Chapter 12

1.9K 91 57
                                    

- - -

Kyra POV.........

Kahit papaano ay nagamay na ni kyra ang trabaho niya, so far okey naman ang naging relationship nila bilang boss employee.

Naging payapa at maayos ang trabaho niya iyon nga lamang sinusumpong minsan nang sapak sa utak ang boss niya, pero na hahandle niya naman at napagpasensyahan naman niya.

Buzy si kyra sa ginagawa niya at may kausap naman na kliyente ang boss niya sa loob nang opisina nito at hindi niya namalayan ang dalawang nilalang na lumabas mula sa elevator nagulat na lang siya nang may bag na padabog na nilagay sa harap nang mesa niya.

"What the hell are you doing here bitch?" Galit na bungad ni Selena sa kanya.

Na ikinagulat ni kyra agad siyang napatayo sa kina uupuan at sinipat ang dalawang peste este tao sa harapan niya.

"Goo..Good morning po Madam,Ma'am!" Hindi niya maiwasan ang mautal pero Magalang na binati niya ang mga ito pero naroon ang malakas na pintig nang puso na pinaghalong takot at kaba.

'MUkhang may trauma siyang inabot sa dalawang ito hindi kasi maganda ang huli nilang pagkikita.

Tiningnan siya ni madam bridgette mula sa paa hanggang ulo at tininganan na may pag uuyam.

"Bat nandito ka? Asan ang anak ko.'"
Tanong nito at aakmang papasok na saloob anng opisina dali daling tumayo
Si kyra at pinigilan ang dalawa.

Kabilin bilinan kasi ni brent na hwag siyang disturbuhin nang kahit sino dahil malaking kliyente daw ang kausap nito.

"Ah mam pasensya na po kasi bilin ni sir bawal siyang distorbuhin nang kahit sino." Pigil ni kyra sa dalawa.

"At sino ka? Ina ako nang may ari nang kumpanyang ito at empleyado ka lang kaya kung ayaw mong makatikim ulit sa akin umalis ka dyan."nanlilisik ang mga mata nito sa kanya.

"Sorry talaga mam..." hindi na natapos ni kyra ang sasabihin nang bigla na lamang siyang sampalin ni madam bridgette at sa sobrang lakas na pagkakasampal nito ay halos mabingi siya.

Nakita niya pa si Selena na nakangisi habang nakamasid sa kanilang dalawa ni madam bridgette.

Bigla na lang hinila ni Selena ang buhok niya atsaka binuksan ang pinto atsaka siya tinulak papasok sa loob sa lakas nang pagkakatulak sa kanya ay tumilapon siya malapit kung saan naroon ang bisita ni brent tumama pa ang ulo niya sa dulo nang lamesa napaigik sa sakit si kyra at sandaling umikot ang paningin niya, naroon ang pagkagulat ng mga tao na nasa loob dahil sa nangyari.

Agad tumayo si brent at inawat si selena nang tangkain nito na sugudin siya hindi siguro nito napansin ang mga kausap ni brent sa loob.

"Walang hiya kang higad ka inaahas mo ba ang Fiancée ko?"galit na saad nito na nagpupumilit na abutin siya.

Sobrang sakit nang balakang ni kyra dahil sa pagkakabagsak niya inalalayan siya ni Mrs. Santos sa pagtayo asawa ito nang kliyente ni brent.

"Are you okey iha? Oh my God your forehead is bleeding" nataranta ang ginang agad siya nitong pina upo at kinuha nito ang panyo na nasa bulsa nito at agad tinapal sa noo niya na ngayon lang naramdaman ni kyra na may dugo ngang umaagos doon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Perfectly Imperfect Wife"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon