Mabilis na siyang nag-ayos at nagbihis. Pagkakain ng agahan ay nagpaalam na siya sa kanyang ina.
"Dalhin mo na ito," anito.
Isang malaking bag iyon puno ng mga nalabhang damit. Alam niyang karamihan sa mga iyon ay kay Shirley. Puro mga bago at nasa uso ang mga damit nito, palinhasa ay pinadadalhan ito ng pera ng ama nitong nasa Korea.
Siya ay nagkasya na lamang sa mga lumang damit, katulad ng suot niyang kupas na maong at T-shirt. Ganunpaman , hindi naman siya nagrereklamo. Iniisip na lang niya na kapag nakapagtapos na siya ng pag-aaral at nakapagtrabaho ay mabibili na niya lahat ng nanaisin niya.
"Ikaw na rin ang kumuha ng bayad anak. Diba sabi mo may bibilhin kang libro? Bawasan mo muna ang iyong ibabayad ni Mrs. Fajardo para mabili mo na yon."
"Opo, Inay." At nagpaalam na siya rito.
Ilang kanto lang naman ang bahay nina Mrs. Fajardo mula sa kanila. Ang bahay ng mga ito ang isa sa mga pinakamalaki sa kanilang lugar.
Ilang sandali pa ay
BINABASA MO ANG
My Love, My Hero
Ficção GeralMarami ang nagsasabing hindi maaaring bumaba ang langit sa lupa. Na kailanman ay hindi maaaring magsama ang dalawang mundong iyon. Basahing ang kwento nina Beverly at ni Vincent.