend niya si Gelene? 

Sige lang, Clyde. Masaya ka ba na dalawa kaming babae sa buhay mo? Sige, pagbibigyan kita, pero sana pagbigyan mo din ako na dalawa kayo sa buhay ko.

Iniwan ko na umiinom ng kape si Clyde at nagbabasa mula sa handouts na ibinigay sa kanya ni Key. Dahil nga ilang araw din siyang nawala, madami siyang aralin na kailangang habulin. Kahit naman niloloko niya ako, hindi ko kayang hindi siya tulungan. Ako ang nag ipon ng mga handout niya pati na din nagbigay ng excuse letter sa bawat professor niya. Lahat naman ginagawa ko para sa kanya, bakit nagagawa niya pa din akong lokohin?

Agad kong naramdaman ang kamay niya Derek na pumulupot sa bewang ko. "Good morning, Annika," sabi niya sabay halik sa sensitibong parte sa leeg ko. Kahit na isang linggo na namin itong ginagawa, may parte pa din sa akin na kinakabahan.

Pero bakit ganoon? Sa loob loob ko, may sumisigaw sa sana ay mahuli kami ni Clyde. Gusto kong makita niya akong ginagago siya. Gusto kong maramdaman niya din yung sakit na naramdaman ko noong narinig kong ipinagtanggol niya si Gelene at ipinakilalang girlfriend sa nanay ni Derek.

Bakit? Sobrang sakit, e.

Mahigit isang taon kami ni Clyde. Mahigit isang taon. Ang dami naming pinagsamahan, ang dami naming ala-ala tapos saan kami mauuwi? Sa ganito? Sa lokohan?

"Good morning," sagot ko naman sa kanya. Umabot ako ng isang kopita at naglagay doon ng kape galing sa coffee maker. "Kape?"

Umiling siya. Lumingon ako sa gilid at nakita kong nakalabas na naman ang dimple niya. Wala sa loob na napakagat ako sa labi ko. Bakit sobrang nakakaakit ka, Derek? Wala ka namang ginagawa kung hindi yakapin ako at ipakita yang dimple mo pero sa huli, ako pa din ang bumibigay at unang humahalik sa iyo?

"Best morning," sabi niya sabay halik ng isang beses pa sa akin.

Binigyan niya pa ako ng isang nakakalokong kindat at saka naglakad patungo sa lamesa. At heto na naman kami, makikipaglaro kay Clyde.

"Kailan exams mo?" bungad na tanong ni Derek kay Clyde pagkaupong pagkaupo niya sa silya. Ako naman ay naupo sa tabi ni Clyde. Agad na humalik sa pisngi ko si Clyde at binigyan ako ng ngiti.

Kung sana hindi mo ako niloko, ikaw na ang magiging pinakamasayang lalaki, Clyde. Ibibigay ko lahat ng gusto mo, lahat ng makapagpapasaya sa iyo. Pero bakit ginaganito mo ako?

Nagpatuloy siya sa pagbabasa ng notes niya at humigop ng kape. "Mamaya. Kinakabahan nga ako, tatlong major exam yun."

"Sus, wala namang chem dyan. Kayang kaya yan," sabi ni Derek. Ang yabang lang, palibasa alam niyang ayaw na ayaw ni Clyde sa chemistry, ChemEng student kasi si Derek. Hindi lang basta estudyante, consistent Dean's lister din. Hindi ko nga alam kung paano niyang nagagawa yun, e.

"Yabang nito, mahirap din kaya sa BA."

Nagkibit balikat na lamang si Derek.

Patuloy lamang silang nag uusap sa kung anu anong bagay ng maramdaman ko yung paa ni Derek sa paanan ko. Ano na naman?

Tumingin ako sa kanya at itinaas ang kilay ko. Bilang tugon, naramdaman ko ang paghaplos niya sa binti ko ng pataas at pababa.

Hindi ko sinasadyang nakagat ang labi ko dahilan upang dumugo ito. "Shit. Okay ka lang ba, Babe?" nag aalalang tanong sa akin ni Clyde noong mapalingon siya at mapansin na nagdudugo ang labi ko. Sobrang diin pala ng pagkakakagat ko. Kailangan, dahil baka kung ano ang magawa ko kung hindi malilipat ang atensyon ko mula kay Derek.

Hindi Ko Inakala (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon