"Make sure na ok na lahat ha? Wala ka na bang nakalimutan? Ano pang gusto mong ilagay ko sa bag mo?" tanong sakin ni Yaya Pring habang isinasara yung bag ko.
Nilapitan ko sya at dahan dahang kinuha ang bag sa kanya "Ya, wala na po. Ok na ako. Hehe" sagot ko habang isinusuot ang bag sa mga balikat ko.
Narinig kong bumuntong hininga sya. "Naninibago kasi ako sa gaan ng bag mo eh. Usually hindi naman yan ganyan kaliit at kakonti ang laman. Mag aaral ka diba? Akala ko b---" tinakpan ko ang bibig nya.
"Ya alam nyo na diba? Wag mo nalang ipaalam kila Mama please? I just want to live normally. Buong buhay ko puro pressure nalang. Gusto ko rin maka experience ng maraming bagay" malumanay kong sabi habang nakayuko.
Nilapitan ako ni Yaya Pring at agad na niyakap "Alam ko yun. Kakampi mo ako diba? Nandito lang si Yaya tandaan mo" bulong nya habang inaayos ang buhok ko.
Si Yaya Pring nalang ang sa tingin kong kakampi ko. Yung parents ko nasa abroad nagtatrabaho. Bukod sa malayo na sila hindi kona alam kung bat ang layo na ng loob ko sa kanila.
Lagi nalang nila akong pinepressure sa pag aaral. Sabi kasi nila, kukunin na nila ako don para dun na mag college. Kaya kailangan kong pagbutihan.
Pero ngayon, sa tingin ko, wala na akong ganang pagbutihin pa ang pag aaral. Mas gugustuhin kopang maging kulelat kesa mag top 1 pero may natatapakan naman akong tao.
"Ya. Alis na po ako" sabi ko sabay halik sa pisngi nya.
"Mag iingat ka"
******
"May 3 new classmates kayo. Greet them and be nice to them. Please lang" sabi ng lalaking Teacher sa buong klase. Narinig kong nagtawanan ang mga students at nagsimula ng mag ingay.
Nanatili lang akong nakayuko. Mejo nahihiya ako kasi ako lang yung transferee na babae at sa tingin ko parang nagsisitinginan silang lahat sakin.
"Pakilala na kayo guys" aya ng teacher na lalaki samin. Sa pagkakatanda ko, Mr. Son ang tawag sa kanya. Ang cool nya since mukha panaman syang bagets.
Nag step forward agad ang isa kong katabing transferee at mabilis nyang ipinakita yung malapad na smile nya.
"Hi everyone. My name is Jimin" pakilala nya sabay bow at step backward. Nakita kong nagsitilian ang ilan sa mga babae. Tsk. Gwapo alert nanaman.
Napatingin ako sa katabi kong hindi pa nakakapagpakila at napansin kong ganon rin pala sya sakin. Siguro ay katulad ko, nahihiya rin sya.
"Pre mauna kana. Gentleman first" biro ni Mr. Son habang tinatap sya sa balikat nito.
Muling tumingin sakin yung lalaking katabi ko. Sa totoo lang ang tangkad nya. Feeling ko hanggang balikat nya lang ako. Bat ba kasi hindi ako pinagpala masyado sa height? T____T
Narinig kong napabuntong hininga sya bago nagpakilala.
"My name is Jin" matipid nya lang na sabi sabay yuko. Ang silent type nya. >_<
Muli akong tumingin sa mga kaklase ko ng maramadaman kong ako na ang susunod. Sino pa ba? Ako nalang naman na diba???
BINABASA MO ANG
Love Yourself (BTS jungkook)
FanfictionA story of Jeon Jungkook being the top student and a girl who's pretending to be dumb just to experience the feeling of being the last and to runaway from her past. "Love Yourself" written by @Taehyungswife