Chapter 1

79 1 0
                                    


Sa isang napakagandang lugar na napapalibutan ng iba't ibang klaseng naggagandahang bulaklak at may pumapailanlang na isang romantikong awitin sa ere ay naglalakad si Beverley. Siya ay nakasuot ng napakagrabong gown at sa kanyang ulo ay nakapatong ang kumikislap na tiara.

May matamis na ngiti sa kanyang mga labi habang ang mga mata niya ay naghahanap. Hanggang sa makita niya ito sa di-kalayuan. Ang kanyang prinsipe si Vincent Olivares III.

Nagliwanag ang guwapong mukha nito nang masilayan siya. Tila hinihintay siya nito. Agad na lumapit ito sa kanya at inabot ang kanyang mga kamay.

Sa gitna ng hardin na iyon ay isinayaw siya nito. Magkahinang ang kanilang mga mata. Ang mga bulaklak at paruparo ang tanging saksi nila.

Tumigil si Vince sa pagsasayaw. Tumitig ito nang diretso sa kanyang mga mata. Mayamaya ay dahan dahang yumuko ito at hinalikan siya sa mga labi.....

"BEBANG!"

 Napabalikwas ng bangon si Beverley mula sa kanyang higaan nang marinig ang malakas na boses ng kanyang inang si Aling Pining. Binulabog na naman ng kanyang "alarm clock" ang magandang panaginip niya.

 Tinakpan niya ng unan ang kanyang mga tainga dahil sa sunod-sunod na pagtawag nito sa kanyang pangalan. Pati siguro ang mga natutulog pang kapitbahay nila ay magigising sa lakas ng boses nito.

     "Bebang, ano ba? Tanghali na anak Bumangon ka na riyan at baka malate ka na naman sa eskuwela!"

     "Nariyan na po!" tugon naman niya.

 Bumangon na siya at sinimulang ayusin ang kanyang higaan. Kinuha niya sa ilalim ng kanyang unan ang litrato ni Vince na ibinigay sa kanya ng bestfriend niya. At hindi niya napigilang kiligin nang mapagmasdan ang guwapong miukha nito.

Mapungayang mga mata nito. Makinis ang kutis, matangos ang ilong, at mapuputi at pantay-pantay ang mga ngipin. Hindi nakapagtatakang binansagan itong "Campus Hearthrob"

Bigla ay naala niyang martes pala nang araw na iyon. Ang ibig sabihon ay makikita niya si Vince. Kaklase niya ito sa isang subject niya.

Sa edad na disinuwebe ay ngayon lang siya nakaramdam ng ganoong pagtingin sa isang lalaki. Sa katunayan, inalam niya ang lahat ng impormasyon tungkol kay Vince. Disinuwebe ang edad nito at pangalawa sa tatlong magkakapatid. Nninirahan ito kasama ang paternal grandparents nito sa White Plains. Ang lolo nito ay major stockholder sa unibersidad kung saan sila nag-aaral nito. 

   "Bebang bilisan mo riyan! Idadaan mo pa ang mga nilabhan ko kina Mrs. Fajardo!"

Si Mrs. Fajardo ay mama ni Shirley, ang girlfriend ni Vince. Halos apat na taon nang naglalabada sa mga Fajardo ang kanyang ina. Ngunit kahit maliit lang ang kinikita ng kanayang ina sa trabahong iyon sy hindi naman sila kinakapos. Palibhasa ay scholar siya sa sa unibersidad baon na lang niya ang kanilang pinoproblema. Graduating na siya sa Computer Science sa taong iyon.


My Love, My HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon