Chapter 2 (P.I.W)

6.3K 261 148
                                    


- - -

Lakad takbo ang ginawa ni kyra para agad makarating sa opisina kung saan siya nagtratrabaho, late na kasi siya.
First day pa naman ng bagong may ari ng kumpanyang pinagtratrabahuan niya kung saan nasa accounting department siya.

Walang nakaka alam kung sino ang bagong may ari ng kumpanya ayaw kasing ipasabi.

Simula ng lisanin niya ang maynila ay sa lungsod siya ng davao napadpad.
Nagtantrums na naman kasi ang anak niya ayaw magpa iwan sa kasama niya sa bahay  na si ria, at gustong sumama sa kanya.

Buti na lang at napapayag niya ito na isasama niya ito next time.

Kahit nagtitipid ay napilitan si kyra na magtaxi at baka pang nag jeep pa siya ay mas lalo siyang malate.

Tinanguan at binigyan niya na lang niya nang tipid na ngiti si mang jhonny ang mabait na security ng building.
Hindi siya magkanda ugaga sa paglakad dahil may dala siyang dalawang boxes nang cookies at muffins.
Nag order kasi si tessa sa kanya dahil birthday nang nanay niya.

Pandagdag kita din niya iyon araw araw siya may order mula sa mga kasama iyong iba iniiwan niya sa canteen nang kumpanya.
Kahit papaano nakakatulong ang paggawa niya nang mga ito sa gastusin nila.

Dinaan muna niya sa canteen ang ang isang boxes nag cookies at muffins babalikan niya na lang pag uwian  nang mga ito ang bayad.
"Oh bat ngayon ka lang?" Tanong sa kanya ni nanay Mina ang incharge sa kantina.
"May sinat kasi si ellijah nay ayon nagtatampo na naman." Lumapit siya sa matanda at nagmano dito.
"Kaawan ka ng diyos, Ganyan talaga pag bata kyra lalo na pag maysakit lalo na si ellijah na halos ayaw na humiwalay sayo." Nakilala na kasi ng mga ito si ellijah nang dalhon niya ito nang isang beses napagalitqn pa nag siya ni Madamk kaya mula non hindi niya na dinadala ang anak sa trabaho.

"May sakit gwapo ate?" Singit Leny sa usapan nila ni nanay mina nagtratrabaho din ito doon, Tumango lang at nginitian ito
"Daanan ko na lang mamaya nay di na ako magtatagal ngayon daw kasi ang dating nang bagong may ari  salamat nay" tumango lang ang matanda at si leny.

Katatapos niya lang ilagay ang mga gamit niya sa table niya ng tawagin na sila sa function hall ng building para salubungin ang bagong may ari ng dela paz building.

Tumabi siya ng upo sa kaibigan niyang si tessa,

''Bakit ngayon ka lang?
Bulong ng kaibigan sa kanya.

"Si elijah kasi kasi ayaw magpa iwan,may sinat kasi kagabi"

Napa iling na lang ang kaibigan alam niya kasi pag maysakit ang anak niya ayaw nitong iba mag alaga sa kanya.

"Saktong lang din iyong dating mo at wala pa si madam k, alam mo na hindi kumpleto ang araw non nang hindi ka pinagagalitan"

nakangising saad ni tessa.
Ang Madam K na sunasabi nito ay Ms.Manalo na head nang kanilang department nasa 50's na ito at matandang dalaga kaya siguro palaging mainit ang ulo sa kani baka nag me menopause na.
Madam k ang twag nila dito hindi dahil kirara ang pangalan nito kung hindi sa makapal na kilay nito.
"Dala mo ba ang order ko"mahinang bulong ni tessa. Tinanguan niya ito tumahimik.
Nasa unahan sila naka upo kaya kitang kita nila ang pagpasok ni madam vera ang pansamantalang CEO kasunod ang mga board of directors and members.

Napatahimik kaming lahat kilala kasi si madam vera na istrikto, muling bumukas ang pinto at iniluwa ng pintuan ang dalawang nka unipormadong mga lalaki na sa hula niya ay mga bodyguard hindi siguro basta basta ang bagong may ari dahil may mga taga bantay pa ito sa labas at natanaw din niya kanina bago siya umakyat sa opisina ang nagkalat na mga lalaki sa baba

"Presidente siguro nang pilipinas ang bagong may ari" mahinang bulomg ni tessa sa kanya., na binigyan niya nang nagtatanong na tingin.

"Tingnan mo naman daig pa ata nito ang presidente sa dami nang mga tauhan nito na nakabantay"
Nilingon sila ni madam k na masa unahan din nila at tinaasan sila nang kilay.

Binuksan ng mga ito ang pinto at pumasok ang isang may katangkaran at maputing lalaki kasunod ang dalawa pang guard.

nang humarap sa kanila ang lalaki na sa tingin niya ay ang bagong may ari ng kumpanya ay halos mahulog siya sa kinauupuan niya.
Nilingon siya ni madam k atsaka masungit na pinagsabihan.
"Pumirme ka nga wag kang uma ttitude dyan"
Yumuko na lang si kyra
Gusto niyang tumayo at magtago sa likod ng mga kasamahan niyang nakatayo.
Bakit naman kasi naisip niyang doon maupo.

but its too late to hide napansin na siya nito at mababakas sa gwapong mukha nito ang pagka gulat nang magtama ang kanilang mga mata.

Siya agad ang nag iwas ng tingin abot abot ang kabang nararamdaman niya,

Hindi niya akalain na pagkatapos ng mahigit limang taong hindi sila nagkita at ngayon nandito na sa harap ni kyra ang lalaking nagpalasap sa kanya ng tamis at pait ng isang pag ibig.
At dito pa talaga sila nagkita.

Ang gwapo at bata pa pala nang CEO natin binata pa kaya iyan?"

bulong na tanong ni tessa sa kanya na ipinag kibit balikat niya lang. At senenyasa na tumahimik at baka mapagalitan pa sila.

Matatalim na tingin ang ipinukol nito sa kanya tanda na nakikilala siya niyo, napayuko na lang siya at nagtago sa likod ng kaibigang si tessa.

Napaka liit nga ng mundo ang lalaking iniwasan at naging dahilan kung bakit napapad siya sa lugar ng davao ay nandito sa harap niya and the worst of it ay magiging amo pa niya.

Kakaiba talaga pag naglaro ang tadhana, pormal siyang ipinakilala ni Madam Vera bilang bagong may ari ng kumpanya.
"Goodmorning everyone siguro malaking adjustment ang gagawin natin pero isa lang ang gusto kapag dmginawa niyo nang maayos ang inyong mga trabaho ay magiging maayos tayo, gusto kapag oras nang trabaho gusto ddon lang ang focus niyo." Hayag nito sa malamig na tinig at magkasalubong na kilay.
Marami p itong sinabi May eri wala na roon ang ko sentrasyon ni kyra dahil kaba niya.

Pagkatapos ay nagsibalikan na sila sa kani kanilang mesa para mag umpisa ng magtrabaho.

Kakaupo niya lamg sa working station niya ng tumunog ang phone niya nang makita niya na si Ria ang tumatawag ay agad niya itong sinagot.

"Hello ri, napatawag ka?"
Naririnig niya sa linya ang boses ng anak na umiiyak.
" hello ate si kyro po kasi kanina ka pa hinahanap."

"Ok ibigay mo sa kanya ang phone at kakausapin ko siya sandali"

" sabi mo di ka aalis pero pag gising ko wala ka."hindi man nakikita ni kyra ang anak batid niyang naka simangot eto at tigmak nang luha ang mga mata.

"Wala ba munang goodmorning dyAn nakangiting saad niya, 'kinahanglan mo work si nanay para maka buy tayo ng milk mo atsaka diba may gusto kang bilhin na bagong toys hindi din kasi pwdeng umabsent si nanay ngayon anak diba bigboy ka na? at kapag bigboy naiintindihan niya lahat nang sinasabi ni nanay"

mahinahon na paliwanag niya sa anak,tumahan nmn ito sa pag iyak, kina usap niya si ria kung wala na ba itong lagnat at thanks God ok na daw ito.
"Hello love, ibaba ko na ha kailangan ko nang mag work, behave ka i love you."

Kausap niya sa anak,

Nang biglang may tumikhim sa likod niya, paglingon niya si Madam Vera kasama si brent at si madaming k kulang na lang ay lapitan siya at sabunutan, -at si si brent na matamang naka tingin sa kanya at hindi maipinta ang mukha.

- - -

Follow me on Twiiter
@Yajnna2013
Edited (3.15.2020)
❤️
......01.31.16......

"Perfectly Imperfect Wife"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon