CHAPTER FOUR

873 19 4
                                    

XiAN'S POV:

Habang nagbibihis si Kimberly sa kwarto niya, lumapit ako sa bintana ng apartment niya. Nakita ko yung isang owner. Actually, kahapon ko pa talaga yun nakita hindi ko lang pinansin. Pero bakit hanggang ngayon nandito pa rin sila ? Hindi kaya si Kimberly talaga ang inaabangan nila ?

Isinara ko ang kurtina ang lumapit naman sa pinto ng kwarto ni Kimberly at kumatok.

" Kimberly !! Kimberly !! "

" Bakit ? "

Binuksan niya amg pinto. Pumasok ako sa loob.

" Meron ka bang lapis para sa mata ? "

" Ha ? Bakit ? "

" Basta. Meron ka ba nun ? "

" Meron siguro. Pero bakit nga ? "

" Wag ka ng maraming tanong. Kunin mo na lang. "

" Sandali, "

Lumapit siya sa isang maliit na cabinet tapos may kinuhang isang maliit na bag.

" O, ito na. Aanhin mo ba talaga yan ? "

" Bakit asul ? Wala ka bang itim ? "

" Meron. Hindi mo naman sinabi eh. Ito oh. Xian, "

" Bakit ? "

" Hindi ka naman siguro bakla diba ? "

" What made you think that ? "

" Hindi mo naman kasi sinasagot ang tanong ko kung aanhin mo yang eye liner eh. "

" Ok, fine ! Merong umaaligid na lalaki dito. Nakasakay sa isang owner na kulay blue. Kahapon pa. Tiyak na ikaw ang pakay. Gusto kong komprontahin pero dapat ay hindi nila ako makilala para masorpresa sila. "

.

.

KiMBERLY'S POV:

Ibig sahihin, nakita din pala ni Xian ang sasakyan na yun na napansin ko rin kahapon ?

" Sigurado ka ba talaga na masama ang tangka ng mga yun ? "

" Listen, kahapon ko pa sila napansin. Kaya nga dito ulit ako natulog. Ayaw siguro nila akong idamay sa gagawin nila sayo dahil takot sila sa komolikasyon. Ngayon, hindi titigil ang mga yun hanggat hindi nahuhuli. "

" Tumawag na lang tayo ng pulis. Kaibigan mo naman ang isang pulis dun diba ? "

" Wala naman akong katibayan sa kutob ko. At kapag nakita ng mga tauhan ni Demon na may pulis dito, hindi na sila lalapit. "

" De mabuti. Safe tayo. "

" Hindi mo naiintindihan. Palilipasin lang nila ang ilang araw tapos babalikan ka na ulit nila. By that time, hindi na tayo paniniwalaan ng mga pulis dahil wala namang nangyari ng alertuhin natin sila. Hindi na tayo makakahingi ng proteksyon. "

" Akala ko ba pupunta ako ng Boracay para hindi ako masundan ni Demon ? "

" Oo nga. Pero mas maganda kung makokompronta ko sila ngayon. Makikita ko ng husto ang mga anyo nila at ng maipa blotter ko. Ihanda mo ang cellphone mo. Kapag kumindat ako sayo, tumawag ka agad ng pulis. Okay ? "

Humarap si Xian sa salamin tapos ginuhi tan ang itaas ng labi.

" Delikado yata ang iniisip mo, Xian. Saka, tabingi ang bigote mo. "

" Ikaw nga. "

Kinuha ko yung eye liner sa kanya pero hindi ko pinagpatuloy ang ginagawa niya.

" Paano kung mga armado sila at mapatay ka pa ? Mahal ang kabaong ngayon. "

i Love You, You Love Me ( KiMXi SHORT-FANFiC )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon