Ang lampara at ang gamo-gamo
Para kang isang gamo-gamo
at ako naman ang lamparakatulad ng gamo-gamo
hilig niya ang kaanyuan
at liwanag na taglay
ng isang lamparakahit na alam niyang maari
siyang mapahamak at masaktan
sa pag dikit niya ditopilit at patuloy niya
pa rin itong ginagawamahirap para sa isang lampara
makitang nasasaktan ang
kawawang gamo-gamowala siya magawa kung hindi
mapanood lang ang pagdurusa
ng munting gamo-gamohabang unti unting nanghihina
ang kanyang maliit na katawan
hanggang sa tuluyan na
itong mahulog at mawalan
ng mga pakpakkung pwede lang sana saluhin
ni lampara sa pagkahulog
si gamo-gamomatagal niya sana itong
ginawakung pwede lang sana
kung pwede lang...
CZYTASZ
All about LOVE
LosoweMga hugot na hindi ko din mawari kung saan ko ito nakuha basta ang alam ko mula lahat sa puso ko ang mga ito.