Throwback...Katorse pa lamang ako noong...
Nagising ako nang makarinig ako ng ingay. Hindi ko na nagawa ang mga karaniwan kong ginagawa tuwing umaga, lumabas ako ng kwarto ko ng antok na antok pa. Nawala ang antok nang makita ko ang daddy ko na nasa strecher na... Kumabog ang dibdib ko. Dali-dali akong bumaba ng hagdan namin at tinanong ang mommy ko--
"Mommy, what happen?"
Naiyak si mommy at nanginginig na hinawakan ang aking munting mga kamay.
"Baby, yung daddy mo kasi e" Naiiyak na rin ako, ayokong nakikitang umiiyak si mommy.
"Patay na ang daddy mo, julie"
"What? Noooooo!!! Gising ka jan dadeeehhh!" lumapit ako kay daddy at sinusubukan kong buhayin siya.
"Daddy! Huuhuhuhuuuu" iyak ako ng iyak, tuluyan nang kinuha ng mga medic ang daddy ko, at si mommy napasalampak nalang sa sahig habang umiiyak.
Namatay ang daddy ni julie, dahil sa Stage 4 Lukemia, alam nila na may lukemia ang daddy niya ang alam nila nagpapachemo pa ito. Napagalaman nalang nila nang ma-autopsy na ang daddy niya na tumigil na pala ito magpa-chemo. At ang masaklap pa dun ay marahil ginusto na nitong mamatay.
Lumipas ang mga linggo kapansin-pansin ang malaking pagbabago sa buhay ni Julie.
Mas napalala pa ang sitwasyon ng madatnan nila ang mommy niya sa kwarto nito na nakahandusay at ay hawak na mga gamot... Nag-pakamatay ito dahil sa depresyong dinadala. Na-overdose ito sa mga kung ano-anong gamot.
'Yan ang mga ala-alang nagmistulang bangungot sa buhay ni Julie..
--
"PATAY NA ANG DADDY MO, JULIE!"
"MOMMY! BA'T NIYO AKO INIWAN"
"Aaaaaaaaaggggrrhhhh!"
Hanggang kelan ko pa ba mapapaniginipan yung pagkamatay ni mommy at daddy! Aish! Hanggang ngayon hindi mawala sa isipan ko ang tanong na
"Bakit nila ako nagawang iwanan?"Umiyak ako ng umagang iyon, hanggang sa nakatulugan ko na ang pagiyak dahilan para matanghali ang gising ko.
Alas diyes na ng magising ako at ...
"Patay, may photo shoot pa naman ako today" bulong ko sa sarili ko.
Nagmamadali akong naligo at nagayos ng kaunti saka na pumunta sa venue ng shooting namin. Habang nasa traffic ako, tinext ko yung handler ko, sermon session nanaman ako niyan mamaya e.
"Sir jay! Sorry late ako makakapunta jan sa location natin, kagigising ko lang po but I'm on my way na po. Traffic as always" text ko sakanya
"Aisht! Ikaw bata ka talaga o oh! Dumiretso ka na sa GMA, sunrise ang kukunan natin kanina, pa-sunset na! Susko ka! Btw, I have a good news! I'll tell you later, bilisan mo" reply ni sir jay sakin. Nako, patay na hahaha!
Diba? Muka lang akong masaya pero hindi talaga ako masaya dahil may iniinda akong sakit at pighati sa puso ko.
Pssshhhh! Cut the drama... Maaga pa para magdrama ako dito. Hahahaha
Napatawa nalang ako sa sarili ko dahil muka akong praning na kinakausap ang sarili.
Oooooppsss! Bago ko makalimutan, traffic pa naman e. Magpapakilala muna ako sainyo.
I'm Julie Anne Penaflorida San Jose or JAPS, also known as the "Asia's Diamond Pop Princess" sa Pilipinas kahit siguro yung mga nagkalat na badyao jan sa tabi tabi ay kilala ako. Tama... Isa akong artista, Sikat na artista. Na-feature na rin ako sa hollywood ngunit mas pinili ko mag-trabaho dito sa Pilipinas. Wala naman masyadong storya at binatbat yung buhay ko. I'm leaving on my own. Wala na si mommy at daddy. Unexpected ang pagiging artista ko dahil nadiscover lang ako ni Sir Jay, basta next time ko na ike-kwento.
Dumating ako sa GMA ng mag-aala una. Sa elevator, Buti nalang ako lang magisa, dineretso ko na sa floor 27th. At dali daling nagpunta kay sir jay.
--
"Oh hi! Julie! Aga mo ata?"
"Eeehhhh, Sir jay naman e"
"Ang aga mo para bukas, osiya sige na eto na ang pagmemeetingan natin, Julie, a famous clothing line want you to have a billboard on Edsa. Ok ba sayo?"
"Oo naman po, okay lang"
"Medyo daring yun, gusto mo parin?"
"Okay lang po, wala namang magagalit"
"Okay then..."
Nag-meeting at nagusap usap pa kami kasama ang iba pang managers ng GMA tungkol sa kung ano anong bagay.
Pagkatapos ng mahabang chikahan at meeting chuchu, nagyaya ako sa mga aking butihing kaibigan para samahan ako, magmall. Mayroon kasing bagong mall sa Taguig at wala pang masyadong tao, pagkakataon ko para makapagshopping ng bongga to.
Dialing my dear bestfriend, Maqui.
"O BAKIT NANAMAN HA, JULIE ANNE?" mejo mataray na sagot ni Maqui saken
"Grabe ka, Maqui! Ganyan na ba ang bagong hello ngayon?"
"Ay, sorry ha? Mahal na prinsesa, Julie, ano pong ipaglilingkod ko sainyo?" pabirong saad niya saken, kahit kelan talaga baliw to
"Che! Tumigil ka nga, samahn mo ko magmall! Pleasseeee?? Pretty please??"
"Eh, tinatamad ako! Chill chill lang sana ako dito sa house oh!"
"Nubayan, sige na kasi bessyyyy!!! Sige ka, 'di kita ipapakilala kay Gino"
Hahahaahahahaha si Gino kasi ay isa sa mga nakatrabaho ko, director aiya at siya ang ultimate crush ni Maqui, kaya minsan panakot ko rin kay Maqui na 'di ko siya ipapakilala dito, hindi pa kasi nagkakaroon ng pagkakataon na mapakilala ko siya dahil busy si Direk Gino.
"Oo na sige na! Malakas ka saken e, basta libre mo ah!" Oh tignan niyo?! Pumayag agad ang loka loka!
"Anong bago ha, marie frencheska?!"
"Wala! Oo na, sige kita nalang tayo dun sa mall! Love you bessyyy!"
"Bye na! Oh love yoh toh! Hahahaha siraulo!"
--
Sa MallKakadating pa lang namin sa mall nang...
"Maq, kain muna tayo please?"
"Jusq ka, hulyitah! Lagi nalang! Hindi na tayo nakapagshopping ng maayos!"
"Eh love mo naman ako diba!"
"Oo na, san tayo?"
"Sbarro please, I want pizza"
"Lagi naman e, leggo!"
At nagtungo na kami sa Sbarro. Habang kumakain nagkekwntuhan lang kami, masaya at maharot. Cariño brutal kasi to si Maq e. Tapos may mga lalaking tingin ng tingin samin, mukang nakikilala ako. I feel uncomfortable, kaya nag-cr muna ako.
Habang nasa cr ako, may bastos na biglang nagbukas ng pinto ng comfort room.
Nasapo ko nalang ang ulo ko"Ay, tanga ka talaga julie! Nakalimutan mo pang i-lock ang pinto"
Gosh! Nakita ako nung guy, habang umiihi! Nakakahiya, letse! Patay sakin yun, di manlang kumatok. Para manlang malaman niya kumg may tao o wala sa loob! Buti nalang naisara ko agad yung pintuan at di natuloy ang pagpasok nung lalaki!
Btw, isa lang kasi cr sa Sbarro dito and for men and women na.
Paglabas ko sa cr, hinanap ko yung lalaking walang modong pumasok at di manlang nagawang kumatok sa cr kanina. Ngunit nabigo ako at di ko nahanap. Bumalik nalang ako sa table namin ni Maq at umaktong parang walang nangyari. Patay yun sakin pag nakita ko yun.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Pain Ends (A JuliElmo Fanfiction)
Fanficpain noun \ˈpān\ :mental or emotional suffering or torment Why can love be so PAINful? Well according to Frank Underwood, from "House of Cards" famous line ;"There are two kinds of pain: the sort of pain that makes you strong, or useless pain; t...