Chapter 1 - First Day

23 0 0
                                    

Rafi's POV

Krrring.... Krrring... Krrring...

Napamulat agad ako ng marinig ko ang alarm clock ko. It's 5:00 in the morning and guess what? First day ko ngayon as a Fourth year high school student sa Greenfield University.

Nakakatamad, hindi ko pa masyadong nafefeel ang bakasyon. Kung pwede lang sana magtext sa 8888 ng EXTEND BAKASYON. Pauulit-ulitin ko yan, panigurado! Hahahaha

Bzzzt... Bzzzt... Bzzzt...

Fr: Bessy
Bessy! Pasukan na naman, kinakabahan ako huhuhuh :'( Anyways, sabay tayo, ha? :*

Bessy, siya si Carmella Marquinez, ang aking Best friend since grade 5. Simple, pero medyo may kaartehan din. Masayang kasama at kasama ko sa lahat ng trip, kumbaga, partners-in-crime. Hahaha, Magkaibigan din ang mga magulang namin kaya parang kapatid na ang turingan namin sa isa't isa.

To: Bessy
Okay, see yah! :*

At pagkatapos ko siyang replyan ay bumangon na ako at nag-ayos na para sa pagpasok.

6:10 na nang matapos ako mag-ayos, Ayy grabe! Ang bagal ko talaga. 7:00 ang pasok ko e. Kaya bumaba na ako at nagtungo sa kusina kung saan nandoon si Mommy.

"Hi mom!" bati ko sa kanya

"Oh hello there, Iha!" Sabay beso ni mommy sakin ^.^ "Mukhang tinanghali ka a, umupo ka na jan at kumain, baka malate ka pa, First day mo pa man din ngayon"

Alam ko naman na hindi papayag si mommy ng aalis ako ng bahay na hindi nakain, kaya mabilis akong kumain at umalis na ng bahay. 6:30 na ng makaalis ako sa bahay, 10-15 minutes lang naman ang biyahe mula samin hanggang sa school.

Bzzzt... Bzzzt... Bzzzt...

Fr: Bessy
Bessy! Here na me, Where na you? XD bilisan mo naman, baka malate tayo

To: Bessy
Jeje! Malapit na, just wait. Hahaha

And after 15 minutes nakarating din ako. 6:45 na ng makarating ako.

"Wow, grabe ka oh! Antagal mo" salubong ni Carm nung makita niya ako. "Tara na, malate pa tayo!" At ayun hinila na nga niya ako -_-

Pagdating namin sa room ay naglalabasan na ang mga kaklase namin para umattend ng flag ceremony.

At dahil nga first day of school, kanya-kanyang pili ng upuan, as usual. At dahil late kami, sa likod na lang may bakante kaso hindi naman magkatabi.

"Oy bessy, ano ginagawa mo? " kunot noong tanong ko sa kanya, ilipat ba naman yung isang bag ng katabing bakanteng upuan doon sa isang bakanteng upuan na dapat uupuan ko. Hay nako.

"Nilipat ko, para sayo... para tabi tayo! Hihihi" ^_^ pacute niyang sagot. Psh. Kaya dun ko na nilagay yung bag ko sa tinanggalan niya ng bag.

"Tara na nga, puro ka kalokohan" At ngayon, ako naman ang nanghila sa kanya papunta sa grounds.
~ ~ ~ ~ ~
Ang tahimik naman, ano ba yan. Makapag-soundtrip nga muna. Kinuha ko earphones ko sa bag at sinaksak sa phone at nag-umpisa ng makinig ng music, wala pa namang teacher e. Hahaha

Habang feel na feel ko ang music, may isang lalaking tumayo sa harap ko kaya napatingala ako, ni-pause ko ang music at tinanggal ang earphones.

"Yes?" taas kilay kong tanong sa kanya.

"Sa pagkakaalam ko, miss, jan ko nilagay ang bag ko. But then, biglang nalipat" sarcastic niyang sagot "And I think hindi malilipat bag ko kung walang naglipat. Unless, kung naglakad itong bag ko" :) dagdag niya

Tumayo na ako at "Excuse me? Anong gusto mong gawin ko?"

"Ang sakin lang, sana doon ka na lang umupo. Nakita mo naman siguro na may bag na jan which means, na may naka-upo na, Right miss?" parang nag-iisip siya ng pangalan. "Miss Userper! Hahaha" pang-aasar niya, aba! Lakas ng loob ah, first day na first day. Sino ba siya?

[A/N: A usurper is someone who wrongfully takes someone else's place]

Usurper? Aba, kapal ng mukha! "What dis you just called me?" pagtataray ko "Excuse me, mister! I'm not a usurper!" Inis kong sabi at feeling ko lahat ng mga kaklase namin ay samin na nakatingin -_-

"Eh anong tawag mo sa ginawa mo?" sarcastic niyang tanong. Oo nga no? Ah, basta! First day naman e, tsaka hindi ko naman alam na may policy dito na bawal maglipat ng bag sa ibang upuan.

"Ehem" Hay salamat at naisipin naman ng magaling kong bff na tumayo at magsalita "Excuse me, ako na yung hihingi ng sorry para sa bessy ko. Ako naman kasi yung naglipat ng bag mo sa ibang upuan para lang makatabi ko siya. Hihihi" aba oo nga pala no? Siya ang naglipat ng bag! Nakoo!

"So, ano okay na?" sarcastic kong tanong kay Mr. Sensitive. Napaka-sensitive niya kasi sa mga bagay bagay. Tumingin lang siya sakin na blanko ang expression.

"Nanjan na si Mam!" sigaw ng isa kong kaklaseng lalaki habang napasok siya sa pinto hahaha kaya ayun nag-ayosan ng upo ang mga kaklase ko at si Mr. Sensitive naman ay walang nagawa kundi bumalik dun sa upuan na pinaglagyan ng magaling kong bessy ng kanyang bag. Psh -_- What a nice day to start my first day. Sana naman maging okay ang mga susunod na pangyayari. Hayst.

A/N: Please vote or comment para malaman ko po kung nagandahan kayo at para ma-inspire akong ituloy. Thanks :)

Fifteen: Expressions of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon