Kabanata tres

176 6 0
                                    



//Other side//

Elmo's

Bagong salta ako dito sa Maynila, sa Taguig. Ang katunayan taga-Nueva Ecija ako. Dulot ng mahabang biyahe at gutom, dumretso ako sa isang mall. Mukang bago itong mall dahil walang mga tao, pero bukas na ang mga stores at restaurants. Hindi naman ako masyadong inosente sa mga makabagong kaganapan dito sa Urban, dahil sa lungsod o sa bayan din ako nakatira sa Nueva ecija.

Gutom na ako naghahanap ako ng pwedeng makainan, nakita ko yung Sbarro, isang italian resto At nagpasyang dun nalang kumain.

Mabilis lang akong kumain dahil maghahanap pa ako ngg matutuluyan dahil wala naman akong pamilya o kahit kakilala manlang dito sa Taguig.

Matapos akong kumain dumaan muna ako sa comfort room nitong sbarro bago maghanap ng matutuluyan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, sa pagpihit ko ng doorknob ng cr e, may tao pala sa loob. Yung babae, juskolord. Umiihi pa, nakakahiya!

"Lord, pwede bang kahit ngayon lang lumubog ako sa kinatatayuan ko?" bulong ko sa isip ko

Nagulat siya, pero mas nagulat ako.

"Lord, hindi ko po sinasadya patawarin niyo po ako. Alam ko pong masama na makakita ng ganun, lord. Yung lamona!" Hala, nababaliw na ako, nakakahiya kasi talaga.

Hindi ko sinasadya. Hindi ko naman alam na may tao pala sa loob, dulot ng hiya, dali dali akong lumabas ng resto at naghanap nalang ng ibang comfort room. At baka mahanap pa ako nung babae, nakakahiya ano!

Pero ang ganda nung babae. Pero nakakahiya parin! Napasabunot nalang ako sa sarili ko ng hiyang dinadala.

Maghahanap narin ako ng trabaho para mapadali ang pamumuhay ko dito. Actually may pinag-aplyan na ako, sa internet lang. Naghahanap kasi ng magiging assistant manager, hindi ko alam kung tanggap ako dahil sinabi itetext nalang daw ako kung ok na, kung may resulta na daw. Dahil mataas naman ang pinagaralan ko saprobinsiya, iniisip kong madali na iyon para sakin.

||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
back to Julie's

Saturday morning at trabaho nanaman. I checked my phone and saw my manager's text message to me.

Nakahilatay pa ako sa kama nang mabasa ko ang text ni Sir Jay sakin. Umagang-umaga siya agad bungad! 

"Julie Anne, biglaan lang ito, my mother in London needs me. Right now. I have to go to London, as soon as possible. As in kahit ngayon na. Please reply to me ASAP. I have to talk to you, papunta na akong condo mo" text niya sakin.

Whaaaaatttt? Di pa ako nakaayos dito! Nakakahiya sa manager ko no! Dali-dali kong ginawa ang aking mga morning rituals at nag-ayos ng condo. 


Pagkatapos kong maligo at magayos ng condo ko, naghanda narin ako ng pagkain. 

Tok tok 

"Julieeeeee!" Ayan na si sir jay. pinagbuksan ko siya, at pinatuloy sa kaharian ko. Hahahahahah nababaliw n anaman ako, sarreh guys! 

"Ano po bang pag uusapan natin ngayon sir jay?"

"Balak ko kasi sanang magkaroon ng maiiwan sayo, para may kasama ka" 

"Sino po?" tanong ko sa kanya 

"Yun nga yung problema e, wala pa akong nahahanap na makakasama mo. Ngayon ganito, magtatanong tanong ako sa mga kakilala ko, basta hahanapan kita dahil matagal akong mananatili doon." 

"Sige po, sir jay!" Masaya kong sabi sakanya, mejo heksayted ako e. Bakit ba!? Kasi mahigpit si Kuya Jay saken, e kapag wala siya edi malaya ako, Hahhahahahahahahaha

"Osiya, dahil hahanap pa ako ng maiiwan sayo dito sa makalawa na ako aalis.Mauna na ako, magingat ka lagi, Julie Anne nako ha!" 

"Opooooo..." Hays si kuya Jay talaga, kahit kailan. 




Itutuloy............



A/N: super short update, babawi po! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pain Ends (A JuliElmo Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon