CHAPTER ONE

1.4K 24 3
                                    

It was 6:30 in the morning. Kasabay ng pagbukas ng mga mata ni Xian ay ang pagtunog din ng kanyang cellphone. Alert iyon na ibig sabihin ay may natanggap siyang text message. Nung nakaraang buwan lang ay may isa siyang empleyado na nagtitinda ng cellphone sa opisina niya. At sa awa niya, bumili na rin siya ng isa. Pinalipas niya muna ang ilang minuto bago tuluyang bumangon. Mayamaya lang ay tumunog na naman ulit ang cellphone niya kaya bumangon na rin siya para tignan ito. Tumayo siya at lumapit sa isang maliit na lamesa na nasa gilid lang ng kama niya at dinampot ang bagong biling cellphone na 3510. Tatlo ang cellphone niya pero mas gusto niyang gamitin ito. It was very simple hindi katulad ng ibang cellphone. Mas madali din kasing gamitin. Pinindot niya ang button na OK at wala pang isang minuto may lumabas na sa screen ng cellphone niya. Message iyon sa kanya ng kanyang secretary. Binuksan niya naman ang pangalawang message na natanggap niya. Tulad ng inaasahan, galing iyon sa taong palagi niyang nakakatext. Hindi niya ito kilala. Siguro dahil hindi rin ito nagpakilala sa kanya. Noong una, medyo nainis pa siya sa inakalang pinagtitripan lang siya ng kung sinong Poncio Pilato. Pero sa katagalan, nakuha niya na ring magrelpy sa mga messages nito. At dahil nga hindi ito nagpakilala sa kanya, pinangalanan niya na itong sweet cake. Malambing kasi ito minsan kung magtext sa kanya. Napaisip siya tuloy. Babae ba talaga tong ka text niya o binabae ? Hindi rin naman siya nag aksaya na alamin pa kung sino ang nagmamay ari ng number na nakakatext niya. Nakuntento na lang siya.

" KNOCK ! KNOCK ! OPEN THiS HEART AND LET ME iN, GUD AM. "

Yan ang text sa kanya ng taong tinawag niyang "sweet cake" . He smiled and knew the woman was creative, dahil kung hindi, hindi rin naman siya mahuhumaling na abangan ang mga messages nito bawat araw. Pumindot ulit siya sa keypad niya at nag reply.

" LiL BiRDiE DROPPED POOPiE iN MY EYE, i DiDN'T SCREAM, i DiDN'T CRY, i JUST THANK GOD THAT COWS DON'T FLY. BE SURE TO THANK GOD FOR SMALL BLESSiNGS, GUD AM. "

Then he press another button. SEND.

Iniwan niya ang cellphone niya at dumiretso sa banyo para maligo. May appointment siya kaya maaga pa lang dapat nasa opisina na siya.

After 20 minutes, nasa loob na ulit siya ng kwarto niya. Nagbibihis. Pagkatapos nun, dumiretso na siya garahe kung saan naka park ang sasakyan niya. Almost 30 minutes na pagmamaneho, nakarating na siya sa opisina niya.

" Sir, natanggap niyo ang message ko ? "

Tanong agad sa kanya ng isa niyang empleyada.

" Di ko yata na receive. Anong oras mo pinadala ? "

Halos lahat ng mga empleyado niya ay close sa kanya. Hindi naman kasi siya ang tipo ng boss na super istrikto. Mas naniniwala kasi siya na kapag napapalapit at nakikihalubilo ang isang amo sa mga empleyado ay lalong mas gumaganda ang trabaho. Lahat masaya.

" Around nine o'clock. "

" Ah, yes, I've received it. "

" Bakit di kayo nag reply ? "

" I was busy. "

" Busy kay Iya. Pakisabi sa kanya Sir, napaka swerte niya. "

Ang Iya na tinutukoy nito ay kasalukuyang girlfriend ni Xian.

" Right. Please tell Marlon to see me, ngayon din. "

Si Marlon ay ang kanilang cheif accountant. Panahon na naman ng pagbabayad ng buwis at naglalaway na ang mga taga BiR sa kanila.

Tuloy tuloy sa paglakad si Xian patungo sa office niya mismo nang mapatingin siya sa isang desk. Busy ang babae roon. Titig na titig sa screen ng computer. Naisip niyang sana, lahat ng empleyada niya ay kapares ni Kimberly, talagang dibdiban kung magtrabaho at ito lang ang tanging empleyado niya na hindi maysadong at home sa kanya. Marunong itong tumingin sa awtoridad at may kusang palo.

i Love You, You Love Me ( KiMXi SHORT-FANFiC )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon