Ang bagal ng oras..
*Tick tock Tick tock
Sobrang bagal ng oras..
"Oy Shane! Kainin na natin yang pagkain mo, di ka naman kasi makakasabay samin diba? Dali!"- Lina
2 hours pa bago mag break.. Pwede bang pabilisin to?
"Shane! Yung pagkain mo bilis! Gutom na ko." -Liya
"Tingnan mo tong babaeng to. Lumilipad na naman.. Shane Michelle Alvarez? Buhay ka pa?"
KAKULIT!
"Eto na! Eto na! Ang ingay nyo, nagbabasa yung tao eh! Kunwari pa kayo eh sanay na naman kayong kinukuha nalang sa Lunch box ko yung pagkain. Makaasar lang talaga eh no?? " Ayan na naman sila sa paggulo sa meditasyon ko.. =___=
"Hahaha.. Halata ba? E kasi ikaw eh, di ka siguro maka move on sa nangyari kanina. :))"- Lina
"Ambagal mong mag react gutom na talaga ako eh. Uy, uy.. SHAAAAAAAAAAANE! Bongga ka kanina. Duma. "DA MOVES" ka ha.. Yieee!" -Liya
DI AH!! Medyo lang.. ^^
"Sorry Liya ha, ikaw lang kasi yung naghihingi eh diba? Aba itong babaitang ito! Tsaka.. ahm.. yung kanina, di ko yun sinasadya. Ang tawag dun.."
Nakatingin sakin yung dalawa.
"..."
".."
"TADHANA. :)"
"Weeeehh?? Tara na nga Lina, bahala na yan sa buhay nya. Atin na tong baon nya. Wahahahah!"
Aba'y loko. Pagkain lang pala ang gusto? Mukha ba kong restaurant??? T-T
FAST FORWARD.. :))
Sa wakas, BREAK NA!
Dahil nga 15 minutes lang ang break ni Seth, nagmamadali kong kinuha yung mini bag ko. Sabay takbo papunta ng..
BANYO.
May salamin kasi dun eh. Kelangang mag ayos.
Paglabas ko, tatakbo na sana ako papuntang Mini stop nang..
"Miss Alvarez!!!"
Patay. Uutusan pa ata ako. =___=
"po?" KUNWARING magalang kong sagot
"Eto na yung gitara mo. Salamat sa pagpapahiram sa bla bla bla" Di ko na naintindi. Gusto ko nalang sumigaw ng "SIR! DI LANG KAYO INAASIKASO KO SA MUNDO! MAY SETH PA KO! T-T"
So wala akong choice, tumakbo ako ng may dalang GITARA.
Isang Classic Guitar. Meaning MALAPAD AT MALAKING gitara.
KAINIS. HAGGARD. >_<
Pagdating ko sa Mini Stop..
Nakita ko si Seth. :) Nakatayo sa gilid ng long table.
Biglang bumukas ang langit, nagliwanag ang paligid, namulaklak ang mga sunflower at...
"AY PINK NA BLUE!"
May tumulak sakin.
OYEAH.
May tumulak saken.
Anu bang mundo to, wala nba kong karapatang sumaya?
Wala namang nabaling buto sakin. Okay naman ako. Actually, may sumalo sakin. Ang guardian angel ko. :) Sino pa ba, edi si Seth. Ang classic diba? :)
Ang classic..
Ang classic..
OM.
YUNG GITARA KO!
"Yung gitara ko.. T-T" kinuha ko sabay tingin left view, right view, top view at bottom view.
LAHAT MAY GASGAS. T^T
"Gitara ko.. Huhuhu. Alam mo ba best friend ko yan, kasama ko yang umiyak, lumuha, humagulgol at iba pa."
Di ko na pinapansin kung anung reaksyon ni Seth. Todo hagulgol ako ng biglang..
"Okay pa naman eh. Wala namang basag, kaya lang may gasgas."
Sabi nya.
"Eh baka iba na tunog nyan. Huhuhu." Sabi ko. Umiiyak ako, oo. Pero onti onti akong sumasaya kasi inaalo nya ko. :)
"Hindi yan. Try naten. Tugtugan kita?"
At..
KABOOM!
Sumabog na ng tuluyan ang puso ko. Parang Fireworks na nagfo.form ng pangalang S-E-T-H. Tumango ako. Kasabay ng pag iisip kung ano bang tutugtugin nya.
I'll Be kaya ni Brian Mcknight? I Do ng 98 degrees? O Now that I Found You ng MYMP? Nag simula sya at...
0_0
"Yan tutugtugin mo?" sori naman. Nagulat ako eh.
"Oo. Ayaw mo?" sabay pout.
Ang pinaaakaa Cuuuute na pout na nakita ko. Dahilan para hindi nako makatanggi.
Nagsimula ulit sya.
SPEAK NOW- TAYLOR SWIFT
I am not the kind of boy
Who should be rudely barging in
On a white veil occasion
But you are not the kind of girl
Who should be marrying the wrong boy
Nakinig ako habang nakatingin sa mukha niya.
I sneak in and see your friends
And his snotty little family
All dressed in pastel
And he is yelling at a bridesmaid
Somewhere back inside a room
Wearing a gown shaped like a pastry
Actually, hindi ako fan ni Taylor Swift.
This is
Surely not what you thought it would be
I lose myself in a daydream
Where I stand and say
Piling kanta lang nya ang gusto ko, at hindi ito isa dun.
Don't say yes, run away now
I'll meet you when you're out
Of the church at the back door.
Don't wait or say a single vow
You need to hear me out
And they said
Pero bakit, nung sya ang kumanta,
"speak now"
Napangiti ako? :)