Nag simula sa TEXTMATE, hanggang umabot sa puntong naging ENEMIES at kahit mahal na nya AYAW AMININ, kaya anong ENDING?Janah De Guzman=19yrs.Old.Maganda at practical kung mag isip at hindi agad mawawalan ng pag-asa hanggat kaya pa.
Zack Louis Montero=21yrs.Old. CEO ng isang sikat na company(Montero company).Gwapo at mayaman..Chapter 1:
Janah's POV
urgh.. lilipit na naman kami ng bahay kasama ang Lola ko. Nakakainis lang kasing isipin sa daming apartment na tinitirhan namin ng lola ko ay puros KAMALASAN nalang ang nangyayari sa buhay namin and the common reason ay HINDI NAKA PAG BAYAD NG MAAGA!kaya ayun pinalayas ng MAAGA! (how great right?) at ma babansagan narin kami ng lola ko na isang N.P.A(No Permanent Address) -_-... Pero sabi ng Best-friend ko na si Alice may kakilala raw syang nag papaupa ng bahay kaya patungo na kami sa bahay na sinasabi nya after e txt ang address. Take note:hindi subdivision.
Sa totoo lang kasi rumaraket lang ako para magka pera, para sa gastusin namin araw-araw at pati narin sa pag-aaral ko pero kunting tiis nalang gra-graduate na ako(4th yr.collage kasi ako) kaya tudo sikap ako dahil wala na kasing magulang na sumusuporta saken kasi ang sabi ni lola sanggol palang raw ako iniwan na ako ni mama sa kanya dahil nag hiwalay sila ni papa, pagkatapos, umalis si mama patungong saudi para mag trabaho at na balitaan nalang ni lola na may iba ng pamilya si mama sa labas at hindi na ako binalikan, kaya sa araw na nalaman ko ang katotohanan ipinangako ko sa sarili na ikamumuhian ko siya. Pero kahit ganon ang nangyari nag papasalamat ako na may Lola akong kayang ibigay ang pagmamahal na HINDI kayang ibigay ng aking magulang... kaya TAMA NA ANG DRAMAHAN .hahaha...
*******
Hindi ko namalayan nakarating na pala kami ni lola sa bahay na sinasabi ni Alice at ang gaga naghintay pala, kaya agad akong bumaba sa taxi kasunod si lola at kinuha ko ang manga gamit na dala namin.
"Hoi bruha ba't di mo sinabi naghintay ka pala?"
"Excuse me? Kelangan ko pa bang e inform sayo? Ehh so obvious naman kaya na pupunta ako kasi ako lang ang nakaka kilala ng may-ari ng bahay nato."-Alice
"Oo na oo na! ang dami pang sat-sat ehh! Pasok nanga tayo dahil pagod na si lola"
Tiningnan naman namin si lola na halatang naiinip na kaya sabay nalang namin' nginitian.
Pagpasok namin sa loob ng bahay inikot ko yun' paningin ko habang inilagay ang manga gamit sa sahig.
Simple lang naman sa loob maaliwalas at walang gaanong gamit and good for two person ang kwarto at isang maliit na C.R
at banyo kaya okay na'to para samin.
Napalingon kami sa isang babaeng nag-salita sa likod namin na medyo may katandaan na (nanay ata ng kaibigan ni Alice)
"Oh, ano okay naba 'to sa inyo?"
Sabi ng may-ari ng bahay.
"Hmm.okay na po, pero ilan po bang babayaran namin every month?"
"One -thousand, pero... wag kayung mag-alala kompleto na lahat rito, may kuryente, tubig,kusina, banyo,C.R at sala.. o diba?"
May tama naman sya kesa don sa huling apartment na tinirhan namin ang may-ari napaka swapang at maabuso kapag malaman nyang may pera ka sisingilin ka agad kahit hindi pa ka bwanan(excited lang kasing tumanggap ng pera)."Sige po."
Dumokot ako ng one-thousand sa wallet ko at ibinigay sa may-ari.
"Heto po pa una" agad nya naman itong kinuha.
"Sige salamat, at mauna na ako kayo na ang bahala rito"
Sabi nang may-ari at umalis na.
"Hmm. Lola pahinga na po kayo ako na po'ng bahalang mag ayos sa manga gamit natin"
Ngumiti naman si lola.
"Sige apo, sabihin mo lang saken kung may kailangan ka"
Tumango lang ako at pumasok na si lola sa kwarto.
"Ahmm.. bruha alis na ako"
Sabi ni Alice.
"Huh? Agad-agad?"
Tingnan mo 'to pupunta rito tapos aalis agad? Tsss.
"Oo ehh, but don't worry hindi magiging boring ang life mo dito dahil may kapit bahay kayong...."sininyasan nya akong lumapit ng malapitan sa kanya at bumolong.
"Isang...HOT"
biglang napalaki ang mata ko at binatukan sya.
"Ouch!! Masakit huh!?"
Sabi nya habang hinihimas-himas ang batok.
"Ehh ano naman ang connection sa Hot na kapitbahay!? Hah aber!?"
Ngumisi sya ng pagkalaki-laki.
"Hehe.. never mind , pero HOT talaga sya kaya lang sabi nila masama daw ugali kaya I guess hindi kayo magiging kaibigan non.. sige alis na ako babye"
Sabay hug saken at may pahabol pa ang bruha bago maka labas.
"Babalik ako..."
At tuluyan ng umalis. Hayy same as usual tahimik nanaman ang life ko dalawa lang naman kasi kami ni lola alangan namang si lola ang ka kwentuhan ko !?, ehh, If I know about old generation lang ang e totopic non -_-...
Pero biglang nag sink-in sa utak ko ang sinabi ni Alice kanina about sa kapitbahay naming...HOT!? Psh.. ano kayang itsura non? At gaano sya ka HOT? hahaha sorry curiousity kills kasi ehh :) pero masama nan ang ugali, tss.USELESS.
******************************Sige readers comment lang kayo if hindi maganda hehe :) pasensya na first time ko pa kasi to kaya pag pasensyahan nyo nalang ang lola nyo huh? hahaha :) :)
Sige thanks...
YOU ARE READING
'Hey! Mr.Textmate'
RandomPara sa mga Tao'ng nakahanap na ng ka forever at nag umpisa lahat sa textmate hanggang sa nagka tuluyan. Ma-aari nyo ba 'tong basahin? Sa mgA nakaka relate.